FFY 18

1.5K 49 1
                                    

Nag shower ako at nahiga sa kama, tumingin ako sa wallclock.
3:00 am na, pinilit kong ipikit ang mga mata ko, pero di ako makatulog, nag pabalingbaling ako sakama at umupo.
Sinandal ko ang ulo ko sa headboard.

Pinilit kong wag isipin si Zach, pinikit ko ulit iyong mga mata ko, at di ko namalayan na nakatulog na ko.

Nakaramdam ako ng marahang haplos sa pisngi ko, minulat ko ang mata ko at nakita ko ang namumungay na mata ni Zach.

"Im sorry kath for leaving you yesterday night, I love you."

napa ngiti ako, jusko sana hindi ito panaginip, kung panaginip man ito, sana wag niyo na kong gisingin.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko.

Dinampian niya ko ng halik sa noo.

"Kath! Wake up, tanghali na."

napa mulat ako at mabilis na bumangon, nakita ko siya na katatapos lang maligo at nag aayos ng sarili para pumasok sa trabaho.

So panaginip lang pala iyon pag sabi niya ng I love you.

eh yung pag haplos niya sa muka ko,naramdaman ko iyon pati yung pag dampi niya ng halik sa noo ko.

Sinusundan ko siya ng tingin habang nag aayos ng sarili.

"What?"

iritable niyang sabi.

Umiling ako.

"Nakahanda na yung breakfast sa baba, kumain kana dun."

sabi neto at lumabas na ng kwarto.

Gusto ko pa sanang itanong kung saan siya galing kagabi, pero mukang badmood siya kaya di ko nalang tinanong.

pumasok ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos ng muka.

Bumaba na ko para kumain, kasabay ko si Manang na kumakain.

Ng matapos na akong kumain ay, inilabas ko lahat ng labahan.

Ako kasi ang nag lalaba ng pinagrumihan namin, nakakahiya kasi kay manang kung ipapalaba ko pa.

Hinanap ko iyong damit na sinuot ni Zach kagabi, pero hindi ko nakita.

Pumasok ako sa loob ng Banyo at nakita ko iyon na nakasabit doon, ibig sabihin kauuwi niya lang.

Kinuha ko iyon at napansin na iba ang amoy. Naamoy ko itong pabango ito kay Jasmine. Naalala ko kagabi, yumakap pala si Zach kay Jasmine.

Bumaba ako at nag simula ng maglaba, nung binanlawan ko na iyong maruruming damit ay napansin ko na may lipstick iyong damit ni Zach, Kahit na itim iyon ay nahalata ko dahil kulay pula.

May kumirot sa puso ko, hindi nga ako nagkamali, itinuloy ko ang pag ginagawa ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko.

Mabilis akong natapos sa pag lalaba dahil gumamit ako ng Machine.

Nakita ko si Manang na nag luluto at nag lalagay ng nalutong ulam sa maliit na container.

"Para kanino po iyan Manang.?"

tanong ko, lumingon siya sakin.

"Si Zach kasi nag papahatid ng pagkain."

nakangiti niyang sabi.

"Uh, ganon po ba,ako na lang po ang mag hahatid."

prisinta ko.

"Sigurado ka Anak? katatapos mo lang maglaba baka pagod ka."

"Hindi po, konti lang naman pi nilabhan ko, maliligo lang po ako."

sabi ko at umakyat na ng kwarto.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon