Nageempake na ko ng gamit ko.
mamayang madaling araw na kami aalis ni Michael, alam ko na magiging masaya kami.
wala pakaming pupuntahan na lugar pero alam ko na kahit saan pa yan mag sasama kami at di na muling mag kakahiwalay.
Ang sarap isipin na ang lalaking mahal na mahal mo ay makakasama mo na.
Iniisip ko palang na kapag mag kakaanak kami sigurado na mas magiging buo kami.
Tinignan ko yung sulat ko para kila nanay na naka patong sa kawayan na lamesa.
Masakit para sakin ang lumayo sakanila, pero kailangan kong maging matatag at matapang gaya ng ginawa ng Ate.
May narinig akong kumatok sa labas.
itinago ko ang bag sa silong ng Kama at inipit sa unan ang sulat ko para sakanila at nag pangap na tulog.
narinig kong bumukas ang pinto mejo ibinuka ko yung mata ko para makita kung sino iyon.
nakita ko si Nanay na lumapit saakin at hinalikan ako sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Ilang oras akong nag hintay.
Pasado alas dos na ng madaling araw.
sumilip ako sa labas wala ng tao sa kalsada.
kinuha ko yung bag ko at ilang ipon ko sa pag tatrabaho.
Ilang minuto din akong nag lakad wala pa kasing Tricycle na dumadaan.
Maya maya lang ay may dumaan na Tricycle.
agad ko itong pinara at mabilis na sumakay.Ng makarating ako sa sakayan ng Bus.
Umupo ako sa mejo madilim na parte baka may maka kilala sakin.
Tinext ko si Michael at sinabi ko na andito na ko.
pero wala akong natanggap na reply mula sakanya.
naisip ko na wala siguro siyang load.
dalawang Bus na ang umalis pero ni isang anino ni Michael ay wala akong nakita.
tumingin ako sa relos ko
3:10 na wala pa siya.
nag hintay pa ko hanggang sa nakatulog ako.
pero pag gising ko 3:40 na wala padin siya.
Nakita ko ang isang pamilyar na bulto ang papalapit sakin.
Para akong binuhusan ng tubig ng makita siya.
"Z-zach!"
nanginginig kong sabi.
kahit na madilim kitang kita ko ang nag aapoy niyang mata.
"Kung inaakala mo na makakatakas ka sakin, pwes nag kakamali ka."
Mahigpit niya kong hinila papunta sa kotse nya.
Di ako umimik."Di mo ko matatakasan gaya ng ate mo."
malamig niyang sabi.
"P-pero hindi dapat ako ang g-ginaganito mo, d-dapat-- dapat siya diba? Siya ang t-tumalikod sa usapan niyo, hindi ako, kaya nag m-mamakaawa ako sayo. H-hayaan mo na kong sumama sa lalaking mahal ko."
Hingal kong sabi sa pagitan ng pagiyak.
"AT KANINO MO GUSTONG SUMAMA? SA MICHAEL NA MERONG NABUNTISANG IBA?"
Para akong nanigas sa sinabi niya.
Hindi pwede, alam kong mahal ako ni Michael.
"H-hindi totoo yan."
mahina kong sabi.
"Kung hindi totoo bakit di sya sumipot sa usapan niyo?"
nagulat ako sa sinabi nya.
panong?
"Alam kong may plano kang tumakas kaya pinabantayan kita sa mga tao ko."
k-kaya minsan napapansin kong may nakatingin sakin pero pag hahanapin ko kung san galing ang mga matang nag mamatyag sakin di ko nakikita.
Napahagulgul ako.
"Fixed yourself, iuuwi kita sa inyo habang tulog pa sila Tatay Ruben."
sabi neto at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
ng makarating kami sa bahay agad akong bumaba at tumakbo papasok sa loob.
----
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...