FFY 9

1.6K 56 1
                                    

Habang nag huhugas ako ng pinagkainan sa kusina, narinig kong tumunog ang Cellphone ko na  nasa sala.

Nag madali akong tumakbo at sinagot ang tawag.

"Hello?"

sagot ko sa kabilang linya.

["Kath? ikaw ba yan?"]

si ate Trina.

"Oo ate, katagal mong di nag paramdam kamusta kana?"

maluhaluha kong tanong.

["Ayos lang ako dito, Uh nga pala ikinasal na ko kay Loyd."]

Halata na masaya siya sa piling ng mahal niya.

"Uh, mabuti naman kung ganon."

mahina kong sabi.

["Ikaw ba kamusta kana? Si nanay at tatay kamusta na pwede ko ba silang makausap?"]

masiglang wika niya sa kabilang linya.

Wala pa nga talaga siyang alam sa mga ngyari..

"P-pasensya kana Ate pero di mo makakausap sila Nanay ngayon."

["Teka? bakit nasan kaba, bakit parang malungkot yang boses mo may ngyari ba?"]

taka niyang tanong

"Hmm. Di na kasi ako nakatira kila Nanay matagal na."

["huh? bakit Katherina ano bang ngyari jan?"]

halata sa boses neto ang pag aalala.

"I-ikinasal na ko Ate."

["Ikinasal kana? bente uno ka palang Kath, si Michael ba? k-kamusta nakayo? ang pag sasama niyo ayos lang ba?"]

napaluha ako sa sinabi nya.

"H-hindi si... M-michael"

garalgal kong sabi.

["S-sino? kung hindi si Michael sino?"]

kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Si Zach."

["SI ZACH!!? B-bakit si Zach? alam kong may lihim kang pag tingin kay Zach pero diba mahal mo si Michael? bakit kay Zach ka nag pakasal?"]

mula sa kabilang linya rinig ko ang mahinang panginginig ng boses niya.

Sinabi ko sakanya ang dahilan, na ipinalit niya ko kay Ate. pati ang pagtangka naming pagtanan ni Michael hanggang sa pag ka laho nito ng walang paalam.

["Patawad kath,da-dahil sakin, naghihirap ka. Patawad."]

Umiiyak nyang sabi.

"Ayos lang ate, ngayon ko lang na pagtanto na hindi lang pala crush ang tingin ko kay Zach noon. Mahal ko siya ate mahal na mahal,kaya wala kang dapat na ikahingi mg tawad. Nag papasalamat pa nga ako sayo  dahil nakasama ko siya."

mahaba kong lintaya.

["basta pag nag ka problema kayo o sinaktan ka niya wag na wag kang mag dalawang isip na tawagan ako ahh? kukunin talaga kita sakanya."]

sabi ng ate.

tumango ako kahit na di miya nakikita.

["O siya sige, Gising na si Loyd mag luluto pa ko ng agahan namin, Ikamusta mo ko kila nanay at tatay ahh. Mahal na mahal ko kayo."]

sabi niya at tuluyan ng naputol ang tawag.

Umupo ako sa pang isahang upuan at isinandal ang sarili.

Mahal ko na nga si Zach at alam ko din na

Hindi man ako ang tinitibok ng puso niya ngayon, pero alam ko na darating ang araw na masusuklian niya din ang pag mamahal ko sakanya.

°°°°

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon