FFY 42

1.8K 47 3
                                    

"Kath, okay ka lang ba?"

Tanong ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.

"O-oo ayos lang ako."

Ng hihina kong sabi.

"Mukang di ka okay."

Hinawakan niya ang kamay ko agad na binawi iyon.

"Jusko Kath! Inaapoy ka ng lagnat."

Halos lahat ng katrabaho ko at mga costumers namin ay napatingin.

"K-kaya ko n-naman eh."

Ng hihinang sabi ko.

"Nako dadalhin kana namin sa hospital."

Alalang sabi nito.

"W-wag na wala akong pang b-bayad."

Ngumiti ako ng mapait.

Naramdaman ko nalang ang pag kabigat ng ulo ko at tulyan ng bumagsak sa sahig.

"Kath!"

Rinig kong sigaw nila at tuluyan ng nawala ang ulirat ko.

.

Sa kabilang banda.

Ay may isang itim na honda civic ang humito sa bahay na tinitirhan ni Katherina.

Bumababa si Zach sa kanyang sasakyan at pumunta sa kubo na bahay.

"Tao po!"

Tawag niya sa loob ng bahay ngunit walang sumasagot.

Alam nito na nandito ang asawa niya dahil ipinahanap niya ito sa mga private investigator na hinire niya.

Mahal na mahal nito ang asawa at ganon nalamang angbginawa niya noong huli silang mag kita dahil ang alam nito ay ninanakawan siya ng pera ni katherina at ibinibigay sa dati nitong kasintahan.

Nung araw na dumating si Manang Olivia ay ibinigay nito ang kalahati ng hiniram niya kay Zach.

"Zach! Anak ito na pala iyong hiniram ko kay Katherina, kalahati lang muna kasi wala pa akong pambayad."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng matanda.

"Pinahiraman niya kayo ng pera?"

Takang tanong ni Zach.

"Ai oo, diba niya nasabi sayo. Naku napaka bait at maalalahanin ng asawa mo Zach napaka swerte mo sakanya."

Ngumiti ito at umalis na sa harapan ng binata.

Halos buhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nalaman niya pero hindi padin ito napapawi ang sakit ng kanyang dibdib ng makita niya ang asawa niya at si Michael na nag uusap sa restaurant.

Halos mag puyos siya sa galit at dahil doon ay nasaktan niya si Katherin at pinapirmahan ang annulment papers na wala naman siyang balak na ibigay.

Inasikaso kasi ito ng kanyang dating nobya na si Jasmine ngunit wala na siyang natitira ni kahit katiting na pag tingin dito dahil sa ginawanl niyang pagpalalag sa anak nila.

Ikakasal na dapat sila dahil alam niyang hindi na siya babalikan ni Trina pero sobrang sakit ang ginawa nito sa magiging anak sana nila.

Dumaan ang dalawang araw ng dumating ang Nanay at Tatay ni Katherina at personal na inabot ng mga ito ang perang hiniram ng mga ito.

At humingi din ng pasensya dahil kay Michael pa nila naisipang ipaabot.

Pasalamat na lamang ito dahil hindi sila nag tanong kung nasaan si Katherina.

At ngayon patuloy niya padin itong hinahanap at ngayon natagpuan niya na ang bahay nantinutuluyan ni Kath.

Nang wala paring sumagot ay binuksan nito ang pinto ng bahay at bumungad sakanya ang malinis na bahay.

Nilibot ng mata nito ang buong bahay puro luma at sira na ang mga gamit maging ang upuan ay wala ng paa, ang lamesa na kakalahati nalang at dalawang bangko na na gawa sa kawayan.

Tinignan niya ang lamesa na may kape na mejo malamig na at isang kagat na pandesal.

Halos mapaluha siya sa nakikita niya dahil di niya lubos maisio na ng dahil sakanya ay nag hihirap ang dalaga.

Napansin niya ang litrato na nakatingin sakanya.

Ito ang litrato ng ikinasal silang dalawa.

Mas lalo pa siyang napa luha dahil alam at ramdam nito na mahal talaga siya ng dalaga.

Dahil di niya na kinaya ang mga nakikita niya ay lumabas na lamang siya ng bahay.

----

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon