Nagising ako ng wala na si Zach sa tabi ko.
Umupo ako at napangiti ng maalala ko ang mga ngyari kagabi.
Tumingin ako sa wall clock, 11am na.
Bumangon ako para mag damit at tinanggal ang bedsheet na may bahid ng dugo at inilagay ito sa marumihan.
Hinanap ko si Manang pero wala siya sa buong bahay.
Pumunta ako sa kitchen para mag hanap ng iluluto.
"May pagkain sa lamesa kumain ka na."
Nagulat ako ng marinig ang baritonong boses mula sa likod ko.
Nilingon ko siya at nakita ko itong nakasadal sa pintuan ng kusina.
Nakatingin lang siya sakin ng diretso, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at kumuha ng tubig at plato.
Yumuko ako ng dumaan ako sa harap niya, para akong nakakaramdam ng hiya na may halong kilig. Di ko maintindihan.
"K-kain tayo."
Aya ko sakanya pero hindi niya ko pinanasin at nag lakad ito palabas ng kusina.
Kumain ako ng tahimik, nasaan kaya si manang bakit wala siya?
Si Zach bakit hindi siya pumasok, eh martes palang ngayon sabi ko sa isip ko.
Ng matapos akong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinag kainan ko.
Dahil wala namang magawa ngayon napag isipan kong mag basa nalang ng pocketbook.
Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Zach na nakatuon ang kanyang mata sa laptop nito at kunot ang noo.
Ng makuha ko na ang pocketbook ko ay narinig kong tumunog ang Cellphone neto.
Mabilis niya itong kinuha at sinagot.
"Yes?...Oh hi Jas...uh yeah... Now?? Uhm okay wait me there."
Pinatay niya yung laptop neto at mabilis na nag hanap ng damit.
Bumaba na ako sa sala at umupo sa sofa.
Jas?? Si Jasmine siguro yong kausap niya, mag kikita sila ngayon.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Nakita ko siyang pababa sa hagdan.
"Aalis lang ako saglit... Wag kang lalabas ng bahay."
Sabi neto at nag lakad na palabas.
Bakit ganon? Bilanggo ba ko para hindi palabasin?
Sinilip ko siya sa bintana at pinaandar na neto ang sasakyan.
Nag madali akong umakyat sa kwarto at nag bihis.
Kinuha ko ang wallet ko at mabilis na tumakbo palabad at nag para ng taxi.
"Manong paki sundan yung sasakyan na yon."
Sabi ko sabay turo ng sasakyan ni Zach.
Nakita ko siya na pumasok sa malaking Condominium.
Sinundan ko siya at nag tago para di niya ko makita.
Sumakay siya sa elevator.
Dahil di ko naman alam kung anong floor si Jasmine ay nag tanong ako sa information desk.
"Uh! Miss anong unit number ni Ms Jasmine..."
Di ko pala alam apilyedo niya.
"Jasmine?...."
"Uh yung modelo."
Sabi ko nalang.
"Hmm si Miss Jasmine Evangelista po ma'am... Room 809 po."
Sabi neto at ngumiti.
Tumakbo ako at nag madaling tumabkbo sa elevator.
Maraming tao sa elevator at naki siksik ako doon.
Tumunog ang elevator at lumabas ako.
Nakita ko si Zach na nakatayo sa Room 809 at pinindot ang doorbell.
Nagtago ako sa gilid para di niya ko makita.
Nakita ko si Jasmine na lumabas at yumakap kay Zach.
Kumirot ang puso ko sa nakita ko.
"Baby, I miss you."
Malambing na sabi ni Jasmine at hinalikan ang asawa ko.
Tumulo na ang luha ko na kanina pa nag babadyang tumulo.
Tinignan ko si Zach parang gusto niya naman ang ginagawang pag halik ni Jasmine sakanya.
Paano niya naatim na halikan ang ibang babae pagkatapos ng may mangyari samin?
Itinulak ni Jasmine papasok sa loob at laking gulat ko ng bigla itong tuminginsaakin at ngumiti.
Di ko na kinaya ang mga ngyayri kaya umalis nalang ako sa lugar na iyon.
--
BINABASA MO ANG
Far From You: Katherina (Mueble Series #1
RomanceAll I want is Love and to be loved. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na may malaking pag kakautang ang pamilya ko sakanya. Kelan nya ba ko kayang tanggapin gayong siya naman ang sapilitan akong pwinersa para mag pakasal sakanya. I...