FFY 17

1.5K 45 3
                                    

Nag aabang ako ng sasakyan sa labas ng may tumabi sakin.

Nilingon ko iyon at nakita ko si Clyne na naka ngiti sakin.

"Hello Miss."

bati neto.

ngumiti lang ako at tumango.

"Nasan na si Zach? iniwan ka niya?"

nakaramdam ako ng init ng ulo sa sinabi niya, kailangan ba ipamuka sakin.

"Hindi, May pinuntahan lang siya pero sabi ko na muuna na ko."

pagsisinungaling ko.

"Oh! Kaya pala kasama niya si Miss Ortega. yung modelo ."

Ng iinis ba tong taong to.

Di ko siya pinansin.

At nag lakad palayo sakanya.

"Kung gusto mo ihatid na kita, san ba bahay niyo? delikado na dito."

Talagang humahabol padin to ah.

Binilisan ko ang lakad ko, lumingon ako pero wala na siya.

Haay salamat ang kulit kasi kaya pala bwisit si Zach sakanya.

Malayo na ko sa Villa ng mueble at nag aabang ng sasakyan.

May narinig akong sumisipol pero di ko pinanansin.

"Miss."
Tawag nung ilang grupo ng kalalakihan, nakaramdam ako ng kaba. nag madali akong nag lakad ng makita kong sumusunod sila.

Di ko na alam kung san ako dumadaan basta ang ginawa ko ay hinubad ang mamahaling sapatos at tumakbo ng mabilis.

"Sh*t mga pare tumkabo tara habulin natin."

sigaw nung isang lalake.

Nag madali akong tumakbo.

Di ko namalayan na may bato akong natapakan dahilan kaya napatid ako.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot, nakita ko ang tuhod ko na may sugat.

Napaiyak nalang ako sa sobrang takot.

Nakita ko sila na papalapit sakin.

Bago sila makalapit ay may lalaking humarang sakanila, di ko na tinignan kong sino, dahil na nginginig ako sa takot at kaba.

"Are you okay?"

dahan dahan kong inangat ang ulo ko.

Inalalayan niya akong tumayo, nagulat ako ng bigla niya kong yakapin, hinayaan ko nalang siya sa ginawa niya, dahil baka matumba ako sa panginginig ng katawan ko.

"S-salamat....Clyne."

lumayo ako sakanya pero nakatingin lang siya sakin.

"Siguro naman hahayaan mo na kong ihatid kita?"

tumango nalang ako bilang tugon,nilingon ko yung mga kalalakihan na naka handusay sa sahig, pero apat nalang sila.

"Tumakbo yung isa,natakot ata sakin."

sabi neto at tumawa ng malakas.

Iginaya niya ako patungo sa kotse niya at pinag buksan ako ng pinto.

Tahimik lang ako sa buong biyahe, siya naman daldal ng daldal pero di ko maintindihan ang sinasabi niya dahil si Zach ang nasa isip ko.

Ayoko mang isipin pero siguro nag papakasarap siya kasama si Jasmine.

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Teka bahay ni Zach to ah? dito ka nakatira.?"

tanong niya.

tumango ako sakanya.

Tinignan niya ang kamay ko.

"So, you're married...with Zach"

mahina nitong sabi.

tumango ulit ako.

Nakita ko siyang ngumiti.

"Kanina pa tayo mag kasama pero di ko padin alam ang pangalan mo."

sabi neto habang nakatawa.

"Salamat sa pag hatid."

at bumaba na ko ng sasakyan.

"Katherina."

sabi ko at isinarado ang pinto niyon at naglakad papunta sa pinto ng gate.

buti nalang at hindi nakalock yung maliit kung hindi, hindi ako makakapasok.

Narinig kong umalis na si Clyne, at saka ko lang naalala iyong sapatos ko na naiwan sa loob ng sasakyan niya.

Dibale pag nag kita kami ulit kukunin ko nalang sakanya.


------

Sensya nasa date ako ngayon hehe, siningit ko lang tong chapter na to.

-Animor

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon