Pyra's POV
"Nga pala, saan ka mag-aaral?" Tanong sa 'kin ng pinaka-unang una kong kaibigan. Sya si Alice William. Nagkakilala kami dito sa park. Maamo ang mukha nya at mabait din sya. Mahinhin at medyo tahimik sya samantalang ako eh napaka-ingay. Magaan din ang loob ko sa kanya kaya kahit kakikilala lang namin ay itinuring ko na syang kaibigan.
"Sabi ni mommy sa.." Napatulala ako sa paru-parong lumilipad. Ang ganda nya. May mga ibat-ibang kulay ang kanyang pakpak. Talagang nakakamangha.
"Sa?!" Nagulat naman ako sa sigaw nitong si Alice.
"Hehe pasensya na, ang ganda kasi nung paru-paro eh." Sabay turo ko dun sa paru-parong lumilipad palayo.
"So saan nga?" Masyado naman ata tong excited.
"Sa Vampyra Academy..."
"Wag!" Masasampal ko na 'to eh. Kanina pa ako nagugulat ah!
"Huh? Bakit naman?" Bakit ayaw nya doon? Ang cool kaya ng name! Saka parang pa-mysterious.
"Ah eh kasi kakaiba daw dun. At may mga kababalaghang nangyayari." Pagpapaliwanag nya. Ano naman kayang klaseng kababalaghan? Baka sabi-sabi lang.
"Malay mo hindi totoo ang mga sabi-sabi na yan." Pangungumbinsi ko na wag syang maniwala sa mga sabi-sabi.
"Nakapunta ka na ba doon?" Tanong nya.
"Hindi pa." Sagot ko naman. Ngayon ko lang kasi nalaman ang akademyang iyon.
"Nakakatakot dun. Maraming puno ang nakapalibot sa buong eskwelahan na yun. Bakit hindi mo subukang mag-aral sa Dapire Academy? Maganda dun. Yun nga lang gabi din ang pasok. Pero di naman katulad dyan sa Vampyra na yan."
"Hindi na pwede eh. Gusto kasi ni mommy doon ako mag-aral at bukas na ang pasukan." May 31 kasi ngayon at saktong lunes bukas June 1.
"Ok then sasamahan kita." Napalingon naman agad ako sa kanya. Sasamahan ako?
"Really? Akala ko sa Dapire ka mag-aaral?"
"Oo pero magpapa-enroll na ako kay yaya ngayon sa Vampyra, ayoko namang mag-isa lang doon ang new friend ko noh! Mamaya totoo ang mga sinasabi ng iba dun tapos mag-isa ka lang? Syempre kasama mo ko, hindi ko papabayaan ang pinaka-una kong friend! Ikaw lang kaya ang tumanggap sa akin." Sambit nito na kaagad namang nakapagpagaan sa loob ko. Ang bait-bait nya talaga.
"Talaga? Parehas lang pala tayo, ikaw din ang first friend ko eh." Yung kaibigan na hindi plastic at di ka pababayaan.
"Sige Xam, una na ako. Magpapaalam lang ako sa principal ng Dapire para payagan akong mag transfer."
"Osige, mag-iingat ka." At nagpaalam na kami sa isa't isa. Sumakay na ako sa service ko para makauwi na rin. Ang saya-saya ko ngayong araw.
"Ma'am saan po tayo?" Tanong ni manong driver.
"Sa Mansion na po." Tumango lang sya at itinuon na nya ang sarili sa pagda-drive.
Nga pala ako si Pyra Xam Villegas. Isang ampon ng mayaman na Mr & Mrs Villegas. Wala silang anak kaya nag-ampon na lang sila. At ang swerte ko, ako yung napili nila.
Wala akong alam sa totoo kong mga magulang. Sabi nila Mommy patay na daw sila. Bago sila mamatay ay ipinaampon na daw nila ako. Ang tanging alaala ko na lang sa kanila ay ang kwintas na gold at may pendant itong susi.
Palagi ko 'tong suot pero tinatago ko sa ilalim ng damit ko. Ewan ko kung bakit. Baka kasi mahablot ng magnanakaw? Kasi totoong gold sya walang halong biro.
16 years old na ako. 4th year student sa pasukan.
Bumaba ako ng kotse ng makapag-park si manong. Pumasok ako at nakita ko si mom and dad na nag-uusap sa sala.
"Hi mom, dad." At nakipagbeso ako sa kanila.
"Oh honey ikaw pala." Mommy said and drink the glass of water beside her.
"Ahh baby may sasabihin kami ni mommy sa'yo." Para akong bata ano? Honey at baby haha. Dahil nag-iisa lang akong anak nila ay naging spoiled ako, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero di ko naman inaabuso yun noh. At syempre dapat may ipapalit ako sa mga pag-aalaga nila sa akin. Yun ay yung palagi akong nasa top 1. Palagi akong sumasali sa mga contest at palagi din akong nananalo.
Sandamakmak na nga ang mga gold medals and trophies ko. Pero minsan hindi ako pinapalad na manalo but may nakukuha pa rin ako.
"Ano yun daddy?" Naupo ako sa pagitan nila.
"Aalis kami ng mommy papuntang America. Malaki ka naman na at kaya mo na ang sarili mo kaya maiiwan ka dito." Napatango na lang ako sa sinabi ni Daddy. Umaalis sila dahil sa mga business nila at palagi akong kasama sa pag-alis nilang yun. Pero ngayon mukhang maiiwan ako sa mansyon.
"Di bale mommy and daddy. Ok lang po ako, nandito naman sila yaya eh." Saad ko ng may ngiti.
"No anak, hindi ka na titira dito."
"H-huh? Ano pong ibig nyong sabihin." Taka kong tanong sa kanila. Papalayasin na ba nila ako?
"Sa Vampyra Academy ka na titira anak." Sabi ni mommy.
"What?!" Gulat kong sabi sa kanila.
"May mga dorm sila doon para sa mga mag-aaral na pumapasok doon. Ibig sabihin doon ka na titira ng isang taon. Uuwi ka naman kapag may emergency or vacation." Paliwanag ni mommy.
"Don't worry baby magiging ligtas ka doon." Hinawakan ni dad ang magkabila kong balikat.
"Eh ligtas naman po ako dito ah?"
"Basta honey, tatawagan at itetext ka naman namin ng daddy mo. Mag-skype, video call pa tayo para mas maganda. Bukas ng hapon ang alis namin ng daddy mo. Ihahatid ka na namin sa Vampyra bago kami pumunta sa airport." Sabi ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.
"At magba-bonding tayo bukas ng umaga!" Masayang sabi ni daddy.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" At niyakap ko silang dalawa.
"I love you mommy and daddy.""I love you too anak." Sabi nila sabay kiss sa noo ko at kiniss ko naman sila sa pisngi.
Haays... Mamimiss ko sila... Super! Kung pwede lang na sumama ako sa kanila kaso pasukan na bukas. Muli na naman akong napabuntong hininga.
At ikaw naman Vampyra Academy maghintay ka lang at nandyan na ako bukas ng hapon!
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...