Alice's POVT-totoo ba 'tong nakikita ko?! Muli kong ipinikit at idinilat ang aking mga mata. Ilang beses ko na 'yong ginagawa pero nandidito pa rin sya na nakatayo sa harapan namin.
"P-pyra..." tawag ko ulit sa kanya ngunit kunot noo lamang ang tanging natanggap ko.
"P-pyra kami 'to. Si Paollo at Alice." Pagsusumamong sabi ni Pao.
Nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi! Hindi pwedeng nandito sa akademyang ito si Pyra! Nanganganib sya.
"P-paano ka nakapunta dito Pyra? D-dinakip ka ba ni mom?"
"Ano bang pinagsasabi nyo?! At sino naman si Pyra?!" Masungit nyang pahayag sa amin. Tila nagbago ang lahat sa kanya. Ang pananalita o ugali nya at ang aura o malakas na enerhiyang nanggagaling sa katawan nito. Hindi ito ang Pyra na kilala ko.
Hindi ito maaari. Nabura lahat ng alaala nya. Anong ginawa ni mom?!
"P-pyra. Ikaw si Pyra." Sambit ko. "Hindi pwedeng mawala ang alaala mo. Kailangan ka ng angkan mo Pyra, please gumising ka sa kahibangang ito!" Pagpupumilit ko na maaaring maalala nya ang nakaraan.
Tinaasan nya ako ng kilay. Habang ang isa nyang kamay ay nasa bewang nito.
"Hindi ako si Pyra. For your information my name is Kiara Xamyl Wolff! And kahibangan? Baka ikaw ang hibang!" Napahawak naman sya sa kanyang sintido.
"Ugh bakit ko ba pinag-aaksayahan ang mga walang kwentang bagay. Nag-aksaya ako ng lakas tapos ito lang pala ang dadatnan ko? Urgh!"
"Pyra ano ba! Kami 'to! Mga kaibigan mo!" Pangungumbinsi ko sa kanya. Muli syang nagtaas ng kilay.
"What did you say? KAIBIGAN? So sorry girl pero wala akong kaibigan. Oh baka naman taksil kang kaibigan?" At ipinagdiinan pa nya ang salitang kaibigan at taksil.
Napatahimik ako sa sinabi nya. Totoo naman eh. Taksil ako!
"Oh bakit wala ka atang masabi? Siguro totoo 'yon ano?"
"Pinagsisisihan ko nang gawin ang mga maling nagawa ko! At ang landas na tinatahak mo ay mali ito Pyra! Huwag kang gumaya sa'kin!"
Tila naguluhan naman sya sa mga sinabi ko.
"Damn! Don't you ever call me that again! Nakakairita ka na bitch, kailangan paulit-ulit?! Tsk nag-aaksaya lang talaga ako ng panahon dito!"
Napaiyak na lamang ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko aakalaing sasabihin nya ang mga salitang 'yon sa akin. Sabagay malaki naman ang nagawa kong kasalanan. Dapat lang ito sa akin!
Nakita ko namang si Pao ay nagpipigil ng galit. Alam kong galit sya kay Kiara at hindi bilang kay Pyra. Papaano 'to nagawa ni mom?
Siguro ginamit na naman nya ang pinakamagaling pagdating sa spell sa kasaysayan ng mga witch. Si Lola Ymelda. At ang kapatid nyang nawala sa pag-iisip na kagagawan ni din ni ina ay si Lola Glenda.
[A/N: Sila po yung nasa Chapter 8]
"Bakit ka kasi nag-aaksaya ng panahon dito, ANAK?" Napalingon ako sa nagsalita.
"Mom ikaw pala."
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay natutulog ka na."
"Na-curious lang ako sa kahoy na nasa sahig. Kaya sinubukan kong pasukin. Yun pala napakawalang kwenta lang ang dadatnan ko. Sino ba sila mom?" Irita nyang sabi.
"Isang taksil sa ating lahi."
At bigla na silang nawala at ang mga pinto ay gawa na.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...