~•~•~•~•~•~ Dedicated to Ice_canjie~•~•~•~•~•~
Pyra's POV
Nagising ako ng medyo masakit ang aking ulo. At teka bakit puti lahat ang nakikita ko?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina na naging dahilan kung bakit ako nandito.
Pumunta lang naman akong plaza at nakisabay sa mga activities na kanilang ginagawa. Tapos... May lumilipad na bagay na tumama sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naalala ko. Nasa langit na ba ako?! Bumangon ako... May pintuan, lamesa at upuan akong nakita. So wala pala ako sa langit?
Naalala ko lahat ng mga nakita ko. Dugo, at mga taong nakahandusay na may mga dugo din! At may dalawang tao, lalaki at babae na hindi ko maaninag sa kapal ng usok. At... At lumapit sa'kin yung babae, nakahiga na ako nun at naaninag ko ang kanyang maskara. Inilapit nya sa akin yung kanyang mga kamay na parang may gagawin na ewan? At may nakita akong tatoo sa kanyang dibdib dahil naupo sya.
"Arrgh!" Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit talaga. Ano kayang ginawa nung babaeng yun? Sila kaya ang may kagagawan nun?!
Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang nag-aalalang mga mukha nina Alice at Paollo.
"Are you ok Xam?" Pag-aalalang tanong ni Alice
"You want foods?" Ani ni Paollo.
"Wow Pao, kailan ka pa nag-english. Parang kailan lang nung nagpakilala ka at sinabi mong hindi ka taksil sa bansang Pilipinas at tagalog ang ginagamit mo."
"Oh mukhang magaling na pala 'to eh, ang dami ng sinabi." Binatukan naman sya ni Alice at dinilaan ko sya. Buti nga sa kanya.
"Kasalanan ko 'to eh. Dapat pala sinama ka na lang namin sa date--" pinutol ko ang sasabihin ni Alice.
"No, hindi pwede. Ayoko ngang magmukhang kontrabida sa inyong dalawa no. At isa pa ok naman na ako. Medyo masakit lang ang ulo ko." Tumango-tango naman sila.
"Teka... A-anong nangyari sa mga n-nakahandusay--"
"Magaling na sila." Saad ni Pao.
"Hindi naman malala ang mga tinamo nila at walang namatay." Dugtong ni Alice. Napatango na lang ako, buti naman.
"Pero nagtataka ako." Nagtinginan ang dalawa at biglang tumingin din sa akin.
"Ano yun?" Sabay pa nilang tanong. Wow duet ang peg.
"Nandito na ba ang mga tsina at sinasakop na ang bansa natin?" Babatukan sana ako ni Alice ng pigilan sya ni Pao.
"Ano ka ba bhabes masakit pa daw ulo nya."
"Ay oo nga, sorry na sorry na."
"Pero usapang matino. Bomba ba yung sumabog? O mga fireworks na gagamitin sana pagkatapos ng banda ng Fangs?" Nagkatinginan naman ang dalawa. Sabay naman silang nagsi-tango. As in tango halos matanggal na yung ulo nila.
"Saan kayo tumatango? Sa bomba--"
"Sa fireworks." Sabay na naman nilang sabi.
"Alam nyo kanina pa kayo nag-du-duet?"
"Alam mo kailangan mo ng magpahinga." Kontra sa'kin ni Alice.
"Bakit? Eh isang araw na syang tulog, hindi pa ba pahinga yun?" Totoo ba ang narinig ko sa sinabi ni Pao?
"Isang araw?!" Ngumiti naman ng pilit si Alice saka tumango.
"Grabe naman! Ang dami kong nasayang na oras, dapat nagbabasa na ako ng wattpad ngayon eh." Saka ako ngumuso. E kasi naman e, di ko pa natatapos yung binabasa ko.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...