~// Chapter 42 //~

4.6K 143 23
                                    


Erin's POV

Tumatakbo kami papasok sa masukal at napakadilim na gubat sa tapat ng Dampire Academy.

Bawat pag-tapak ng paa ko sa lupa ay ang pagbilis din ng pintig ng aking puso.

Pakiramdam ko'y lalabas na ito sa sobrang kaba na aking nararamdaman. Habang papalapit kami ng papalapit sa pusod ng kagubatang ito kung saan nandodoon si Ethan ay labis na tensyon ang aking nadadama.

Ang daming pumapasok sa isipan ko. Kung paano nakahanap si Ethan ng solusyon para makapasok sa kaharian ng kalaban. Kung maililigtas ba namin sya?

"Calm down Erin. Nararamdaman kong maililigtas na natin sya at ang mga bihag nila."

Narinig kong pinapakalma ako ni Xymon gamit ang tinig nya sa aking isipan.

Tama sya kailangan kong maging malakas para kay Pyra. Kailangan maging positibo lamang kami at hindi pwedeng mawalan ng pag-asa.

"Ethan!" Saad ni Mrs. Jane nang makita namin si Ethan na nakaharap sa dalawang punong magkadikit. Pinag-masdan ko ito at may kakaiba akong nararamdaman sa punong iyon. Hindi lamang ito ordinaryong puno.

Humarap si Ethan sa amin at niyakap ang kanyang ina.

"Dito na ba ang lagusan?" Tanong ng kanyang ama.

"Yes dad." At tumingin sya sa malaking puno.

"Paano mo nalaman ito?" Tanong ko.

"May nagsabi sa 'kin." Simple nitong tugon.

"Nagsabi? Sino?" Usisa ni Xymon. Tila lahat kami ay natuon ang atensyon sa dalawang puno. Tingin ko'y nababalutan ito ng hiwaga at misteryo.

"Hindi ko din alam. Isang misteryosong babae na lila ang buhok. Sya'y napakaganda at nagniningning sa ilalim ng bilog na buwan."

"L-lilang buhok?" Napahawak si Mrs. Jane sa kanyang dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang emosyong pinapamalas sa amin.

"Bakit mom? Kilala mo ba sya?" Kuryosidad na tanong ni Ethan sa kanyang ina.

"Sa pagkakaalam ko, ang Reyna lang ang may ganoong kulay ng buhok." Sagot ng kanang kamay ng hari, ang ama ni Ethan.

"Reyna?" Sambit ko.

"Posible kayang..." Sabi ng tagapagbantay sa Enchatrous Academy.

"Maaari." Saad naman ng pinuno ng mga Wolf.

"Maaaring oo at maaaring hindi. Sa ngayon magpasalamat na lang tayo sa kanya at pumunta na tayo sa kaharian bago pa mahuli ang lahat!" Sambit naman ng pinuno ng mga Witch.

Tumango si Ethan at naglabas ng patalim. Anong gagawin nya dito?

Itinapat nya ito sa kanyang palad saka 'to hiniwa. Hinawakan nya ang dalawang punong magkadikit.

Ang mga ugat nito ay lumiwanag papataas sa mga sanga ngunit hindi kasamang umilaw ang dahon nito. Tama nga, puno ito ng mahika.

Umatras ng kaunti si Ethan. Umiilaw pa rin ang ibang mga parte ng puno hanggang sa nawala ito.

"Anong nangyari?" Tanong ng isa sa mga pinuno ng Wolf.

"H-hindi gumana?" Wala sa sariling bulong ni Ethan.

Nabigla ako nang bigla na lamang syang napa-luhod.

"Anak." Lumuhod ng kaunti si Mrs. Jane para masilayan ang kanyang anak.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon