~// Chapter 38 //~

4.7K 184 12
                                    


Ethan's POV

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halo emosyon ang natatamasa ko, mayroong masaya, gulat, takot at iba pa.

Nandito ako sa kwarto ni Pyrallene. Sa kanyang tahanan dito sa Academy.

Naalala ko yung sinabi ng mga kaibigan ni Emylie.

~Flashback~

"Bakit kayo nagpunta sa Dapyre?" Tanong ni mom.

"Dahil gusto po ni Emylie na mapatunayan na nandoon nga si Pyra." Simpleng sagot ni Lorraine.

"At dahil na rin po sa panaginip nya." Dugtong ni Kianna.

"Panaginip?" Takang tanong ko naman.

"Napanaginipan nyang humihingi ng tulong sa kanya si Pyra, nakita nyang hawak-hawak ito ng isang lalaking naka-hood. Pero nakita nya ang marka nito sa kamay na may hawak sa braso ni Pyra. Malabo ito pero hindi sya nagkakamali sa kanyang mga nakita. Isa itong itim na itim na apoy." Pagkwekwento ni Kianna.

Hindi na kami nagulat na ang mga Vark ang may kagagawan nito.

~End of Flashback~

Bawat nilalang dito maliban ang tao ay may mga tatak o simbolo ng kung sino o ano ang katauhan nila.

Katulad namin may iba't ibang tatak ang bampira ayon sa kakayahan nito. Mayroong apoy ang tatak, hangin, tubig at iba pa. Malalaman lamang kami'y mga Lyre dahil sa kulay ng tatak namin. Kulay pula.

Samantalang ang sa mga Vark ay itim. Sa mga enchantress o sa enchanted world naman ay gold, sa mga wolf ay asul at sa mga witch ay indigo ang kulay.

Sa akin ang aking marka ay isang rosas na pula na nakatatak sa bandang tagiliran ko. May matutulis itong panusok sa bandang hawakan ng rosas. Sa isang petals ng rosas ay may imaheng tumutulo ang dugo.

Hindi ko alam kung bakit rosas ang nakatatak sa akin. Pati na rin ang kay Pyra pero may nabasa kami sa palasyo sa napakalaking library doon.

~Flashback~

"Ethan halika dito, tignan mo ito!" Sigaw ni Pyra. Nandito kami sa loob ng napakataas at napakalawak na library dito sa palasyo.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon