~// Chapter 16 //~

6.3K 221 9
                                    

Ethan's POV

Dalawang linggo na rin ng mangyari ang pagsalakay ng mga traydor na bampira. Ang pumatay sa mga minamahal ng taong mahal ko ay buhay pa.

At dahil buhay pa sya, ako na mismo ang tatapos sa napaka-walang-kwenta nyang buhay! Santana Wolff humanda ka.

Pero sa ngayon kailangan muna kitang hanapin, aking mahal.

Nandito ako ngayon sa bahay o mansion ng pinakamamahal ko mula pa pagkabata. Umakyat ako sa malaking hagdanan at nagtungo sa kanyang kuwarto.

Wala pa ring pinagbago. Maganda at maaliwalas pa rin dito. Pero parang may kulang. Kulang dahil wala sya.

Binuksan ko ang malaking kurtina na kulay lila. Para na rin magkaroon ng liwanag ang kwarto nya. Pero parang wala pa ring liwanag. Dahil siguro mag-aalasais na. Nagtungo ako sa malaking painting na malapit sa kanyang higaan.

Yumuko ako para tignan ang apat na litrato. Napangiti na lamang ako sa pang-apat.

Ang saya-saya nya dito, namin. Sa litratong ito ay buo pa kami...

"Alam mo nagtataka ako sa'yo. Bakit kami may solo picture pero ikaw wala?" Napangiti na lamang ako sa mga sinasabi ko habang tinitignan ang tatlo pang litrato. Nababaliw na ata ako.

"13 years since you left..."

"Why?.." Hindi ko alam pero pakiramdam ko basa na ang pisngi ko.

"Bakit ka pa nawala? Alam kong buhay ka pa. Kaya please sana bumalik ka na." Mahal kong Pyrallene.

Ximon's POV

"Sige boss gagawin na namin." Sabi ng lalaki na nag-aaral din dito sa Academy.

Nandito ako sa tambayan naming apat. Kaya lang kulang na kami ng isa.

Anyway hindi nyo pa ba ako kilala? Ako lang naman ang pangalawa sa kinakatakutan dito sa Vampyra Academy. Ximon Cloack.

Ewan ko ba kung bakit sila natatakot, eh ang gwapo ko naman. Siguro dahil sa napakaseryoso ko. Hindi ako nakikipag-usap maliban lang kila Erin, Ethan at Xammantha. Kilala nyo ba sya? Si Pyrallene Xammantha Kein Faust. Ang nawawalang prinsesa. Ang matalik naming kaibigan.

Simula ng mawala sya hindi na ako nakikisalamuha sa ibang bampira. Sya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako nakikipag-usap sa iba. Dahil kinukulit nya ako na dapat maging friendly daw ako.

Tsk nakakabading man pero namimiss ko na ang pangungulit nya. Buti na lang at nandyan pa si Erin...

Nga pala yung sinabi ng lalaking iyon ay ang ibinigay kong plano kung paano mapapaalis si Pyra. Yung transferee na kinabwibwisitan ni Ethan.

Dapat na rin sigurong mapaalis yang Pyra na yan. Dahil baka malaman pa nya ang tunay naming katauhan. At tiyak na mapapahamak ang Academy kapag nangyari iyon.

Pyra's POV

Naglalakad ako sa hallway na walang kasama. Tss paano ba naman yung mag-labidabs iniwan ako. Pagkagising ko si Alice wala sa dorm nya. Tapos pagkatingin ko sa canteen. Nandun pala nagsusubuan ang mag-labidabs.

Nakakainggit mang isipin pero study first muna.

Study first? Baka hindi ka lang talaga habulin kaya wala kang jowa.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon