Erin's POV
Tinatamad akong pumasok sa room at tumambad sa akin ang mga sariling mundo ng mga kaklase ko. Pabagsak akong naupo sa likod at sumandal. Si Ximon nandito na sa tabi ko pero si Ethan ay wala pa.
Siguradong hindi na naman 'yon papasok. Ang tigas talaga ng ulo nya, buti na nga lang ay napigilan namin syang pumunta mag-isa sa Dapyre Academy dahil hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari at kung nandoon ba si Pyra.
Namimiss ko na si Pyrin... Sana makabalik na sya. Sana nasa mabuti syang kalagayan.
"Hey." Nabalik ako sa katinuan ng magsalita 'tong katabi ko. Kung wala si Ximon sa tabi ko, siguro hindi ko na alam ang gagawin ko. Buti na lang at parati syang nandiyan. Kahit papaano nawawala ang gumugulo sa aking isipan. Kahit papaano nababawasan ang lungkot na aking nadarama sa tuwing iniisip ang kalagayan ng aming kaibigan. Pati na rin si Ethan, alam kong masakit para sa kanya pero sana hindi sya gumawa ng kung ano na ikapapahamak at ikatataya ng kanyang buhay.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong ni Ximon ngunit imbis na sumagot ay binigyan ko lang sya ng isang pilit na ngiti.
Ximon's POV
Ayoko ng ganito. Ayokong nakikita syang malungkot. Alam ko sa sarili kong ang mga ngiting iyon ay hindi totoo. Halata sa kanyang mukha nq parang magdamag lang syang umiiyak at kulang sa tulog.
Hindi ako sanay ng hindi nya ako kinukulit tuwing umaga. Nung nawala si Pyrallene naging ganito sya. Sya ang pumalit sa makulit na si Pyra. Sya ang nagpapasaya sa amin ni Ethan noon.
Naalala ko mga isang taon din syang naging malungkot at matamlay nun. Minsan nahuhuli ko pa syang umiiyak. Pero mas pinili nyang magpakatatag at pabutihin ang pakiramdam namin ni Ethan sa tuwing kami'y nalulumbay.
Tapos ngayon...
Nangyayari na naman.
Kahit hindi pa namin sigurado na sya nga ang Prinsesa ay napalapit na ang loob ni Erin sa kanya.
Kung pwede lang... Kung pwede lang kuhanin ko ang lahat ng pasakit na nararamdaman nya. Gagawin ko.
Gagawin ko ang lahat mapasaya lang sya.
Pyra's (Kiara) POV
"Meow."
Binuhat ko si Meow o si White. Pakiramdam ko kasing White ang pangalan nya.
Sino kayang may-ari sa kanya? Ako kaya? Kasi pagkakita ko sa kwarto ko nung nagising ako ay sya ang bumungad sa akin.
Dinidilaan nya ang kamay ko. Siguro nagugutom na ito?
Nagbihis ako ng pang-alis at kinuha si White saka lumabas ng kwarto.
Wala akong pasok ngayon. Ewan ko nagdeklara na sila ng walang pasok. Buti na lang.
Naglalakad ako ng walang nakakakita sa akin. Gumamit ako ng spell na pang invisible. Mahirap na baka mahuli akong lumalabas ng paaralan gayong bawal ang lumabas. May limit ang spell na ito kaya nagmamadali ako.
Kahit weekends dito, bawal ang lumabas ng akademya. Pero dahil matigas ang ulo ko, kaya kong gawin ang kahit na ano.
Sa likod ako dumaan. Tss ang laki ng harang pero easing-easy ko lang nalagpasan gamit ang pagtagos sa kahit na anong bagay. Hindi ko alam kung saan ko natutunan ito pero lumalabas lang sya sa bibig ko. Isang mahiwagang salita. Ewan ko ba ability ko ata ito. Ang gumawa ng mga spell, tumagos at lumipad.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...