Ethan's POV
"Ethan help!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi ako nagkakamali sa boses na yun. Kailan man hindi ko malilimutan ang mala-musika nyang tinig.
"Ej!!" Tumakbo ako ng tumakbo para hanapin ang tinig na iyon. Wala akong makita pero kailangan ko syang mahanap.
Maya maya lang nakarinig na ako ng paghikbi. Sh*t! Anong nangyayari sa kanya? Humanda sa'kin kung sino mang hayop ang nagpaiyak sa kanya!
Habang tumatakbo ako ay parang pahina ng pahina ang tinig nya. Huminto ako hanggang sa katiting na lang ang tinig na naririnig ko.
"Shit Pyra!!" Bago mawala ang tinig nya ay may malakas na hangin akong naramdaman kasabay ang pagbulong nya.
"Help me, please."
Napabalikwas ako sa kama. Hingal na hingal akong tumayo. Para akong umakyat ng dalawang bundok na tipong hinahabol ko na ang aking hininga.
Fuck Pyra!
Hindi ko na talaga kaya. Ayoko ng tumunganga pa at hintayin ang senyas nila dad.
Nag-suot ako ng jacket at lumabas ng bahay.
Papunta ako ngayon sa bahay nya.
Kung alam na pala nila mom ang balak nya, bakit hindi pa sila gumagawa ng aksyon?
Ugh. Hindi ko to papalampasin ng ganong-ganon na lamang! Tungkol 'to sa taong gusto ko!
At humanda sya dahil niloko nya ang buong Vampyra. Kahit ang mga nasa kaharian! Papunta na sana sila dito pero pinigilan sila nila dad. Mauuwi lang sa wala ang pagpunta nila dito.
At walang magbabantay sa kaharian kapag nagkataon yun. I mean mga kawal lang ang magbabantay sa syudad dahil lahat ng matataas o pinuno ay pupunta sana dito.
Walang katok-katok akong pumasok at pumunta sa kwarto nya.
Pagkapasok ko. Wala sya. Aalis na sana ako para hanapin sa ibang lugar ng mapagtanto ko ang secret library.
Fvck! Sinasabi ko na nga bang iyon ang pakay nya!
Pumasok ako sa secret library at nakita ang mga gulo-gulong label. Nilibot ko ang buong library at nakita sya sa kasuluksulukan ng library.
Naramdaman nya atang may presensya sa likod nya kaya mabilis itong humarap.
"E-ethan." Sambit nya pagkakita sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Seryoso kong tanong.
"Hindi ba dapat ako ang may tanong nyan?"
"Kailan pa naging tanong ang sagot sa tanong?" Tila naman naguluhan sya. Tss isang senyales yan... Hindi bobo si Pyra.
"Hinahanap ko kasi yung paborito kong libro." Sa wakas sumagot na rin sya.
"Sa pagkakaalam ko nasa drawer mo ang mga paborito mong libro." Tila nanindig naman sya sa sinabi ko.
"A-alam ko. Naghahanap kasi ako ng mas interesanteng basahin. Nabasa ko na kasi lahat ng iyon diba?" Tss, liar.
"Talaga?" Malamig kong tanong. Nakita ko namang mukhang kinakabahan sya at halata dahil pinagpapawisan na sya.
"B-bakit ka ba ganyan Ej? M-mahal pa naman kita." Sa pangalawang sentence nya tila nahiya sya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Huwag kang umaktong si Pyra, AMBER." Ipinagdiinan ko pa ang panget nyang pangalan.
"A-ano bang sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampirAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...