~// Chapter 22 //~

5.5K 213 10
                                    

Pyra's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas, simula nung dumating si ateng maganda. You know? Si Amber, ang prinsesa ng lahat.

Isang linggo na ang nakalipas pero nangangati pa rin ang leeg ko! Gosh akin talaga kasi yun eh!

Pero paano kung magkaparehas lang kami? Aish! Ewan bahala na, sana magpakita na yung kwintas ko. Kasi naman paano nya nakuha yun sa'kin?

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Bigla akong napatayo sa pagkakaupo dito sa bench ng may biglang nagsalita.

Nandito ako ngayon sa garden. Dito sa secret garden ang academy.

"G-gray?"

"Tss. Sino pa ba ang napakagwapong taong kaharap mo? Walang iba kun'di si Gray Blood." Nakangising sabi nya. Hindi ko alam pero may pagka-mahangin din pala ang isang ito.

Madalas na nga pala ang pagsulpot nitong si gray kung nasaan man ako. Para nga itong kabute kung saan-saan sumusulpot.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong nya.

"Diba dapat ako nagtatanong nyan?" Napatawa naman sya ng mahina.

"Sorry mali yung tanong ko. Paano mo nalaman ang secret garden na 'to?" Pag-iiba nya ng tanong.

"Woah! So secret garden nga ito?" Manghang tanong ko. Actually imbento ko lang yung sinabi kong nasa secret garden ako kasi natagpuan ko 'to sa kasuluksulukan ng totoong garden na pinagtatambayan ng mga estudyante. Natisod lang naman ako kaya napasalampak ako sa malalaking dahon at nalaman kong may isa pang daan sa likod ng naglalakihang puno at dahong nakaharang. Ang ganda nga dito e, mala fantasy ang peg.

"Oo. Secret garden ni Princess Pyra. Ako at ang mga kaibigan nya lang ang nakakaalam." Tss. Kahit kailan talaga nasisingit sa usapan ang prinsesa.

"Teka close ba kayo?" Curious lang po!

"Hindi ko alam. Minsan ko lang syang nakausap at talagang mala-anghel sya at napakabait pa." Nakangiti nitong saad habang nakatingin sa malayo.

Tumango-tango ako. Mala-anghel nga si Amber. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Paano mo nalaman ang secret garden nya kung hindi naman kayo close?"

Napaisip ako sa tanong ko. At parang may light bulb na umilaw sa ulo ko.

"Uy yiiiee. Siguro crush mo sya no? Yiiee ikaw huh! Stalker ka siguro." Sinundot-sundot ko pa yung tagiliran nya. Malay nyo naman tama hinala ko haha.

Napatawa naman sya ng mahina.

Biglang humangin ng malakas at nagkaluskusan ang mga halaman sa bandang likod na gilid namin. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil malakas na hangin lang naman iyon.

"Kahit sino naman siguro ay magkaka-crush sa kanya." Nakatingin sya sa akin habang sinasabi ito.

"Pero parang yung crush na 'yon ay lumevel up at naging... Gusto ko na sya." Nakatingin pa rin sya sa akin. Napalunok ako at parang naging uneasy ang pakiramdam ko.

Para kasing may kakaiba sa mga titig nya.

Muli syang tumingin sa malayo.

"Naalala ko nung bata pa kami. Gustong gusto ko sya lapitan nun kaya lang nauunahan ako ng hiya." Tumawa sya ng kaunti. "At oo tama ka, mukha nga akong stalker nya. Kasi lahat ng mga paborito nyang pagkain, color at iba pa ay alam ko kahit hindi naman kami masyadong close."

Akala ko tahimik na tao 'tong si Gray, yun pala may iba pa syang ugali. Hindi mo aakalaing stalker ang pogi at seryosong mukha nito. Na dapat nga ang mga babae pa ang nang-i-stalk sa kanya.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon