Kiara's (Pyra) POVNang magsawa ako sa madilim na kalangitan, tinignan ko naman ang mga nagta-taasang mga puno mula sa terrace ng aking kwarto.
Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa nakuha ang aking atensyon. Mula rito makikita ang parang may espasyong walang mga puno.
Napalingon ako sa paligid pero lahat ng ito ay mga puno na tila magkakadikit lang. Muli kong tinignan sa gawing kanan ang nakapukaw ng aking atensyon. Isa itong pabilog na walang kapuno-puno. At dahil sa malinaw ang mata namin parang may kung ano akong nakikita roon. Hindi naman masyadong malayo ito kaya agad akong bumaba. Tila nag-iingat na walang makapansin sa akin.
Pumasok ako sa masukal na gubat kung saan tinatahak ang direksyong nakakitaan ko ng kakaiba. Ilang minuto rin ay nakalabas ako sa gubat. Tumambad sa akin ang isang building na kulay abo dahil sa dumi nito. Lalapit na sana ako nang may makita akong isang bampira na mukhang nagbabantay roon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ramdam kong tago ang lugar na ito at tanging si Santana lang ang nakakaalam.
Tila nagulat ang nagbabantay sa lugar na ito nang makita nya ako.
"Mahal na prinsesa. Anong ginagawa mo rito?"
"Ano sa tingin mo?" Ngumisi ako at walang pag-aalinlangang dinukot ko ang kanyang puso dahilan na sya'y naging abo.
Binuksan ko ang malaking pinto. Madilim sa loob pero nakakakita pa rin naman ako. Pumunta ako sa tapat ng elevator ngunit hindi ito gumagana. Marahil walang kuryente sa lugar na 'to. Nagtungo ako sa hagdan at pupunta sana sa ikalawang palapag nang may mapansin ako. Kung titignan mo ang lugar na ito ay isang abandunadong building na hanggang second floor lamang. Ngunit may nakita akong mga kahoy na nakaharang sa dingding sa likod ng hagdan. Napansin ko ito dahil nagtataka akong may medyo malaking espasyo sa likod ng hagdanan. Isang medyo maliit na rektanggulo na tinatakpan ng mga kahoy ang aking nakita. Tinanggal ko ang mga kahoy na nakapako sa dingding.
Tumambad sa akin ang isang maliit na kahoy na pinto. Binuksan ko ito at yumuko para makapasok. Parang elevator pala ito ngunit maliit at hindi pinapagana ng kuryente. May bakal dito na kailangang hilahin upang makababa. Marahan ko itong hinitak at naramdaman ang paggalaw ng bakal na inuupuan ko. Maliit lang kasi ang espasyo nito kaya nakaupo ako.
Nang maramdaman na nasa ibaba na ako ay binuksan kong muli ang pinto. Mabuti na lang at hindi ito hinarangan ng kahoy o kinandado dahil kung gano'n ay sisirain ko na 'to. Lumabas ako at nakita ko ang mga bampirang nakasuot ng puting coat. Sa loob nito ay maliwanag at halatang may kuryente dahil nakabukas ang mga ilaw at may kung ano silang ginagawa. At doon ko napagtanto na isa pala itong laboratoryo. Napalingon naman sila sa akin marahil naramdaman nila ang aking presensya.
"Prinsesa? Anong ginagawa mo rito?"
"Ang reyna ang nag-utos sa akin para pumunta dito." Sagot ko naman sa tanong nito. Nakumbinsi ko naman ang iba ngunit hindi ang nagtanong sa akin.
"Kung pinapunta ka nya talaga dito bakit sa pintong iyan ikaw dumaan?" Kunot noong tanong pa nito. Umirap ako sa kanya.
"Alam mo ang dami mong tanong."
Lumapit ako sa kanya na ikinagulat nito saka ko dinukot ang kanyang puso hanggang sya'y naging abo. Nakita ko ang pagkagulat ng mga bampira sa loob. Anim pala sila rito at ang isa'y napatumba ko na.
Habang sila'y gulat pa ay sumugod na ako. Pero nakabawi naman sila at nanlaban. Ihinagis ko ang isa habang kinakalaban pa ang iba. Hindi ko alam kung saan ito tumama pero nawalan ng ilaw subalit tuloy pa rin ang laban namin. Nagtaka ako ng mabilis ko silang natalo. Hindi naman kataka-taka pero malalakas rin sila.
Inilibot ko ang aking paningin sa silid na ito. Nakita ko ang isang cube na nagye-yelo. Lumapit ako roon at hinawakan ito. Nakita ko namang may kung ano sa loob kaya gamit ang aking palad ay pinunasan ko ang labas ng cube dahilan para makita ko ang isang lalaki. Maraming aparato ang nakalagay sa kanya, sira-sira rin ang kanyang kasuotan pero masasabi kong maganda ito at may mataas syang katungkulan.
"Buksan mo ang cube." Nagulat ako sa nagsalita kaya nilingon ko ito. Ang nakilala kong babae na ubod ng ganda at kulay lila ang kanyang buhok ay nakatayo di kalayuan sa akin. Ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya.
"S-sino ka ba talaga?"
"Malalaman mo kapag binuksan mo iyan at buhayin sya." Sumulyap ito sa lalaking nakapikit na nababalutan ng yelo. Ginawa ko naman ang sinabi nya na may pag-aalinlangan. Hindi ko sya kilala pero ang gaan ng kalooban ko sa kanya.
Pinagsusuntok ko ang cube dahil hindi ko alam kung paano ito buksan. Nabasag ito kasama ang mga yelo. Kaagad namang may sumalo sa lalaki. Ano bang nangyayari, sino ba talaga sila. Parang kasintahan nya ang lalaking ito. Inihiga nya ito sa may patag na lamesa.
"Maaari mo bang sugatan ang iyong kamay? At ipainom ang iyong dugo?" Napaatras naman ako sa sinabi nya.
"Hindi kita kilala, bakit ko gagawin 'yon?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko alam baka kalaban ko na pala sya.
"Upang mabuhay sya. Pakiusap." Pagsusumamo nito. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Kinapa ko ang patalim sa aking bulsa. Ang ibinigay ng misteryosong babaeng nasa harapan ko. Sinugatan ko ang aking palad at tinapat ito sa bibig ng lalaki.
Ngunit ilang saglit lang ay parang walang nangyari. Subalit nagkamali ako, bigla itong dumilat at napabangon. Tila hinahabol nito ang kanyang paghinga.
Tumingin ito sa babaeng kaharap ko. At kaagad silang nagyakapan at nahuli ko ang kanilang mga luhang kumawala. Teka bakit ba ko nanonood ng mga ganitong klaseng romantiko.
Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ng babaeng hindi ko pa rin kilala.
"Pyrallene."
"Sino ka ba talaga? Bakit mo alam ang pangalan ko?" Otoridad kong tanong nang hindi pa rin lumilingon sa kanila.
"Ikaw si Pyrallene Sammantha Kein Faust." Saad ng babae.
"Ako si Charles Wond Faust." Ani ng lalaki. Bigla akong napalingon sa kanila. Anong ibig sabihin no'n?
"At ako si Sam Kein Faust." Nakangiting saad ng babae na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"I-ibig sabihin..." nauutal kong tugon. Litong-lito na 'ko.
"Oo..." Napalingon ako sa nagngangalang Sam, maraming tango ang ibinigay nya sa akin.
"Tama... anak." Ani ng lalaki.
Itutuloy...
A/N:
Thank God! Naalala ko rin ang setting (tagpuan) ng chap na 'to! Salamat sa chapter 44 pinaalala nya sa akin. Ang kaso lugar lang ang naalala ko at 'yong ama nya, imbento na 'yong iba 😅. Pero sana nagustohan nyo pa rin.Thank you sa mga nag-abang love yah💜.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...