Third Person's POVNaglalakad ang isang maganda ngunit may napakasamang ugali na si Santana sa isang madilim na silid.
May mga lock at password ang silid na ito bago ka makapasok. Tila sinisigurong hindi ito mabubuksan ng kahit na sino.
Nang mabuksan na nya ang pintuan. Bumungad sa kanya ang napakahaba at masikip na hallway. Naglakad sya at may binuksan na namang pinto.
Doon na nya nakita ang kanyang anak at ang boyfriend nito na nakakulong.
"Mom!" Sigaw ng dalaga.
"Pakawalan mo kami dito Santana!" Ani ng binata.
Tumawa lang ng mala-demonyo si Santana. Tila wala siyang pakialam sa dalawa.
"At bakit ko naman gagawin 'yon Paollo?" Nakangising saad ni Santana.
"At ikaw naman anak ko. Simpleng utos... HINDI MO NAGAWA!" Sigaw nito at binalibag ang upuan sa loob ng kwarto.
Ang itsura sa loob nito ay napakadilim at may isang lamesa at bangkuan. Sa harap nito ang rehas na nagkukulong kila Paollo.
Umiiyak ang dalaga habang nagpapaliwanag.
"Pero mom! Hindi na tama 'to! Tama si dad! Walang patutunguhan ang paghihiganti!" Pagmamakaawa nya sa kanyang ina.
"Alice! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa natin ito dahil sa pagpatay nila sa iyong lolo?!"
"Pero mali naman sya eh! Mali tayo!"
"Tahimik!" Naglabas ng apoy ang kanyang ina ngunit hindi naman sila natamaan. Kaya sya nagka-kapangyarihan ng ganito dahil sa spell na nakukuha nya sa matandang bitag nito.
"Akala ko hindi ka magiging katulad ng suwail mong kapatid! At akala ko hindi ka magiging katulad ng ama mo!" Galit na sigaw ni Santana.
Isang mabuting Lyre ang kanyang ama. Mahal ng kanyang ama si Santana at alam nito ang lahat ng pinaplano ng asawa ngunit hindi nya ito ipinagsabi.
Nagkaanak sila ng kambal at 'yon ay sina Aliyah at Alice. Ang dalawang bata ay may dugong Vark at Lyre. Ang halimaw sa katawan ni Aliyah ay namana nya sa kanyang ina.
Pero 'di nagtagal gustong mapabuti ng kanilang ama ang buhay nila at ng kanilang ina. Ngunit ng malamang sasabihin ng kanilang ama sa nakatataas ang lahat ng plano ni Santana ay pinatay nya ito.
Hindi alam ng magkakambal na pinatay ng kanilang ina ang kanilang ama.
"Ano bang ginawa ni dad sa'yo mom? At si Aliyah? Bakit mo sya dinadamay?!"
"Dahil mas pinili ng 'yong ama ang pagiging Lyre! Sasabihin nya lahat ng plano ko, at kapag nangyari 'yon ay babagsak tayo! Pahihirapan nila tayo! At sa huli PAPATAYIN!"
"Hindi sila gano'n!"
"Gano'n sila! Nakita mo naman diba?! Pinatay nila ang kapatid mo! Sabi mo maghihiganti ka! Anong nangyari sa mga salita mo?! Isa ka ring suwail! Parehas kayo ng kapatid mo! Mas pinili nya ang mamatay kesa tumakas! At ikaw naman mas pinili mo pa yang mga Lyre!" Galit na galit na sabi ni Santana na tipong naglalabasan na ang kanyang mga ugat sa leeg. At tila nag-aapoy ang kanyang mga mata.
Tumalikod na ito at hinawakan ang pinto.
"Simula ngayon kinakalimutan na kita bilang anak! Dahil may bago na akong anak na mas sinusunod ako!"
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampirosAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...