Jane's POV
Naglalakad ako sa may hallway papunta sa office ko. Muling nag-aral ulit dito si Alice at natutuwa ako sa pagbalik nya. Hindi ko alam kung bakit sya nag-transfer.Siguro sa kadahilanang namatay ang kanyang kakambal na si Aliyah William. Magkasundong-magkasundo sila. Yung tipong palagi silang magkasama at hindi mo mapaghiwalay.
Kaya lang sa di inaasahang pangyayari ay hindi natiis ng kanyang kakambal ang pagkulo at pamimilipit ng kanyang sikmura dahil sa bisitang dumalaw sa isa sa mga estudyante dito.
At dahil tao ito naamoy kaagad sya ni Aliyah. Masama para kay Aliyah na makakita ng tao dahil hindi nya mapigilan ang kanyang sarili na wag sipsipin ang dugo nito. Si Aliyah lang ang bukod tanging hindi mapigilan ang pagka-uhaw sa dugo ng tao kaya hangga't maaari iniiwas namin sya sa mga tao. Alam din ito ni Alice.
Papunta pa lang ako ng malaman kong pinayagan ng aking asawa ang isang matandang babae na dalawin ang tinuturing nyang anak-anakan na nag-aaral dito.
Hindi ko alam na walang kasama si Aliyah noon kaya walang pumigil sa kanya. Nung nandoon na ako ay bigla kong nakita si Aliyah na nanlilisik ang mata na nakatingin sa matanda. Nasa taas sya at dinambahan sa likod ang matandang babae.
Nakita din ni Alice ang pangyayaring iyon. Sinubukan naming pigilan si Aliyah pero huli na ang lahat. Naubos na nya ang lahat ng dugo ng matanda, galit na galit ang anak-anakan nito kay Aliyah.
Nang maliwanagan si Aliyah sa lahat ng kanyang nagawa ay napa-iyak na lamang ito habang tinitignan ang schoolmate nyang umiiyak sa harapan ng matandang inubusan nya ng dugo.
Alam kong napakahirap ito kay Aliyah, at alam kong hindi nya ginusto ang mga nangyari.
At dahil ipinagbabawal ang pumatay ng tao lalo na't nasa loob ng Academy ay may kaparusahang kamatayan ito.
May halimaw sa loob ni Aliyah kapag nakakakita sya ng tao at ayaw nya iyon. Mabuting tao si Aliyah kaya dahil sa ginawa nya ay tanggap nya ang kaparusahang kamatayan. Ngunit hindi pumayag ang kanyang kakambal na si Alice.
Sa isang silid kung saan nililitis ang mga makasalanang bampira ay doon nangyari ang kaparusahang ipinataw kay Aliyah.
Bago pa mapigilan ni Alice ang pagsaksak ng kutsilyong may lason na kayang pumatay sa bampira ay minadali ng saksakin ni Aliyah ang sarili nya. Nakangiti sya kay Alice nung ginawa nya 'yon.
At sa pangyayaring 'yon ay kami ang sinisisi ni Alice sa pagkamatay ng kanyang kakambal. Hindi ko sya masisisi dahil masakit din para sa akin ang mamatay si Aliyah. Napalapit na din sa akin si Aliyah para ko na rin silang anak.
Alam kong nag-transfer sya para makalimutan ang pangyayaring 'yon. At ngayon nagbalik na sya...
May nakasalubong akong pamilyar na lalaki.
"Teka.." Pagpigil ko sa lalaki.
"Ikaw ang palaging kasama ni Alice hindi ba?" Humarap sya at tumango bilang tugon. "Anong pangalan mo?" Dadag ko.
"Paollo Havier po... Principal Jane." Kilala pala nya ako. Alam ko kasing bago lang sya dito.
"May pakisuyo lang sana ako sayo." Saad ko sa kanya.
"Ano po iyon?" Magalang nyang sagot.
"Pwede mo bang papuntahin si Alice sa office ko?"
"Masusunod po Principal Jane." Nakangiting sabi nito at naglakad na sya paalis. Tumungo na ako sa office ko at naupo. Karaniwang office lamang ito ngunit malaki ang espasyo, black and white ang theme at nangingibabaw ang puti.
Hindi nagtagal ay may kumatok sa pinto ng office ko.
"Come in." Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang maganda at maaliwalas nyang mukha.
"Pinapatawag nyo daw po ako, principal Jane." Sabi nya ng makapasok. Mahinahon ang kanyang pagkakasabi gaya ng mga estudyanteng nakakausap ko.
Inaya ko syang maupo muna. "Nagagalak akong makita kang muli Alice."
"Ako rin po tita." At nginitian nya ako. Oo tita ang tawag nya sa akin dati. At natutuwa akong tinawag nya ulit akong tita ngayon.
"Welcome back Alice. Sana makalimutan na natin ang mapait at nakakalungkot na pangyayari noon."
"Matagal ko na pong nakalimutan yun tita." Sabi nya habang nakangiti. Pero nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot. Hindi nya ito maitatago sa akin.
"Masaya ako at ok ka na. Osige na baka may gagawin ka pa, pinatawag lang kita dahil gusto kong kamustahin ka at mukhang ok ka na. Basta nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong." Masaya at nakangiti kong saad sa kanya. Tumango lang sya at nagpaalam ng umalis.
Maya-maya may kumatok muli sa pinto ng office ko.
"Come in." Muli kong sambit.
"Mom." Narinig kong sabi ng lalaki.
"Oh Ethan, anong sadya mo at naparito ka?" Oo si Ethan ang anak ko.
"About dun sa taong nagtransfer dito." Hindi ko maipaliwanag kung anong expression ng mukha ang nakikita ko sa kanya. Naiinis, naiirita, at kung ano pa.
"Anong problema sa kanya?" Tanong ko.
"Mom she's a human. A freakin' human! Paano kung gawin ni Alice ang ginawa ng kakam--", pinutol ko na ang sasabihin ni Ethan.
"Hindi nya magagawa yon. Kontrolado ni Alice ang kanyang sarili hindi katulad ni Aliyah."
"Eh paano kung yung iba ang may gustong sipsipin ang dugo ng babaeng transferee? Edi may mangsisisi na naman sa inyo ni dad?!" Galit nitong saad.
"Hindi na mangyayari ang nangyari noon. Lahat ng nag-aaral dito ay may kontrol sa sarili Ethan. Tanging si Aliyah lang talaga ang hindi nakakapagpigil." Pagpapaliwanag ko.
"Ok fine, ano pa nga bang magagawa ko." Bigo nitong saad.
"Alam kong naaayawan ka sa kanya dahil naaalala mo sya." Umiwas sya ng tingin sa akin. Hindi ako nagkamali.
"Malay mo sya---", pinutol nya ang aking sasabihin.
"No. Hindi sya yun. Tao sya hindi bampira." At umalis na sya sa office ko.
Hindi naman masamang isipin ang mga posibilidad. Huwag lamang sosobra at maniwalang totoo ito.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...