~// Chapter 18 //~

6K 228 11
                                    

Pyra's POV

2:35 pm

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon papunta sa plaza. May mga nakikita akong mga bata at matanda sa paligid. Linggo ngayon at pinayagan ng principal na dumalaw ang mga kamag-anak nila.

Bigla naman akong nalungkot sa naalala ko. Nakadating na kaya sila mommy dito sa bansa? Simula ng pumasok ako dito ay tini-text ko sila araw-araw pero wala namang reply o tawag man lang.

Tinatawagan ko sila pero walang sumasagot. Nakakalungkot lang isipin yung sinabi nilang pwede kaming magtawagan or text o kaya naman ay skype. Pero ano na? Ni wala silang contact sa akin.

Nag-aalala na ako dahil baka may masamang nangyari na sana e wag naman.

Natatanaw ko na ang plaza at hindi gaanong maraming tao. May mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan. May mga magulang naman na nakikipag-kwentuhan sa kanilang mga anak at kapwa magulang din.

Ang saya-saya nilang lahat.

"Magandang tanghali sa inyong lahat mga kalahi! Ngayon ay may mga aktibidad tayong gagawin katulad ng Sumba, palaro sa mga bata, matatanda at syempre sa mga nag-aaral dito sa Academy. Magkakaroon din tayo ng contest sa pagkanta, at pagsayaw. At mamayang gabi magpapatugtog ang bandang Fangs para pakiligin ang ating mga kababaihan. Ang leader nito ay walang iba kundi si Prince Ethan James!" Nang banggitin ang pangalang iyon ay nagtilian na ang mga kababaihan dito. At sigaw naman ang mga kalalakihan.

Hindi ko napansin at marami na palang tao. May comment ako sa salitang ginagamit ng emcee, masyadong tagalog lalo na yung 'kalahi', ewan basta.

Pero ang malala leader ng banda ang mayabang na si Ej?! Kumakanta yun?! Hindi kapani-paniwala.

"Syempre may mga kasama ang ating Prinsipe na sina Ximon Cloack, Chad Leon at Gray Blood!" At hiyawan na naman. Madalas tawaging Prince ang Ethan na yun. Gwapo daw kasi at nasa kanya na ang lahat. Magaling sa sport at kung anu-ano pa. Tss.

"Waaaah girl! Eto lang talaga ang pinakahihintay ko eh! Ang marinig ulit ang boses ni fafa Ethan! Kyaaaah" sabi nung katabi kong babae. Pfft haha fafa Ethan? Teka pulutan ba yun? FafaEthan. Ok salamat sa naka-appreciate, magpapa cheese burger ako.

"Oo nga eh! Haharanahin na naman nya ako mamayang gabi!" Sabi naman nung kausap nya.

"Wag ka nga dyan girl! Ang asyumera mo talaga!" sabi nung nauna.

"Che, inggit ka lang!" Sagot nung pangalawa.

Tss. Ano bang nagustuhan nila sa Papaitan na yun? Haha iyan na ang bago kong tawag sa kanya. Bagay naman sa kanya e.

Hindi lang pala magaling si Chad sa pag-iisip (like sa horror house), magaling din sya sa banda. Pati yung Ximon, ano kayang tinutugtog nila? Tss bakit ba ako nacu-curious.

Pero wait tama ba yung narinig ko kanina? Si Gray? As in Gray Blood? Minsan ko na nga lang pala sya nakikita. Minsan pasulpot-sulpot lang sya na ikinagugulat ko Minsan. Oo Minsan. Hehe

Nagsimula na ang mga activities na sinabi ng emcee kanina. Nag-sumba nga kami at naglaro ng kung ano-ano. Ang saya! Sobrang saya!

Hindi ko namalayan ay sumapit na ang hapon. 5:59 pm na. At talagang madilim na ang langit.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon