Pyra's POV
"Goodbye class. I hope that all of you can get a high scores." At tuluyan ng umalis si ma'am ekonomiks.
Sana nga ma'am! Huhu.
Nagulat naman ako ng biglang lumitaw ang mukha ni Alice sa napakaganda kong mukha.
"Alice ang creepy mo."
"Iiihhhh ano na ngang nangyari?" At kumuha sya ng upuan pero nakatingin pa rin sa akin. Magkakahiwalay pa kasi ang mga upuan ngayon.
Tumingin ako sa paligid at naglalabasan ang iba.
"Wala si Sir kaya vacant natin ngayon." Sabi ni Alice na nakatingin pa rin sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Pinag-tripan lang ako."
"Ano?!" Umalingaw-ngaw ang boses nya na ikina-peace sign nya sa mga naistorbo nito.
"Sino?! At paanong trip?"
"Sa tingin ko lang si Emylie ang pasimuno kasi sya ang nangunguna. Binuhusan ako ng putik, binato ng papel, itlog, kamatis at kung anu-ano pa, binuhusan din ako ng harina at ang huli sa cr, binuhusan ako ng pintura." Buti nga natanggal pa ang pintura eh. Ayoko sanang sabihin sa kanya kasi baka magkagulo pa kaso mapilit sya e.
Nanlalaki at umuusok na ang tenga at ilong ni Alice. Oh my! Mukhang sasabog na sya.
Agad syang tumayo at dire-diretso sa labas. Ano naman kayang gagawin nun?
"Uy Xam. Saan pupunta si bebe ko?" Kanina babes ngayon bebe naman.
"Hoy Paollo hindi sya bibe no." At sinundan na si Alice palabas. Ramdam ko namang sumunod din si Pao.
"Bebe kasi! Hindi bibe!" Hindi ko na lang sya pinansin at hinanap na kung saan nagsuot si Alice. Ang bilis naman maglakad nun. May lahi ba yung kabayo?
"Girls, girls! May magaganap atang away sa pagitan ni Emylie at niajskkdlq" hindi ko na narinig yung sinabi nung babae kasi agad ko ng pinuntahan ang kakaunting kumpol ng tao.
"Ano bang kailangan mo sa napakagandang ako, impakta ka ha?!" Mataray at malakas na sabi ni... Emylie.
"Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" Galit na sigaw ni Alice. O my gulay! Si Alice nga!
Lumapit ako sa kanya para pakalmahin sya at pigilan.
"Alice calm down." Mahina kong sabi sa kanya.
"Kalma?! Paano ako kakalma kung ang bruhang 'yan ang dahilan kung bakit ka nag-absent sa dalawang subject?! At hindi ako makakapayag na tratuhin ka nilang ganon!" Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Halo-halo, naiinis dahil kila Emylie, masaya dahil naririnig ko ang ganitong kataga kay Alice, malungkot kasi baka madamay siya.
"Tss. Alam naman nating lahat na hindi sya nababagay sa eskwelahan na ito!" Sabat ni Emylie na ikinalingon ng masama sa kanya ni Alice. Si Pao ay pinapakalma na rin ang kanyang nobya.
"Hindi mo ba napapansin? Lahat ng nakakasalamuha mo ay mapuputi." Pagpapatuloy nya.
Magsasalita pa sana sya ng may biglang sumingit.
"Anong nangyayari dito?" Sabi ng kadadating na si Erin.
"'Yan!" Sabay turo kay Alice. "'Yang babaitang iyan ay bigla na lamang akong hinila sa buhok!" Pagrereklamo nito.
"Oo nga!" Pagsang-ayon ng alipores nya. Tss sila rin naman may kasalanan!
"Wala naman kaming ginagawang masama sa kanya." Sabat ng isa pa nyang alipores. Paawa naman ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...