~// Chapter 12 //~

8.2K 277 40
                                    

Pyra's POV

Pagkabukas ko ng pinto sa taong istorbo.

Paanong?!

"Waaaahhhh!!--" at tinakpan nya ang bibig ko.

"Sshhh wag ka namang maingay Xam!" Sabi ng damuhong ito. Kumalma naman ako at binitawan nya na din ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo sa Girl's Dormitory Paollo Havier?!" Katamtamang lakas na sinabi ko.

"Shhh ang ingay mo talaga. Mas malala ka pa yata kay Alice eh? Dapat pala sya yung pinuntahan ko." Sambit nito habang kinakamot ang ulo.

Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"So ano ngang ginagawa mo dito at paano ka nakapasok aber?" Nakapamewang kong tanong.

"Syempre ako pa ba? Lahat ata kaya ko no." Taas noo nyang sabi.

"Nandito ko para sunduin at gisingin kayong mga tulog mantika!" Dagdag nya.

Tinignan ko naman ang oras at letse sya 7:00 am pa lang?! Eh 9:00 am pa nagsisimula ang pagbubukas ng mga booth eh. Mauupakan ko na talaga 'to.

"Eh ang aga aga pa eh."

"Anong maaga? Tanghali na no!"

Binatukan ko sya ng magising naman sa reyalidad.

"Aray naman!" Sabay hawak sa ulong binatukan ko. Anong Tanghali sa 7:00 AM?! Tinignan ko sya ng masama.

"Ok ok. Chill ka lang dyan." Sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Oo na aaminin ko ng nasobrahan ang excitement ko pero ano pa bang magagawa ko? Alangan namang bumalik pa ako sa higaan diba?"

"Kaya nang iistorbo ka ngayon." Dugtong ko. Ngumuso naman sya na akala mo ilong ng baboy ang bibig nya.

"Hay nako wag mo nga akong ma-pout-pout jan! Hala sige magbibihis muna ako. Gisingin mo na din si Alice." At sinarado ko na ang pinto.

Ayan tuloy nawala na yung antok ko.

Matapos kong magbihis ay lumabas na kaagad ako. Nakita ko namang wala na si Pao kaya dumiretso ako kay Alice kung wala na din ba sya sa loob.

Kumatok ako sa pintuan nya.

"Sandali lang." Sabi ng nasa loob. At mukhang naiinis ang boses.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad ang nakabusangot na itsura ni Alice. Magulo ang buhok at nakapang-tulog pa.

"Hehe." Walang masabe eh.

Binuksan nya ang pinto ng mas malawak na parang pinapapasok nya ako. Ano pa bang gagawin ko? Edi pumasok na ako't baka mabungangaan pa nito ni Alice.

Nakita ko naman ang kupal na naka sitting pretty sa sofa ni Alice.

"Feel at home lang kuya?" Umayos naman sya ng upo at uminom ng kape.

"Ganun talaga kapag gwapo Xam." At may biglang lumipad na kutsilyo na tumama sa kaliwang bahagi ng sofa malapit sa pisngi ni Pao.

Napanganga naman ako ganun din si Pao.

At nakarinig na lang kami ng malakas na pagsara ng pinto mula sa cr.

Napalunok ng ilang beses si Pao at dahan dahang tinignan ang nakabaon na kutsilyo sa sofa. Saka nya ito tinanggal at tinitigan.

"G-grabe akala ko katapusan ko na." Mahinang saad nya.

Lumapit ako sa kanya at binatukan sya.

"Aray naman! Mukhang hindi ang kutsilyo ang makakapatay sa akin eh." Reklamo nya.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon