~// Chapter 5 //~

8.9K 335 26
                                    

Pyra's POV

Nandito ako sa hallway papuntang court. Ako lang mag-isa dahil si Alice may aasikasuhin daw. Hindi ko nga alam kung ano basta mahalaga daw yun. Si Paollo naman mang chi-chix lang.

Hay ewan ko ba sa lalaking yun. Nasa may tapat na ako ng dalawang malaking pinto ng basketball court. Kahit saan talagang parte ng Akademyang ito ay maganda, yun nga lang ay madilim.

Kung itatanong nyo, mahilig akong mag-basketball. Bakit mga lalaki lang ba ang pwede? Pati volleyball nilalaro ko. Kaya nga may healthy body ako eh sinasamahan ko pa ng pagkain ng gulay! Oh ha! San ka pa!

Pagkabukas ko ng pinto...

O M G ! ! !

May hot at gwapong lalaki na naglalaro ng basketball! Nag-iisa lang sya.

Napansin nya atang may nagbukas ng pinto kaya napatingin sya sa gawi ko.

"Ah eh hehe, sige ituloy mo lang yang ginagawa mo." Sabay ngiti. "Don't mind me." Sabay ngiti ulit at umupo ako sa malapit na bench.

Nginitian din naman nya ako at nagpatuloy sa paglalaro. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng court. Malawak ito at ang kintab ng sahig, maliwanag din dahil nakasindi na ang mga ilaw. Matapos nyang mag-shoot dribble at shoot ulit.

"Pwede ko bang itanong kung bakit ka nandito?" Nakangiti nyang tanong. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa tanong nya o kung gusto na nya akong paalisin.

"Ahm maglalaro ng basketball?" Patanong ko pa talagang saad. Aish ano ka ba naman Pyra!

"Really? Marunong kang maglaro ng basketball?" Bakit di sya makapaniwala? Iniinsulto ba ako nito?

"No, I'm not insulting you. Hindi lang ako makapaniwalang may babaeng naglalaro dito ng basketball, kasi naman puro pampaganda lang ang alam ng iba right?" Tumango-tango naman ako bilang tugon?

Teka mind reading ba ang isang 'to? Bigla naman syang ngumiti.

"I knew it, you're a human.... I can smell." Huh? Ano daw?

"Mukha ba akong hindi tao?" With matching turo ko pa sa sarili.

"No. Nevermind mo na lang yung sinabi ko." At nginitian nya naman ako ng pagka-tamis-tamis. "Ahm diba magba-basketball ka?" Pinasa nya sa akin ang bola at agad ko itong nasalo. "Game, try ko nga kung magaling ka talaga." At iniharang nya ang dalawa nyang kamay na parang yayakapin ka.

Sinusubok ata ako ng lalaking ito.

Mabilis naman akong kumilos papunta sa kanya. Dinriball-driball ko yung bola at gumalaw ng mas mabilis. Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan, atras, abante, atras at shoot! BENGGA!

Hindi man sa nagyayabang pero ang galing ko talaga, syempre na shoot ko yun! At eto pa, three points! Magaling kasi ako sa pang three point shoot pero di ko kayang mag dunk.

Hindi ko naman kasing laki ang mga lalaki eh. Pero mas magaling pa rin ako sa mga lalaking nagda-dunk.

Anong panama ng two points sa three points? Oha oha?

"Wow ang galing mo. Three point shooter ka pala." Sambit nya.

"Syempre ako pa ba?!" Pagmamalaki ko. Minsan lang 'to kaya pagbigyan.

"Haha, osige next time na lang ulit. May gagawin pa kasi ako." Nakangiti nitong saad. Siguro palagi syang masaya at may good news na dumadating sa kanya, kasi naman palagi syang nakangiti o ngayon lang yun?

"Sige." Kinuha nya yung bag nya at lumakad na paalis. Humarap sya habang naglalakad at kumaway.

"Bye Pyra! Ingat ka." At tuluyan na syang nakalabas.

After three minutes na pagkatulala. Grabe ang gwapo nya este paano nya nalaman ang pangalan ko? Ngayon ko lang nalaman na hindi ko pala na-i-tanong ang pangalan nya tapos alam pala nya ang pangalan ko? Ang daya! Haha di bale gaya nga ng sabi nya may next time pa.

Nakangti akong naglalakad papunta sa building ng dorm ko. Tiningnan ko yung wrist watch ko at 5:30 na pala. Ito na ang pangalawang araw ko dito sa Vampyra.

Sana maging masaya at exciting lang ang bawa't araw ko dito. Parang kanina nagkaroon ako ng kaibigan. Kahit hindi ko pa sya tinanong kung kaibigan ko na sya basta para sa akin kaibigan ko na sya kasi nakalaro at nakausap ko na sya. At magaan din ang loob ko sa kanya kaya wala naman sigurong masama doon diba?

Sana maging masaya at palakaibigan lang ang mga tao dito.

Sana walang gulong mangyayari dito.

Sana...

Third Person's POV

"Naging malapit na sya sa akin Pinuno. Wala ka ng dapat ipag-alala." Sabi ng tauhan nya.

"Mabuti naman kung ganun." Tanging nasabi ng pinuno nila.

"Maghintay ka lang Pyra. Sisiguraduhin kong kakampi ka talaga sa amin. Ha-ha-ha!!" Mala-demoyong tawa ng tinatawag nilang Pinuno.



Itutuloy...

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon