~// Chapter 27 //~

5.5K 197 3
                                    

Dedicated to pendon14

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
~•~•~•~•~•~•~•~•~



Third Person's POV

Tahimik at sariwang hangin ang mararamdaman mo sa garden ng Vampyra Academy kung saan nakaupo sa isang bench ang kanilang prinsipe.

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit sya tinawag na prinsipe samantalang hindi naman sya anak ni King Charles ang ama ni Pyrallene.

Tinawag syang Prince dahil ang kanyang mga grandparents ay King and Queen na magulang ng kanyang ina na si Jane.

May dalawang anak ang Grandparents ni Ethan. Iyon ay ang kanyang ina at ang auntie Jessie nya. Silang dalawa ay magkakambal.

Ang pamilya nila ay diwata na may halong bampira. Si Jane sana ang hihiranging Queen ng bumaba na sa trono ang kanilang mga magulang. Subalit ayaw naman ito ni Jane. Ang kanyang kakambal naman ay gustong maging Reyna pero tanggap nyang ang kapatid nya ang hihirangin sapagkat mas magaling ito sa kanya.

Napagpasyahan ni Jane na sa kapatid na lamang nya ibigay ang trono at sumama sa mundo ng mga bampira kasama ang kababata nyang si Michael at mga kaibigang si Charles at Sam.

Hindi naging madali sa mga magulang ni Jane subalit dahil sa pagpupumilit ay napapayag nya ang kanyang mga magulang. Dumadalaw naman si Jane sa mundo nila subalit hindi na sya nakadalaw simula ng mawala si Prinsesa Pyra ang anak nila Charles.


Nawala ang seryosong pag-iisip ni Ethan ng may biglang nagsalita.

"Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ng inyong ama't ina." Tumgango lang si Ethan at umalis na ang estudyante kasama ang kanyang kaibigan.

"Mukhang alam ko na kung bakit." Ani nito sa kanyang isip.


Naglakad na sya na tipong sinasadya nyang bagalan ang paglalakad.

Nang makarating sya sa harap ng office ng mom and dad nya ay walang katok-katok na pumasok.

"Bakit nyo daw ako pinapatawag mom, dad?" Diretso nyang tanong.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Seryosong sabi ng kanyang ama habang nakatalikod sa swivel chair at nakaharap sa malaking salamin ng building. Kitang kita mo dito ang kalahati ng Vampyra Academy.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Ani naman ng kanyang ina na nakaupo sa mahabang sofa ng office kung saan umuupo ang mga bisita.

"Ang alin mom?" Bored na tanong sa kanyang ina na tila nagmamaang-maangan pa.

Kaagad na may bumulusok na libro sa gilid ng mukha nya. One inch na lang at matatamaan na sya pero bored look pa rin ang emosyon nya.

"Huwag mo ng itanggi pa Ethan! Alam na namin kung ano ang ginawa mo!" Galit na saad ng ama nito na bumato ng libro.

"Hindi ba't sabi namin sayo na wala kang gagawing kahit ano sa Amber na 'yon?!" Sigaw ng ama nya.

Tila naubusan naman ng pasensya si Ethan.

"Bakit?! Ano bang pinaplano nyo ha!? Alam nyo na ngang hindi sya si Pyra hinahayaan nyo pang mamalagi dito! At nakuha nyo pang pagtakpan sa'kin ang ginagawang panloloko ng Amber na 'yon! Pinagkatiwalaan kayo ni King Charles! Pero ano? Anong ginagawa nyo? Wala! Anong klase kayong kaibigan---"

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon