Pyra's POVNakakapagod din palang maglibot sa mall na yun. Halos 3 hours akong naglibot pero hindi ko pa nalilibot ng buo yun. Ang laki at ang lawak kasi.
Bumili lang ako ng ilang dress kasi unti lang mga dress ko na nailagay sa bagahe nung umalis ako sa mansion.
At ngayon naglalakad na ako papuntang Girls Dormitory. Madilim na, malamang dahil gabi na eh.
Napansin ko lang na iba ang dinadaanan ko. Hindi ito yung dinaanan namin nila Alice kanina. Napansin ko yung apat na malalaking bahay.
Oo bahay talaga. As in house! At talagang malaki! Malapit na sa Mansion kung tawagin. At maganda ito kung lalagyan man lang sana ng magandang palamuti at disenyo.
Walang kabuhay buhay eh. Lalo na yung black and red house na nasa kanan katabi yung magandang color black and violet house.
Mabuti pa yung blaiolet (black & violet) house mukhang maganda at hindi nakakatakot pati yung black and yellow na isa pa. Yung blue and black na isa naman ay mukhang nakakatakot din.
Ang hilig talaga sa black ng paaralan na ito. Kulang na lang magsuot sila araw-araw ng black pati underware nila black!
Parang may kung anong nagtutulak sa akin na pasukin yung blaiolet house na yun. Favorite ko ang black, white at ang violet. Kaya siguro naiintriga akong pumasok.
Maganda kaya ang loob nito? Sino kaya ang nakatira dito? At di ako makapaniwalang may bahay sa loob ng paaralan?
Parang ang daming tinatago ng school na ito. O sadyang namamangha lang ako?
"Oh Pyrin anong ginagawa mo dito?" Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
Pagkalingon ko. "E-erin ikaw pala."
"Sige na nga kung yan ang gusto mong itawag sa akin at hindi ang Erra." At ngumuso sya. Parang bata pero ang cute-cute.
"Hehe hindi kasi ako sanay eh."
"So bakit ka pala nandito? Gabi na ah, dapat nasa dorm ka na."
"Ah eh nakita ko lang kasi ang malalaking bahay na 'to. At 'di ako makapaniwalang may bahay talaga sa school na ito." Di ko makapaniwalang sambit.
"Haha oo at dun ako nakatira sa yellow and black na yun." Sabay turo doon sa yellow and black house na maganda.
"Eh?" Tanging nasabi ko.
"Haha oo, si Ximon doon sa katabi ko, yung blue and black. Yung red and black naman ay kay Ethan." Ok? Mas gugustuhin ko na lang na malaman yung bahay nya dyan kesa dun sa dalawa lalo na yung mayabang na Ej. Kawawa naman yung bahay, mala devil yung nakatira eh.
"Eh sino naman yung sa violet and black house?" Kyuryosidad kong tanong.
Nakita ko namang lumungkot ang kanyang mukha. Ok? May nasabi ba akong mali? Pero nanumbalik naman agad ang pagkamasiyahin nya.
"Sa kaibagan namin yan..." Sabi nya. Sino namang kaibigan?
"Sinong kaibigan?" Nacu-curious talaga ako eh.
"Hindi na sya nag-aaral dito. Sya yung dating nakaupo sa katabing upuan ni Ethan... Gusto mo bang pumasok?"
"H-huh? Ah eh naku wag na. At saka baka magalit yung kaibigan nyo." Tanggi ko.
"Hindi sya magagalit, mabait yun wag kang mag-alala." At hinila na nya ako bago pa ako maka-angal muli.
Pagpasok namin. Napatulala ako ng ilang segundo.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...