~// Chapter 34 //~

4.9K 171 11
                                    

Kiara's (Pyra) POV

Muli akong nagbukas ng portal sa masukal na bahagi ng gubat dito sa mundo ng mga tao. Pupunta na akong Academy baka kasi makahalata na si Mom.

Pumasok ako sa portal Na ginawa ko sa isang matandang puno at biglang nagliwanag ang lahat. Maya-maya ay nalaman kong nasa loob na pala ako ng aking kwarto.

Ang galing talaga ng mga nalalaman kong spells. Salamat sa kanya at binigyan nya ako ng libro para dito. Ang iba naman ay basta ko lamang nalalaman.

May narinig akong dalawang katok sa pinto ng aking kwarto at iniluwal noon si Mom.

"Nandito ka lang pala. Saan ka ba nagpupupunta, kanina pa kita hinahanap." Lumapit ako sa kanya at hinagkan sya.

"Nilibot ko lang ang buong Akademya mom saka bumalik dito at magpapalit sana ng damit." Pag-papalusot ko.

"Ganun ba? Sige magpalit ka na at pumunta sa office ko. Doon na tayo maghahapunan." May pagtataka ang aking mukha ng magsimulang maglakad si Mom.

Maghahapunan?

Tumingin ako sa orasan ng aking silid at alas-otso na pala ng gabi. Ngayon ko lang nalaman na magkaiba ang oras sa mundo ng mga tao at sa mundo namin. Buti na lang at malawak ang Akademyang ito at hindi naghinala si Mom.

Pero nakakapagtaka lang ang mga taong nag-aaral dito.

Nag-shower na ako para makapunta sa office ni mom.

Kumatok ako ng dalawang beses at pumasok sa office ng principal.

Bumungad sa akin ang napakaraming pagkain. Sa tingin pa lamang ay matatakam ka na. Pero hindi ito tumalab sa akin.

"Para saan ito mom?" Takang tanong ko.

"Bakit dapat ba may okasyon para maghanda ng marami?" Hindi ako nakasagot sa sinabi nya at tahimik na umupo na lang.

Paano ba naman kasi, nagtanong ako tapos ang isasagot ay tanong din? Buti na lang at hindi nya nababasa ang iniisip ko kung hindi lagot ako dito.

Kumain ako ng marami kahit kakakain ko lang subalit pakiramdam ko'y may kulang.

"Inumin mo ito anak." Napatingin ako kay mom.

"Dugo ng hayop." Dugtong nya. Napatango na lamang ako at ininom ang ibinigay nito. Parang napawi ang pagkauhaw ko at napunan ang kakulangan na aking nararamdaman.

Hindi ko alam kung bakit ayokong umiinom ng dugo ng tao. Mabuti na lang at hindi sila umiinom ng dugo ng mga tao kahit karamihan dito ay isang mortal.

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit kami nakakakain ng pagkain ng mga tao.

May lasa din kasi ito sa aming mga panlasa. Subalit hindi ito ganon kasarap sa mga iniinom naming dugo.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan.

"Maraming salamat sa pagkaing ito mom. Magpapahangin muna ako sa labas bago matulog." Tango lang at isang napakatamis na ngiti ang isinagot nya sa akin.

Nag-umpisa akong maglakad. Ang totoo nyan ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa lugar na mukhang pamilyar sa akin.

Isang park.

Isang park na wala ng buhay. Walang ilaw sa lugar na ito ngunit nakikita ko pa rin ng malinaw ang mga nakapaligid sa akin.

Umupo ako sa isang bench at pinag-masdan ang kabuuan ng parke.

Isang luma at walang buhay na parke. Walang buhay ang mga halaman na halos natuyo na ang mga ito.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon