~// Chapter 11 //~

6.9K 245 19
                                    

Pyra's POV

Eto na. Eto na ang araw ng pinakahihintay ng lahat.

Ang Vampyra Festival. Sabi ng iba ngayon lang daw ulit ito nangyari. Simula daw ng mawala yung kinwento ni ma'am na prinsesa ata ay nawalan na ng mga activities na pwedeng pumasok ang mga outsider dito sa loob ng paaralan.

"Pyra! Suotin mo na 'tong vampire costume mo." Ani ni Chad.

Nakarinig naman kami ng kalabog.

Isang mabigat na kamay ang tumama sa lamesa malapit sa amin.

"Kayo! Kayong lahat! Huwag na huwag nyo syang tatawaging Pyra maliwanag?!" Malaki at nakakatakot na tono ang narinig ko. Pagkatingin ko ay ang humampas sa lamesa at ang nakakatakot na boses ay iisa.

At ang Ej na mayabang pa yun!

At sino naman sya para utusan sila na hindi ako tawagin sa pangalan ko?

"Ma-maliwanag mahal na pri-- E-ethan." Sabi ng lahat. Ano daw? Mahal na ano?

Naguguluhan ako ah? Can every body tell me whats happening?

Tumalikod naman sya at lumabas kasama yung Ximon Cloack.

Tama nga kaya yung sinabi ni Alice? Mahal sya ng mga estudyante dito?

Psh sino ba talaga sya? Eh anak lang naman sya ng principal dito. Ginagamit nya ang kapangyarihan nya dito at ang mga stupidyante naman ay nagsisisunod.

Someone's POV

So ngayon na pala ang festival na sinasabi ng mga tauhan ko. Huwag kang mag-alala Pyra sisiguraduhin kong magiging maganda ang unang festival na mararanasan mo d'yan sa walang kwentang paaralan na yan.

Pasasayahin kita sa ikatlo ng gabi. Kung saan magtitipon kayo at magkakaroon ng ball night! HA-HA-HA-HA!!!

Ethan's POV

Nakakainis talaga yang presence ng transferee na yan. Mas mabuti pang umalis na sya dito sa lalong madaling panahon kung ayaw nyang maging miserable ang buhay nya dito!

Ewan ko ba kay mom kung bakit pinayagan nya ang babaeng iyon na mag-transfer eh isa lang naman syang tao!

"Hey Ej bakit ba bwisit na bwisit ka sa babaeng iyon? Dahil ba kapangalan sya ni---" pinutol ko na ang kung ano mang sasabihin ni Ximon.

"Shut up! Makakasama lang sya sa paaralan natin! Isipin mo nga kung paano kapag nalaman nya na mga bampira tayo? Edi magsusumbong sya at yun ang hindi ko papayagang mangyari!" Madiin kong sabi sa kanya.

"So ano ng gagawin mo?"

"Ano pa ba? Edi ang kusa syang mapaalis sa school na 'to." Alam ko na ang gagawin ko para mapaalis sya. Humanda ka sakin Pyra Xam Villegas.

~fast forward~

Pyra's POV

~6:00 pm~

"My gosh!! Nakakapagoooood." At nag-colapse na ako sa aking kama. Kasama ko nga pala si Alice sa loob ng kwarto ko.

Tapos na ang mahaba-habang unang araw ng festival na 'to. Grabe nakakapagod nga eh. Kailan kaya yung time na kami naman yung magpapakasaya? Pero ang kalahati sa amin ay hindi pumasok. I mean hindi nakipagtulungan sa amin. Ang daya nga eh!

"Tomorrow tayo naman ang makakapaglibot sa mga booth na gusto natin. At yung mga hindi nakitulong sa atin kanina ay sila naman ang papalit para gawin ang ginawa natin kanina." Bigla naman akong naliwanagan.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon