Ethan's POVSa wakas ay narating ko na rin ang napakalaking tarangkahan o gate ng palasyo. Hindi lang may dugong bughaw ang naninirahan dito. Lahat ng klase ng bampira ay dito nakatira maliban na lang sa mga taksil na bampira.
Lahat dito ay hindi itinuturing na dukha. Lahat dito ay pantay-pantay maliban na lang sa mga dugong bughaw dahil sila ang nakakataas. Maganda ang pamamalakad sa lugar na ito.
Nang makita ako ng mga nagbabantay sa tarangkahan ay bigla silang umayos at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko.
"Maligayang pagbabalik, mahal na Prinsipe." At kaagad nilang binuksan ang malaking lagusan papasok ng palasyo.
Nang makapasok ako ay gano'n pa rin ang itsura. Napakalawak nito ngunit walang buhay ang lugar. Maganda ito at kamangha-mangha dahil sa mga nagtataasang puno na nagsisilbing daan patungo sa pabilog na halamanan at sa gitna nito ang fountain na may mga iba't ibang klase ng isda.
May dalawang daan dito. Ang una na nasa gawing kaliwa ay patungo sa mga kabahayan at ang pangalawa na nasa kanan ay ang pinaka-palasyo ng kahariang ito.
Ang mga tao dito ay parang walang buhay dahil sa pagkawala ng prinsesa. Minsan lang nagiging masaya dito. Sa tuwing may pagdiriwang na dapat kasiyahan ang namamayani sa lahat ay alam kong may lungkot pa rin silang nadarama lalo na tuwing sasapit ang araw kung kailan nawala sya.
At ngayon ay ibabalita ko na naman na nawawala ang hinihinala naming prinsesa.
Isa lang naman ang tanging paraan upang malaman na sya nga ang prinsesa. May tatak syang rosas sa kanyang tagiliran. Ganun ako kat*nga ng hindi ko nalaman na tignan man lang ang tagiliran ng impostor na si Amber.
Kapag may masamang nangyari lang sa prinsesa ay hinding-hindi ko na sya hahayaang mabuhay pa!
Lahat ng nakakasalubong ko ay nagbibigay galang sa akin. Tanging ngiti ko lamang ang maisasagot ko sa kanila. Isang ngiting pilit.
Nang makarating ako sa palasyo ay kaagad humelera ang mga kawal at sabay-sabay na yumuko upang magbigay galang, pagkatapos no'n ay binuksan na nila ang malaking pinto ng palasyo kung saan naninirahan ang mga prinsesa't prinsipe.
Sa loob din nito naninirahan ang matataas na opisyales. Pwede ditong pumunta ang mga tagabayan ngunit ipinagbabawal sa tirahan o mataas na tore kung saan naninirahan ang Queen at King, maliban na lang kung may pahintulot sila.
Kaagad akong pumunta sa lugar kung saan naninirahan ang matataas na pinuno sa kaharian.
Kaagad akong nagbigay alam na may pagpupulong sa isang malawak na silid na kadalasang pinagpupulungan ng hari, reyna at may matataas na katungkulan.
Di nagtagal ay napuno din ang silid na ito. Nakaupo ako sa pinakadulo ng mahabang mesa na may nakaupong labing anim na pinuno dito sa kaharian.
Sila'y nakatayo at sabay sabay na pagbati sa aking pagbabalik.
Matapos ang batian ay sinenyasan ko silang maupo.
"Ikinagagalak naming naparito ka mahal na prinsipe. Alam naming nagsasanay ka pa sa Vampyra, pero anong dahilan kung bakit naparito ka at nagpautos ng kaagarang pagpupulong?" Tanong ng pinuno ng mga kawal dito sa palasyo.
Bumuga muna ako ng hangin saka nagsalita.
"May ipinaparating sa inyo si ama at ina." Tila tahimik lamang silang nakikinig. Walang akong naririnig kundi ang paghinga at tibok ng puso ko lamang. Tila may kaba sa aking dibdib na sabihin ang aking mga nalalaman.
"Tungkol ito sa nawawalang prinsesa. Ang anak ni King Charles at Queen Sam." Kaagad naman silang nagkatinginan at nagbulungan.
"Anong meron mahal na prinsipe? Nahanap na ba si Princess Pyrallene.?"
"Hindi ko din alam." Kaagad na naman silang nag-usap-usap muli.
"Anong ibig nyong sabihin mahal na prinsipe?" Naguguluhang tanong ng pinuno sa silangan.
"May pinaghihinalaan kaming isang tao na ang pangalan ay Pyra Xam Villegas."
At ikwinento ko sa kanila ang mga pangyayari. Karamihan ay kumbinsing baka sya nga ang prinsesa ngunit may iilan ding hindi sang-ayon hanggat walang proweba.
"Ano na pong binabalak nyo mahal na prinsipe?" Tanong ng namumuno sa timog.
"Isang pagsasanay para sa nalalapit na digmaan. " seryosong kong saad.
"Kapag nalaman kong nasa kanila ang prinsesa ay kaagad tayong gagawa ng digmaan sa magkabilang panig."
"Ngunit hindi mo pa naman alam na sya nga ang nawawalang prinsesa. Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos sa ating mga gagawin." Ani ng pinuno sa hilaga.
"Kahit na. Hindi nila kukunin si Pyra kung wala silang kailangan sa kanya. At kapag napatunayan na sya nga ang prinsesa, nararapat lang ang digmaan sa dalawang angkan." Wala nang nagawa ang mga pinuno ng bawat lugar kaya sa huli ay sumang-ayon na lamang sila dahil may punto ang bawat sinasabi ko. Gagamitin nila ang prinsesa laban sa angkan namin. Hindi ko hahayaang masaktan sya at umupo na lang lalo na kubg may pag-asang sya ang nawawalang prinsesa. Ayokong tumunganga lang at magsisi sa huli dahil wala akong ginawa.
"And that's final!"
Third Person's POV
Naglalakad si Santana sa isang espesyal na silid na puno ng mga black magic.
Kung saan dito nakakulong ang matandang napakagaling pagdating sa mga mahika o spell. Si Lola Ymelda.
Pumasok sya sa pinto ng silid at naupo katapat ng inuupuan ni Lola Ymelda. May ngisi sa mga labi si Santana ngunit ang matanda ay seryoso lamang na nakatingin sa kanya.
"Wala ka bang galang sa Reyna?!" Inis na saad ni Santana.
"Sa pagkakaalam ko ang tunay na Reyna ng mga bampira ay si Sam." Walang gana nitong saad na tipong nang-iinis.
"Tahimik! Isa syang tao at hindi bampira!"
"Tao nga ba?"
"Sinabi ng tahimik! Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan ang kapatid mong baliw!" Kaagad na nainis ang matanda at iniba ang usapan dahil hindi nya magawang manahimik.
"Ang dami ko ng nagawa para sa inyo. Ngunit hindi nyo pa rin hinahayaang makasama ko ang aking kapatid."
"Hindi muna sa ngayon dahil kailangan pa kita!"
"Totoo pa bang buhay ang aking kapatid?" Pag-aalalang tanong ng matanda.
"Bakit? Gusto mo bang marinig ang paghihinagpis nya?! Ilang beses na syang tumatakas kaya naisipan kong igapos na lang sya sa isang upuan." Hindi nagustuhan ng matanda ang pinaggagawa ni Santana sa kanyang kapatid ngunit wala syang magawa kundi sundin ang lahat ng utos ni Santana upang gumaling ang kanyang kapatid.
Si Santana lamang ang makapagpapagaling sa kanyang kapatid dahil si Santana din ang dahilan kung bakit nagkaganoon ito.
Muli iniba na naman nya ang usapan.
"Bakit nga ba kayo naparito mahal na Reyna?"
"Naparito ako dahil gusto kong makasigurado kung mananalo nga ba kami pag-nagkaroon ng digmaan."
"Hindi ba't malaki na ang posibilidad mong mananalo kayo lalo na't nasa iyo na ang kanilang prinsesa."
"Oo! Pero gusto ko pa ring makasigurado kaya gumawa ka ng paraan para malaman ang sagot sa tanong ko!"
"Hindi ko magagawa yan mahal na Reyna, ang tangi ko lamang magagawa ay balaan kayo." Tila parang nasusuka ang matanda sa tuwing tatawagin nya itong reyna.
Naging seryoso naman si Santana sa sinabi ng matanda.
"Huwag kang masyadong makampante at maniwala sa mga nakikita mo."
Makahulugang saad ng matanda.
Naiwan namang gulong-gulo si Santana sa sinabi ni Lola Ymelda.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...