~// Chapter 30 //~

5.5K 186 23
                                    


Third Person's POV

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang magising si Pyra. Samantalang sina Prince Ethan, Erin at Ximon naman ay walang tigil sa kakahanap sa kanya.

"Napagtanong-tanong na din natin sya sa mga kalapit na paaralan." Saad ni Erin.

"At sa Dapire na lang ang hindi." Dugtong ni Ximon.

Kumuyom ang kamao ni Ethan. Marinig nya lamang ang eskwelahang iyon ay tipong gusto nyang makapatay, lalo na kung mapapatunayan nyang nadodoon si Pyra.

"Alam naman nating lahat, na ang mga Vark ang namamalagi roon. Matagal tagal na rin ng huling magkalaban ang dalawang panig." Sabi nito na parang nag-iisip.

"Kailangan lang natin makapasok sa paaralang 'yon at hanapin si Pyra." Disididong saad ni Ximon.

"Walang NATIN. AKO lang." Napatingin ang dalawa sa kanina pa walang imik na si Ethan.

"Hindi pwede 'yon!" Pagpigil ni Erin. Ngunit kahit anong gawin nito, walang na syang magagawa sa desisyon ng kaibigan.

"Pero paano naman kung wala doon si Pyra." Singit ni Ximon. Napatingin sina Erin sa kanya.

Lalong humigpit ang nakakuyom na kamao ni Ethan na tipong naglalabasan na ang ugat nito at lalo namang nag-alala si Erin, tipong alam nila kung ano ang nasa-isp ni Ximon.

"Paano kung... Nasa Mundo na ng mga Vark si Pyra?"



Lumabas muna ng silid si Erin para makapagpahangin. Kinakabahan na sya sa mga nangyayari. Ang tanging dasal nya lang ay sana mabuti lang ang kalagayan ni Pyra kung nasaan man sya.

Tumingin sya sa kalangitan. Kulay abo na ang mga ulap mapa-umaga man o gabi. At ang simoy ng hangin ay napakalamig.

Nawala ang pagmumuni ni Erin ng may biglang nagsalita.

"Sigurado ba kayong sya na ang Prinsesa?" Napalingon si Erin sa nagsalita.

"Nakinig ka ba sa sinabi ng Principal nung nakaraan Emylie?"

"Erin wala ako dito para makipag-away. Pinapahalagahan ko ang Prinsesa. Tapat ang tungkulin ko sa kanya. At lahat tayo gusto nating maibalik sya. Pero sya na nga ba ang Prinsesa?" Pag-uulit na tanong nito.

"Walang nakakaalam sa tanong na yan Emylie. Malalaman lang natin yun kapag nasa atin na si Pyra Xam. At malaki ang posibilidad na sya nga ang Prinsesa." Sabi nito habang nakatingin sa langit.

"Kung ganon. Paano natin sya makukuha? Alam nyo ba kung nasaan sya?"

Iling lamang ang tanging sagot sa kanya ni Erin.

"Pero paano naman sya nakalabas ng Academy? Kinidnap sya?"

"May punto ka. Pero pwede ring nakalabas sya ng mag-isa."

"Pero paano? Nakasara ang gate ng Academy at secure ito."

"Maaaring may isa pang lagusan para makalabas dito." Lumingon si Erin kay Emylie at nginitian ito.

"Akala ko puro bitchie lang ang kayang mong gawin. Pwede ka rin naman palang magseryoso." At iniwan na nya itong nakatulala.

Pumasok na ulit si Erin sa isa sa mga room ng Academy.

Nang makapasok sya. Nakita nyang nakatayo si Ethan sa harap ng bintana. At si Ximon naman ay nakaupo sa teacher table.

Nagulat sya ng may isa pang lalaki na nakaupo malapit kay Ethan.

Lumapit si Erin at umupo katapat ni Ximon na nakaupo sa table.

Doon nya lang napagtanto na si Gray pala ang lalaki.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon