Ethan's POV
Sh*t! Bakit ngayon ko lang naalala yun?!
Tumakbo ako na parang hangin sa bilis papunta sa girl's Dormitory.
Maya maya lang at nandito na ako sa harapan ng dorm ni Pyra. Luminga-linga ako at walang tao sa paligid. Malamang ay natutulog na ang mga ito.
1:45 am na kasi pero ang ibang bampira ay natutulog kapag umaga. At oo natutulog kami para madagdagan ang lakas namin. Pero nasa saamin na yun kung hindi kami matutulog dahil malalakas naman kami.
Binuksan ko ang pinto na walang ingay at kaagad na pumasok.
Please lang...
Pumasok ako sa kwarto nya at ang kanina ko pa ipinagdarasal ay hindi natupad.
Wala sya rito...
Wala si Pyra. Kinuha ko ang kwintas sa aking bulsa at tinignan ito.
Paano kung totoo ang mga sinabi nya?
Tila nag-flashback lahat ng kagaguhan kong ginawa.
Una ang unang pagkikita namin na naganap sa canteen. Marami syang natatanggap na death treats sa mga babae. At 'yon din ang unang hinangaan ko sya.
Sa panahon na yun ay galit ako sa kanya at hindi ko maamin na hinahangaan ko sya sa pagiging matatag nya na ikinaiinis ko dati.
Pangalawa yung planong pagpapaalis ko sa kanya sa akademyang ito.
Unang beses kong nakita syang umiyak. Sa pangyayaring 'yon nandoon ako. At naririnig ko ang pag-iyak nya sa cr. Isa sa mga kakayahan namin ay ang matalas na pandinig. Nakokontrol namin ito at napapakinggan ng maigi ang gusto naming marinig.
At ang pangatlo ang pagpapahiya ko sa kanya sa harap ng buong angkan ng bampira. Ang pagtataboy na hindi naman talaga sa kanya ang kwintas na ito.
Parang may tumutusok na kung ano sa puso ko habang nagpa-flash back ang lahat.
Ni wala man lang kaming magandang eksena na maluwag sa kalooban nya.
Alam ko kasing hindi nya gustong makasayaw ako sa ball night. At alam kong mas gusto nyang kasayaw si Grey.
Hindi ko pa alam kung talagang sya si Pyra na prinsesa namin pero alam ko at buo na sa sarili ko na ipaglalaban ko sya.
Hindi ko na sya papabayaan basta basta.
Kung dati wala akong nagawa ng mawala sya pero ngayon...
Gagawa at gagawa ako ng paraan para makasama ko na ulit sya.
Hinding-hindi ko sya isusuko.
Kahit pa kamatayan ko ang kapalit.
Pyra's POV
-8:00 am-
Pabagsak akong nahiga sa malambot at bago kong kama.
Pero para sa'kin mas gusto ko pa ang kama ko sa dati kong dorm.
Napaisip naman ako sa naging reaksyon kahapon ni Ms. Santana. Gulat na gulat kasi sya ng makita nya si White.
~Flashback~
"Saan mo nakuha ang pusang yan?!" Gulat na tanong ni ms. Santana, kaya pati ako nagulat sa pagsigaw nya.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampirosAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...