~// Chapter 14 //~

6.4K 249 6
                                    

~•~•~Flashback~•~•~
(Dalawampung taon mula sa nakaraan)

Third Person's POV

"Charles mahal kita!" Nagmamakaawang sabi ng babae habang nakaluhod.

"Patawad Santana, pero may mahal akong iba." May diin na sabi ni Charles. Ang anak ng hari ng mga vampire.

"Handa kong gawin ang lahat! Mahalin mo lang ako! Kahit sawayin ko si ama gagawin ko para sa'yo!" Umiiyak na tugon nito.

"Pagbubukludin natin ang Lyre a-at Vark... Tayo ang maghahari't reyna!" Dugtong nito habang patuloy na umaagos ang kanyang luha. Nakahawak sya sa kamay ng nakatalikod na si Charles.

"Patawad Santana. Pero kahit anong gawin mo hindi na mapagkakasundo ang mga Lyre at Vark dahil sa pagtataksil ng iyong ama!" Awtoridad na sabi nito.

"H-hindi iyan ang dahilan! Dahil mas pinili mo ang tao kesa sa kauri mo!"

"Hindi ko kauri ang masamang katulad mo!" Nagulat si Santana sa sinabi ni Charles. Umalis na si Charles sa hardin, hindi nya kayang maging mabait sa anak ng taong nagtaksil sa kanilang kaharian.

Gaano man kaaliwalas at kaganda ang hardin, hindi nito mapapasaya ang malungkot at may puot na si Santana.

~•~•~•~

May iisang hari at reyna lamang ang namumuno sa panahon noon. Sila ay sina King Arthur at Queen Ellyza. Tahimik lamang na namumuhay sa mundo ng mga tao ang mga bampira. Hindi sila pumapatay at malayo ang kaharian nila mula sa kabahayanan. Kailangan mo pang makagawa ng portal patungo sa kanilang kaharian.


May isa silang anak na ang pangalan ay Charles Wond Faust. Sila ang mga Royal blood. Ang Royal Family.

May dalawang kaibigan sina King Arthur at Queen Ellyza. Apat silang matatalik na magkaibigan at naging mag-aasawa din sila. Ang dalawa ay ang mag-asawang Victor Wolff at Hylie Cast-Wolff.

Nang magkaanak sina Victor at Hylie ay laking tuwa ni Victor. Isa itong babae. Ngunit nawala din ang kanyang tuwa ng malaman nyang patay ang kanyang asawa. Namatay ito sa panganganak.

Mula noon ay nabuo ang puot sa puso ni Victor. Mabuti na lamang ay nandyan pa rin ang kanilang anak na si Santana. Ngunit dahil sa puot at sakit na nakikita nya ang dalawang kaibigan, sina Arthur at Ellyza, na masaya at buong pamilya ay bumabalik sa kanya ang pagkawala ng kanyang asawa. Nado-doble ang sakit na kanyang nararanasan. Sa bawat pagtatanong ng kanyang anak na kung nasaan ang kanyang ina.

Sila ay nababalutan ng lungkot samantalang ang kanyang kaibigan ay hindi. Dahil sa pag-iisip ng ganoon ay may bumabalot ng kasamaan sa isip ni Victor.

Ninanais nyang mapasakamay ang pamumuno sa buong lahi ng bampira. Ninais nyang pabagsakin si Haring Arthur Faust. Ninais nyang maghirap din sila.

Ninais nyang dapat kung anong nararamdaman ng isa ay nararamdaman din ng lahat. Parang nakalimutan na nya ang pagkakaibigan nila.

Kaya umisip sya ng paraan para maramdaman din iyon ng kaibigan nya. Kumbaga para na syang nasiraan ng bait.

Nilason nya ang asawa ng hari at kaagad itong nalaman ni haring Arthur.

Nagtago sya kasama ng kanyang anak ngunit nahanap din sila. May mga naniniwalang hindi nilason ni Victor ang reyna dahil sa kabaitan nito. Ngunit hindi nila alam na naging sakim na ito.

Pinaulit ni Haring Arthur ang sinabi ng kanyang mga tauhan kung si Victor nga ba talaga ang pumatay sa kanyang asawa.

Sa panahong iyon ay may pagkakataong tumakas sya. Kaya ginawa nya iyon hanggang sa may nalaman syang mga bampira na takam na takam sa dugo ng tao.

Inakit nya ito sa pamamagitan ng mga salita. Unang-unang batas sa mga bampira ay wag kang papatay o sisip-sip ng dugo ng tao. Matapos nun ay bumuo sya ng isang vampire clan.

At tinawag na Vark. Ang mga masasamang bampira kasama ang kanyang anak.

Maraming sumanib sa kanila at naging hari ng mga Vark si Victor. Hanggang sa nalaman ng haring Arthur ang ginawa nya.

Dahil sa galit ng dalawang panig ay nagkaroon ng digmaan.

Digmaan mula sa mababait at masasama.

Dito nag-umpisa ang tinatawag na Vark at Lyre. Nahati ang mga bampira sa dalawang clan.

Maraming namatay ngunit nanalo pa rin ang mabubuti. Ang mga Lyre.

Napatay ni Arthur si Victor ngunit nasaksak si Arthur sa dibdib, si Santana na anak ni Victor ang gumawa nito.

Nakita ito ni Charles na kaagad na sinaksak din si Santana. Mahal ni Santana si Charles kaya nagtatanong sya kung bakit ito nagawa sa kanya.

Namatay si Arthur at Victor at inakala nila na patay na rin si Santana.

Si Jane Hunt, Michael Nightray at Sam Kein na lang ang natirang kaibigan o itinuturing na kapamilya ni Charles.

Si Sam Kein ang kasintahan nito. Isa itong tao ngunit dahil sa pagpupumilit ni Sam na maging bampira ay ginawa na din ni Charles ang gusto nito upang mamuhay sila ng magkasama.

Matapos ang ikaunang digmaang naganap ay namuhay muli ng masagana ang mga Lyre. Walang Vark na nagtatangkang puksain sila. Marahil wala na ang pinuno ng mga ito.

~•~•~•~

Charles POV

May naramdaman akong yumakap sa aking likod. Nandito ako sa terrace ng aming kwarto.

Humarap ako sa yumakap at nakita ko ang pinakamamahal kong babae.

Hinaplos ko ang madulas nyang buhok.

"May kailangan ka ba aking asawa?" Tanong ko.

Umiling lamang sya at ipanatong ang ulo sa aking dibdib. Mahal na mahal ko ang babaeng ito.

May anak na kami. Dalawang buwan pa lamang sya. At ang gusto kong ipangalan sa kanya ay Pyrallene at ang kanyang ina naman ay Xammantha.

Pumasok kami sa loob ng aming kwarto at tinignan ang natutulog naming anghel na anak.

"Pyrallene Xammantha Kein Faust." Nakangiti kong sambit.

Niyakap ako ni Sam at niyakap ko din sya pabalik.

"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita." Sabi nito mula sa pagkakayakap.

"Mahal na mahal din kita Sam." Tugon ko.

Hanggang sa may narinig na lamang akong pagsabog.

Third Person's POV

May biglang sunod sunod na pagsabog ang naganap. Isa na doon ang kwarto ng reyna at hari, si Sam at Charles.

Bawat parte ng palasyo ay may nakatanim na bomba. Namatay ang ilang tauhan dito at sumugod naman ang mga Vark para tapusin ang mga nakaligtas.

Nakabangon si Charles mula sa pagkakahiga at marami na syang sugat dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.

Nakita nya ang kanyang asawa na nadaganan ng malaking bato at sugat-sugat ang katawan. Isa na itong malamig na bangkay. Napaluha na lamang si Charles ngunit naalala nya ang kanyang anak at agad na hinanap ito subalit nagsidatingan ang mga Vark at tinuluyan na ang natitira nyang oras sa mundo.

Makalipas ang ilang oras ay nalaman ito ng mga taga Lyre at natagpuan ang malamig na bangkay ng kanilang Hari at Reyna. Wala ng mga Vark dito dahil umalis na kaagad sila.

Papaalis na dapat sila subalit may narinig silang iyak.

Iyak ng isang sanggol.

Agad nila itong hinanap ngunit hindi nila makita. Pinakinggan nila ang tunog hanggang sa dalhin sila sa maraming bato. Agad nila itong tinanggal at natagpuan ang umiiyak na sanggol.

"Ang mahal na Prinsesa..." Tugon ng isa sa kanila.

Itutuloy...

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon