~// Chapter 15 //~

6.6K 246 10
                                    

Jane's POV

Naayos na ang mga nasira dahil sa pagdating ng mga Vark. Ayos na din si Pyra dahil ginamit ko ang aking kapangyarihan sa kanya.

Ang pagbura ng mga alaala.

Binura ko lamang ang mga nakita nyang hindi dapat makita. At pinalitan ko ito ng mga masasayang alaala ng gabing iyon.

Nakakapag-bura ako ng alaala ng permanente depende sa sitwasyon. Kung ang binura kong alaala sayo ay hindi naman mahalaga o walang kinalaman sayo ay hindi mo na ito maaalala kailanman.

Ngunit kapag ito ay may kaugnayan sa pagkatao mo ay darating ang tamang panahon at maaalala mo ito.

Si Pyra ay dugong tao at ang mga nakita nya kagabi ay hindi na nya maaalala pa. Dahil nga sya ay tao.

Pumunta akong muli kung saan pinagganapan ng ball kagabi. Pagkapasok ko ay nandun lahat ng mga bampira na nag-aaral dito sa Academy. Kahit ang mga teachers at iba pang nagtatrabaho dito ay naririto din. Ang iba sa kanila ay sariwa pa rin ang takot at pangamba sa nangyari kagabi.

Umakyat ako sa stage at hinawakan ang microphone. Nasa tabi ko na ang aking asawa.

"Makinig kayo mga mahal kong kalahi. Gawin nyo lamang ang mga karaniwang ginagawa nyo at kalimutan na ang nangyari kagabi."

"Mas hinigpitan na ang ating seguridad dito sa loob kaya wag kayong mag-alala. Hindi na muli silang makakapasok dito." Dugtong ng asawa ko. Napakahigpit ng seguridad dito sa Academy kaya nagtataka ako kung bakit nakapasok sila Santana. At ngayon ay mas hinigpitan pa.

"Huwag nyo ng pag-usapan ang masamang nangyari. Gaya nga ng sinabi ko kalimutan nyo na lang dahil baka magtaka pa sa inyo si Pyra." Nang mabanggit ko ang pangalan nya ay parang may namuong tensyon. Naalala nila ang dati. Lalo na ang mga teachers dito na syang sumagip sa kaniya.

"Huwag kayong mag-alala hindi na nya maaalala ang nangyari dahil binura ko na. Isa syang tao kaya hindi na nya ito maaalala pa basta't gawin nyo lang ang pang-araw-araw nyong gawain. Maaari na kayong mag-umagahan at gawing makabuluhan ang inyong araw." At nagsi-alisan na sila. May lungkot at pagkainis ang kanilang mga mukha marahil na rin sa mga nangyari o mangyayari.

Bumaba na kami ni Michael sa stage. Natira na lang ay ang mga teachers at ang anak namin.

"Kailangan na nating mahanap sya mom." Pambungad ni Ethan.

"Dinodoble na namin ang mga naghahanap sa kanya ngunit wala pa rin silang balita."sabi ni Raine isang history teacher dito.

"Huwag kayong mag-alala mahahanap din natin sya. O baka sya pa ang makahanap sa atin." Wika ng aking asawa. Mukhang may kutob na rin sya kagaya ko.

"What do you mean dad?" Kunot noong tanong ni Ethan. May pagtataka ang makikita sa kanyang mukha.

"Just wait, darating din ang tamang panahon at makakasama na din natin sya. Sa ngayon ay pumunta muna kayo at gawin ang mga tungkulin ninyo." Seryosong saad ng asawa ko.

Aangal pa sana si Ethan ngunit biglang naglaho na ang kanyang ama. Tinapik ko sya sa balikat at sinundan na si Mich (pronounce as Mayk) siguro kailangan ko ng sabihin ang kutob ko sa kanya.





Pyra's POV

Naglalakad ako sa hallway at napansin kong walang mga tao. Dati naman may mga tao na sa gilid gilid at nakiki-chismis or nagiging bubuyog pero bakit ngayon wala?

Dumiretso ako sa cafeteria/canteen para kumain malamang.

Kung tatanungin nyo ko kung naging masaya ba ang gabi ko ay ang masasabi ko lamang ay....

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon