Third Person's POVPatuloy ang pagbagsak ng luha ni Pyra at pabigat ng pabigat ang kanyang katawan sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, papunta sa kanyang pinaka-unang kaibigan.
Nag-flashback lahat ng kanilang kulitan at samahan kasama si Paollo Hex Havier.
Itinuring na nyang mga kapatid sila. Na kahit magkamali sila ay alam nyang mapapatawad nya ang mga ito.
Napaluhod sya habang tinitignan ang kaibigang unti-unting nawawalan ng buhay.
"A-alice." Impit na pag-iyak ang maririnig mo sa kanya. Kasama si Gray na pilit pinipigilan ang mga luha ngunit bigo sya.
Lumapit din ang iba sa kanila.
"La-lagi mong tatandaan.. na palagi lamang akong nasatabi mo, ninyo." At ngumiti sya ngunit may lumabas na dugo sa kanyang mga labi.
Lumuhod ang ina ni Pyra. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.
"At lagi mo ding tatandaan.. na napakalaki ng sakripisyong iyong ginawa. Isa kang bayani Alice." Nakangiti nitong sabi, napangiti din si Alice sa kanya.
"At dahil d'yan. May gantimpala kaming ibibigay sa 'yo." Ani ng Ama ni Pyra na si Charles.
Naghawak kamay ang mag-asawa saka hinawakan ang magkabilang kamay ni Alice.
"Mamamatay ka man bilang bampira. Ngunit muli kang isisilang... bilang tao." Wika ni Charles.
"At dahil tinahak mo ang tamang daan para magbago. Isang halik mula sa tao o bampirang itinakda sa 'yo, ay maaalala mo kung saan ka nagmula at kung sino ka ba talaga." Tumingin silang lahat sa nagsalita.
Isang cute na bata ang bumungad sa kanila. Hinawakan nito ang braso ni Alice.
"K-kupida?" Naghihingalong tanong ni Alice.
"Tama." At isang napakagandang ngiti ang ibinigay nito sa dalaga saka lumiwanag ito.
Unti-unting naglaho si Alice na may ngiti sa kanyang mga labi.
Ngunit hindi ito abo, katulad nito ang mga kumikinang na bituin.
Nang mawala ng tuluyan si Alice.
"Ka-kailan sya muling isisilang?" Tanong ni Pyra.
"Kung kailan kayo unang nagkakilala." Singit naman ng isa pang bata.
"C-cupid?"
"Ako nga. Mahal na prinsesa." At yumuko ito upang magbigay galang.
"May isa pa tayong problema." Napatingin ang lahat kay Jane. Mababakasan mo sa kanya ang lungkot, galit at pag-aalala.
"Tutulong kami!"
"Kami din!"
Natuwa naman sila ng makitang tutulong ang lahat.
"Kayo! Dalhin nyo sa healing center ang mga nasugatan!" Utos ni Michael sa kanilang mga tauhan.
"Ngunit hindi ko na mabuksan ang lagusan." Napayukong saad ni Jane.
"Isang napakalakas na kapangyarihan sa dalawang nilalang ang makapagbubukas ng lagusan." Ani ni Sam na ina ni Pyra.
"Kayo?"
"Hindi. Isinilang ito sa magkaibang nilalang. Ibig sabihin hybrid ito."
"Kung gano'n.."
"Yung aklat." Ani ni Ethan.
"Yung aklat na binasa natin Pyra nung bata pa tayo." Pagpapaalala ni Ethan kay Pyra na tila naguluhan.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampirosAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...