Third Person's POV
Matapos ang kwento ni Ms. Santana sa kanya ay umalis muna ito at naglakad-lakad.
Bakit ganon? Kahapon hindi pa nagsi-sink-in ang mga nakita ko may nangyari na naman. Tapos ngayon ito na naman?! Ni hindi pa ako nakakamove-on! Ugh sumasakit ang ulo ko. Ani ni Pyra sa kanyang isip.
Habang naglalakad si Pyra patungo sa hindi nya alam ay may nakasalubong syang isang matanda.
Tulala ito at may sinasabi.
"Malapit na..." Ani ng matanda.
"Malapit na..."
"Malapit na..." Paulit-ulit nitong sabi hanggang sa mapatingin sya sa direksyon ni Pyra.
Kaagad na nangilabot si Pyra sa titig ng matanda. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso.
"Malapit na!" Pag-uulit nito na kanina pa nya sinasabi.
"So-sorry po pero hindi ko p-po alam ang sinasa---"
"Malapit na!" Mas dumiin ang hawak ng matanda sa braso ni Pyra. Napadaing naman sa sakit si Pyra dahil bumabaon na ang matutulis na kuko ng matanda sa kanyang braso.
"Ayun sya!" Sigaw ng di pamilyar na boses.
Agad namang naalarama ang matanda at hinanap kung saan nanggaling ang tinig.
Hinawakan ang matanda ng dalawang lalaki at ang isa ay nakatayo sa gilid.
"Pagpasensyahan mo na ito miss. Baliw kasi itong nakatakas." Sabi ng isang lalaki sa gilid.
Tumango lamang si Pyra kahit gulat na gulat pa din.
"Hali na kayo." At naunang naglakad ang lalaki kasabay ng dalawa habang hitak hitak ang matandang babae.
Bago pa man sila makalayo ay lumingon ang matanda at sinabing.
"Malapit na... ang digmaan." Hindi naintindihan ni Pyra ang huling sinabi ng matanda dahil pabulong na lamang ito.
Matapos mag-sink-in ang lahat ng nangyari ay nag-umpisa na ulit maglakad-lakad si Pyra. Hanggang sa makarating sya sa isang park.
Ang park na ito ay wala ng buhay. May lamesa kasama ang bangkong nakapalibot sa isang punong wala ng dahon.
Ito ay puro sanga na lamang. At may mga damo din pero halatang wala ng sigla ang mga ito. Wala ka ring makikitang bulaklak sa park na ito.
Naupo si Pyra sa bench malapit sa sirang swing.
Tila bigla na lamang syang kinilabutan. Ramdam nya kasing may nagmamasid sa kanya. Nang hindi na nya mapigilan ang takot ay tumayo na sya para umalis.
Ngunit may narinig syang kaluskos sa likod ng halamanan malapit sa kanya. Kahit na natatakot ay nagawa nya itong lapitan.
Laking gulat nya nang may biglang lumabas dito at inikutan sya.
Nang ma-realize nya kung ano ito ay napa-buntong hininga na lamang sya.
Kinuskos ng pusa ang mukha nito sa paanan ni Pyra. Umupo si Pyra para maabot ang pusa.
"Woah! Napaka-cute mo naman!" Pag-puri nya sa puting pusa. As in puti ito at walang kahit anong bahid ng ibang kulay kaya ito'y nagmumukhang malinis.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...