Pyra's POV
"Wow Xam! Ang ganda mo sa gown na 'yan ah." Nakangiting sabi ni Alice habang tinitignan ang kabuuan ko.
Oo nga pala 10:30 pm na at mamayang 11:00 pm ang umpisa ng ball. Hindi bola ah kundi party haha.
Nga pala suot ko yung gown na nakita ko kanina sa mall. Yung black gown.
Hindi ko alam kung bakit ko ito sinuot, pero maganda naman eh. Sasayangin ko pa ba? At saka may naka-note naman na sa akin yun. Kapag nakita ko o nakilala ko kung sino ang nagbigay nito ay magpapasalamat ako ng lubos dahil sa ganda ng gown na ito.
"Ikaw din naman maganda!" Ang ganda nya sa suot nyang light pink. Mala anghel ang mukha nya na pinaganda pa ng gown nya.
Nagtataka siguro kayo kung bakit light pink at hindi light green. Kukunin na kasi sana nya yung light green na gown kaso nakita nya ang gown na suot nya na maganda naman kesa dun sa nauna nyang pinili.
"Haha halika na nga at tama na ang bolahan." At lumabas na kami ng dorm.
Kami lang ang nag-ayos sa aming sarili. Si Alice ang nag-ayos sa akin pati sa sarili nya. Paano ba naman kasing hindi ako marunong mag make-up.
Light lang naman ang ginawa nyang pag make-up sakin dahil ayokong mag-mukhang espasol. Mas maganda kasi sakin yung light lang. Kahit naman walang make-up maganda ako, hahaha.
Malapit na kami sa dalawang malaking pinto na pinaggaganapan ng ball. Dito kami pinapapunta kapag may iaanounce ang principal na kailangang malaman lahat ng estudyante.
Malaki sa loob at malawak. Sa dami ba naman ng estudyante dito, pero kahit madami ay malawak pa rin ang space kapag nakapasok ka.
Pagkabukas namin ng pinto. Bumungad sa amin ang kumikinang kinang na dyamante. Charot!
Pero nagkikinangan ang mga suot namin o nila lang dahil sa ganda. Hindi pa nag-uumpisa pero halos lahat ay nandito na. May sari-sariling mundo ang iba. Pero ng makapasok kami ay nagtinginan ang lahat sa amin.
Yung iba napatulala. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ang pangit ng suot namin o suot ko lang?
Nakita ko ang grupo ng mayabang na si Ej. Kasama nya si Erin at nakahawak ito sa mga braso ni Ej. Hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.
"Alice! Xam!" Tawag ng kilalang kilalang boses na yung tipong hindi pa ako lumilingon ay kilala ko na.
"Paollo." Sabi ni Alice ng makarating sya sa harap nito.
"Wow ang ganda mo na lalo babe." At inakbayan nya si Alice.
"Sige Xam pagpapaalam ko muna sayo 'tong kaibigan mo. Sosolohin ko muna ah. Mag-ikot-ikot ka lang o kaya kumain habang hindi ko pa to binabalik." At tinuro nya si Alice. Hinampas naman ni Alice ang kamay ni Pao, ang damuhong ito makapagsabi sya kala mo bagay si Alice na pwedeng hiramin at ibalik kung kailan gugustuhin.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampirgeschichtenAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...