Third Person's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas subalit natutulog pa rin ng mahimbing si Pyra. Marahil na rin sa nainom nyang likido na kulay pula.
Si Santana naman ay mababakasan ang kanyang mukha ng pagkawagi. Tila siguradong-sigurado siya na ang kanyang lahi ang mananalo kung saka-sakaling mag-umpisa na ang digmaan.
"Nalalapit na... at nararamdaman ko na ang aking pagkapanalo!" Saka ito humalakhak na parang walang bukas.
Samantala sa Vampyra Academy.
Nagpupulong ang mga nakatataas sa paaralan ng Vampyra. Kasama na dito ang mga guro at sina Erin at Ximon.
"Hindi pa natin alam kung sya nga ang totoong prinsesa." Ani ni Mrs. Leah, isa sa mga English teacher sa akademya.
"Tama ka pero ano nang gagawin natin? Unti-unti ng nilalamon ng kadiliman ang liwanag." Saad ni Ms. Rhaine ang History teacher. Lahat sa kanila ay mababakasan ng pangamba lalo na nang bigkasin ito ni Rhaine.
"Kailangan nating kumilos." Saad naman ni Michael na asawa ni jane. Siya ang pinakapinuno at sinusunod ng lahat. Nangangasiwa sa mundo ng mga Lyre at gumagabay sa kanyang asawa para mapangasiwaan ang Vampyra Academy.
"Pero paano?" Tanong naman ni Mr. George Quin ang namamahal at nagbibigay ng susi ng dorm sa mga transferee.
[A/N: lumitaw si George nung Chapter 2 at Chapter 9.]
"Kung nasa kanila nga ang prinsesa, malamang ay gagawa ng hakbang si Santana." Tila malalim ang iniisip ni Michael. Sa bawat katagang kanyang sinasabi ay napapaisip din ang iba. Paano nga kung may ginawa si Santana sa prinsesa?
"At kailangan nating maghanda para doon." Dugtong nito. Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nito. Tiyak na pinaghahandaang mabuti ni Santana ang lahat para lang makapaghiganti, isip nito.
Matapos ang napakaseryoso at napakahalagang usapan ay pinapunta lahat ng estudyante sa quadrangle ng Academy.
"Pinapunta ko kayong lahat dito para mabalaan na kayo." Pag-uumpisa ni Principal Jane.
"Ayon sa nakikita nyo sa ating Akademya ay tuluyan ng nababalot ng kadiliman." Tahimik lamang na nakikinig ang mga estudyante dahil wala talaga silang kaalam-alam sa mga nangyayari. At gusto nilang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanilang paaralan.
"Gusto kong ipaalam sa inyo na ang nag-transfer dito at nagpakilalang sya ang Prinsesa ay HINDI totoo." Nag-umpisa ang bulungan ng mga estudyante sa kanilang mga narinig. Ang karamihan ay tila hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig.
"Ayon sa impormasyon namin. Natukoy naming isa syang Vark at malamang ay iniutos ito ni Santana. Inutos nitong kunin ang kwintas na ibinigay nina King Charles at Queen Sam sa kanilang anak. Ang kwintas na ito ang lagusan upang mas mapadali tayong makapasok sa mundo ng mga Lyre. At alam kong gusto nila itong sakupin!" Mahabang pagpapaliwanang nito.
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga estudyante.
"Paano naman po ang biglaang pagkawala ng taong transferee." Tanong nito.
"May malaking posibilidad na... sya ang Prinsesa." Nagsimula na namang magbulungan ang nasa paligid. Tila napakaraming impormasyon ang kanilang nasasagap na parang ayaw nilang paniwalaan. Karamihan ay galit sa tinatawag nilang taong transferee na si Pyra.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...