Ethan's POV
Tila hindi matanggap ng isip at puso ko ang narinig ko kay mom.
Nakaalis na sila. Nakaalis na sya!
"Halughugin ang buong akademya!!" Sigaw ko sa mga kawal.
Napaupo na lang ako sa isang malaking bato.
Ni hindi ko man lang sya nakita.
Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya. Ni hindi ko man lang sya nahagkang muli sa loob ng ilang taon."Huwag kang mag-alala Ethan. Mababawi din natin sya." Sabi ni Erin.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga kawal na inutusan ko.
"Mahal na prinsipe. Wala na po dito ang prinsesa pati na rin ang mga mag-aaral at mga guro. Ngunit may isa po kaming nakita."
Napatingin ako sa kawal ng takang-taka.
Lumabas mula sa likuran nya ang halos walang buhay na si Alice. Namumugto ang kanyang mga mata.
"Alice!" Sigaw ni mom at lumapit sya dito.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?!" Sa sinabing iyon ay tuluyan na syang napahagulgol at yumakap kay mom.
Napatayo ako ng magsalita sya.
"W-wala na... wala na si Pao." At umiyak sya ng umiyak. Lumapit si Erin sa kanya at hinimas ang likuran ni Alice.
Napayuko na lamang ako.
Alam kong sa simula ay kalaban namin sila. Sila ang espiya sa aming paaralan. Sila ang dahilan kung bakit nakakapasok ang mga Vark sa loob ng aming Akademya.
Pero ramdam na ramdam ko ang pagsisi nya. Pati na rin si Paollo. Lalo na't nalaman nyang ang tunay na pumatay sa mga magulang nya ay si Santana na gumawa ng mga impostor na kahawig ng aking mga magulang.
Napakasama nya talaga! Siya din ang balakid sa mga magulang ni Pyra. At sya ang dahilan kung bakit nawalan ng mga magulang ang pinakamamahal ko!
Dinala nila ang lahat ng sugatan sa Vampyra Academy. At kami ay nasa Dapire pa rin dahil baka bumalik sila Santana dito. Baka muli kong masilayan ang pinakamamahal ko.
Nasa labas ako ng Akademya at nagmamasid. Halos lahat sa amin ay hindi makatulog sa mga nangyari at mangyayari. Papalagpasin pa ba namin ito?
"Isang sikretong lagusan papunta sa kanilang kaharian." Naging alisto ako ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ito pamilyar.
"Sino ka?! Lumabas ka d'yan!" At isang napakagandang babae ang lumabas mula sa kadiliman sa masukal na gubat ng akademyang ito.
Nagnining-ning ang kanyang mahabang kasuotan at ang kangyang lilang buhok. Kumikinang din ang mala-puti o silver nyang mga mata.
"Isang sikretong lagusan mula sa isang matayog at napakalaking puno. Sa pusod ng kagubatan."
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Isa kang magiting na binata. Hindi ako magtatakang anak ka nila Jane," saad nito.
"Paano mo nakilala ang mga magulang ko?!"
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
Про вампировAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...