Dedicated to CamilleMirasol15
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Pyra's POV
Kain ako ng kain sa mga pagkaing inorder ko, hanggang sa hindi ko na mapigilang dumighay sa busog.
"Uhmm.. Ehehe excuse me." Hingi ko ng paumanhin.
"Haha ang cute mo naman Xam." Sabi ni Pao. Anong cute sa pagdighay? Nakakahiya kaya 'yon!
"Yah. Why so cute?" Nakisama pa 'tong si Alice. Di naman na kailangang sabihin ang halata na.
"Kumain na nga lang kayo dyan. Ayan tuloy tapos na ako kumain kayo hindi pa." Reklamo ko.
"Haha para ka kasing hindi kumain ng tatlong araw. Mas madami pa nga inorder mo pero ikaw pa ang naunang makatapos hahaha." Uupakan ko na ba?
"Che! Ewan ko sayo, makaalis nga muna."
"Hala wag!" Sigaw nito kaya yung ibang estudyanteng kumakain dito sa cafeteria ay napatingin na dahil sa baliw na si Paollo.
"B-baka kasi...." Sambit nito at tumingin kay Alice. Lumapit sya sa akin sabay bulong nang "baka di mo na ako maabutang humihinga kapag iniwan mo ako sa babaeng yan." At pasimpleng tinuro si Alice. Napatawa naman ako ng mahina. Nahalata ata ni Alice kaya tinignan nya ng masama si Pao.
"Hoy, kung anu-ano na naman yang pinagsasasabi mo. Don't mind him Xam, you may go." Sambit nito habang hinihitak si Pao pabalik sa kanyang upuan.
"Hehe sige kita na lang tayo." Tumango lang sa akin si Alice kaya umalis na ako.
Teka saan nga ba ako pupunta? Hmm.. Bahala na nga.
Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko sa garden. Ganun pa rin ang itsura nung huling punta ko dito. Medyo walang buhay ang mga kulay pulang rosas at lalo namang walang buhay at nalalanta na ang mga lilang rosas.
Bigla kong naisip yung ikinwento ni ma'am. Sino ba yung batang babaeng tinutukoy nya? Totoo bang ang magulang nya ay hari at reyna? Ibig sabihin Prinsesa sya. Grabe napaka mysterious naman pala talaga ng akademyang ito.
"Hi Pyra."
"Ay kabayo!" Lintik sino ba yung nanggugulat na yun?!
Pagkaharap ko.
Eh? Sya yung gwapo este yung lalaking nakalaro ko ng basketball kahapon. Teka may naalala ako, hindi ko pa nga pala nalalaman ang pangalan nya.
"Ah eh hello. Teka ano nga pala ang iyong pangalan?" Pormal kong sabi sa kanya na nakangiting masaya sa akin.
"I'm Gray." Pagsagot nito sa akin tanong.
"Ahhh, Gray..." Tatango-tango kong sabi.
"Ano nga palang ginagawa mo dito. Ang alam ko kasama mo mga kaibigan mo."
"Kilala mo sila?" Tanong ko.
"Hmm hindi gaano." Sagot nya. Tumango-tango naman ulit ako.
"Kumakain pa kasi sila kaya naisip kong maglakad-lakad muna. Eh ikaw, ano namang ginagawa mo dito?"
"Tinitignan ko palagi itong garden kung may magbabago."
"Magbabago?" Curious kong tanong.
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...