Third Person's POV
Nakaupo si Jane sa kanyang opisina na tipong ang lalim ng iniisip samantalang ang kanyang asawa ay nagsasalita.
"Mahal ko, may problema ka ba? Ang lalim ng iniisip mo." Nabalik sa realidad si Jane ng magtanong ang kanyang asawa.
"Wala, ayos lang ako." Pilit na ngiting sabi ni Jane. Pero ang totoo may bumabagabag sa kanyang isipan.
"Hindi mo ko maloloko, sa tagal ba nating magkasama ay alam ko na kung nagsisinungaling ka o hindi. Anong nagpapabagabag sa loob mo?" Sinsiridad na tanong ni Michael.
"Naisip ko lang ang pag-atakeng ginawa sa dalawang paaralan." Saad nito.
"Nababagabag ka ba na baka... kasunod na ang Enchanted?" Tango naman ang isinagot ni Jane sa kanya. Tila kinakabahan ito sa mga mangyayari.
"Bakit di mo subukang puntahan? Bisitahin? Pati ang inyong kaharian." Napatingin ng diretso si Jane sa kanya.
"Pero napakaraming aasikasuhin dito."
"Sa tingin mo ba hindi ko kayang gawin ang mga 'to?" Ani ng kanyang asawa.
"Pero marami ka na ring inaasikaso." Ngumiti si Mihael sa kanya upang mapagaan at makumbinsi ang asawa dahil para na rin ito sa ikatatahimik ng kalooban ni Jane.
"Kung gusto mong gawin, maraming paraan. Kung ayaw mo, maraming dahilan. Kaya pumunta ka na't bisitahin sila ama't ina, pati ang iyong kapatid. Alam kong miss na miss ka na nila."
Kaagad na niyakap ni Jane si Michael. Tila nag-uumapaw ang kanyang kasayang dahil makikita nitong muli ang kanyang pamilya at ang kanyang pinanggalingan. Ngunit may halo rin itong takot na sana'y pagdating nya ay walang nangyaring masama sa mga ito.
"Babalik ako kaagad. Hindi ako magtatagal." Ani nya sa pag-kakayakap.
Kaagad nang gumawa si Jane ng portal para mapabilis ang pagdating nya sa Enchantrous Academy. Hinawakan nya ang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina upang mas mapadali ang pagpunta nya sa Academy pati na rin sa Kaharian nila.
Ilang saglit lang ay naglaho na si Jane at napunta sa harapan ng isang malaking gate na kumikinang sa ganda. Napapalibutan ito ng mga sanga ng puno na may mga luntiang dahon, at may mga kumikintab na lumilipad. Siguro sa mundo ng mga tao, alitaptap ang tawag doon.
Mga enchanted o may lahing enchanted lamang ang nakakapasok dito.
Kapag itinapat mo ang iyong kamay sa may pader na may hugis kamay ay kusang magbubukas ang malaking tarangkahan.
Gano'n ang ginawa ni Jane at tuluyang nagbukas ang gate. May mga sumalubong sa kanya na dati nang namamahala ng akademya.
Kahit hindi sya ang reyna ay yumuyuko pa rin ang mga enchantress dito para magbigay galang, maliban na lang sa mga estudyanteng mangilan-ngilan dahil hindi nila ito kilala. Habang naglalakad ay sumalubong sa kanya.
"Napadalaw po kayo mahal na prinsesa." Masayang tugon ng isa sa mga tagapaglingkod ng paaralan.
"Masaya ako at nakadalaw ako dito. Ayos lang ba ang pamamahala dito?" Tanong nito.
"A-ayos naman po." Tugon naman ng kausap nya.
"Ang aking kapatid. Nasaan sya?"
"N-nasa kaharian po."
"Sayang naman, akala ko nandito sya. Bumibisita ba sya dito?" Tanong muli ni Jane. Marami syang gustong itanong dahil matagal na din syang nawala sa akademya at sa kanilang kaharian.
"O-opo"
"Pansin ko lang. Bakit parang nauutal ka?" Nagtatakang tanong ni Jane.
"K-kasi po.."
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...