Third Person's POV
Kasalukuyang nilulusob ng iba't ibang kaharian ang mga Vark.
Kaagad namang umalis si Santana sa kanyang lungga at patakbong tinungo ang sikretong laboratoryo kung saan binabalak nyang buhayin ang kanyang pinakamamahal.
Ngunit nagtaka sya kung bakit bukas ang pinto. Pumasok sya doon at tumambad sa kanya ang mga katawan ng mga scientist na inutusan nya at katawan ng mga kawal nito.
Binuksan nya ang ilaw na otomatikong magkakaroon ng kuryente sa buong building na ito. Kaagad syang sumakay sa elevator paibaba.
Bumukas ang elevator at kaagad syang nagtungo kung saan nakalagay ang kanyang pinakamamahal.
Nakita nya ang mga abo at duguang tagapagsilbi ng kanyang palasyo.
At ang ikinagunaw ng mundo nito ay ang basag na salamin at mga yelo. Wala na doon ang kanyang mahal.
"Hindi!!! Hindi maaari!" Sigaw nito at napaupo sa malamig na sahig.
'Paano?! Paano sya nawala?! Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?!' Isip niya na tila nababaliw na sa mga nangyayari.
Tumayo sya at kaagad na lumabas ng building.
'Posible kayang nabuhay ka na, aking mahal?' Pagtatanong nito sa kanyang isipan.
Inilibot nya ang kanyang paningin at biglang naglaho.
Ethan's POVLahat kami dito ay nakikipag-laban. Hindi ko alam na ganito na pala sila karami. Malamang na gumawa na naman 'yang Santana na yan ng mga impostor!
Kailangan ko nang mahanap si Pyra.
Patuloy lang kami sa pakikipag-laban ng bigla akong may napansin.
"Teka! Bakit parang padami sila ng padami?!" Sigaw ni Ximon.
"Tama ka! Minsan nakakalaban ko na naman ang mga natalo ko na." Sabi ng isang witch.
"Alam ko na! Lahat ng napapatay ay dumodoble! At sa iba sila nanggagaling." Sabi ko naman nang may mapagtanto.
"Tama ka anak! Puntiryahin natin kung saan sila nanggagaling!" Saad ni ama.
"Hahaha! Hindi nyo kami matatalo!" Kaagad kong pinutulan ng ulo ang nagsalitang kalaban ko.
Tsk.
"Ethan! Mauna na kayo! Kami ng ang bahala dito!" Sabi naman ni ama.
"Prinsesa Jane at Ginoong Michael! Puntiryahin nyo naman kung saan sila nanggagaling!" Ani ng tagapag bantay ng Enchantrous Academy.
Sinunod namin nila Ximon, Erin, at Alice ang sinabi ni ama at sinunod naman nila ang sinabi ng tagapag-bantay.
"Huwag silang padaanin!" Sigaw ng kalaban.
Lahat ng nadadaanan ko ay pinupugutan ko ng ulo at ang iba ay dinudukot ko ang puso.
"Ethan! Saan tayo mag-uumpisang hanapin sya?" Tanong ni Erin habang nakikipag-laban.
"Hindi ko din alam." Saad ko.
"Sa palasyo! Malamang nasa palasyo sya." Ani ni Alice.
"Sige, ikaw ang mauna at ikaw ang nakakaalam sa lugar na ito." Saad ko.
Sinusundan lang namin sya hanggang sa makaalis kami sa mga kawal ng kalaban. Tahimik kaming gumagalaw dahil baka mapansin kami ng iba.
Umakyat kami sa mataas na bakod saka nakita ang pinaglulunggan ni Santana.
Sana nandito ka rin Pyra.
"Hanggang dyan lang kayo!" Isang nakapangingilabot na tono ang narinig namin. Pero para sa akin isang napakapanget na tono ito!
"Santana." Saad ni Alice.
"Oh. Nandito ka din pala aking taksil na anak. Kamusta na ang iyong puso?" At tumawa sya ng malademonyo.
Napapaligiran naman kami ng mga kawal. Sa tingin ko ay dito nanggagaling ang pagdami ng kawal nya.
"Sa wakas at nandito na rin kayong lahat! HA-HA-HA!"
Napalingon ako sa mga dumating. Mukhang natalo na nila ang mga nagbabantay kanina. Pero ngayon mas dumami pa sila. Samantalang kami ay bawas na.
"Teka bakit nga ba ulit kayo napasugod dito?" Kunwari'y pag-iisip ni Santana.
"Ah! Oo nga pala. Para bawiin ang mga nakakaawa nyong mga kalahi tama ba?"
"At ikaw prinsipe Ethan? Bakit nga ba?" Lalo kong kinuyom ang aking kamao na tipong nangangati na akong ilapat ito sa mukha nyang kasuka-suka.
Tila naiinis na ako sa mga pinagsasabi nya. Pero sisiguraduhin kong sya ang mabibigo.
"Para ba makita sya?" Napatingin ako sa tinuro nya. Kinabahan ako bigla na parang gusto nang lumabas ng puso ko.
Gulat kaming nakita sya. Ibang iba na ang itsura nito. Pero di mo maikakaila ang kanyang natatanging ganda.
"Ang aking anak. Halika dito at lumapit." Lumapit sya kay Santana at niyakap ito.
Tila bumaon naman ang aking kuko sa palad ko dahil sa inis.
Muli syang tumingin sa amin. Tila nakakatakot ang kanyang aura at malamig ang kanyang mga titig. Nang magtagpo ang aming mga mata, para akong nanghina sa mga titig nya. Parang nawala ang galit ko, nabawasan ang pangungulila ko dahil nakita ko na sya, hindi bilang iba kundi bilang prinsesa.
All this time na hinahanap ko sya ay nakakasama ko na pala sa araw-araw na pumapasok ako sa klase.
Yung pagsusungit ko sa kanya. Shit! Sana hindi ka magbago. Sana mawala ang kung ano mang ginawa sa 'yo ni Santana.
Sana...
Tumingin ako sa napakasamang si Santana.
"Anong ginawa mo sa kanya?!" Pigil ngunit maotoridad kong sabi.
Muli sya tumawa ng malademonyo.
"Hindi lang 'yan ang surpresa ko sa inyo."
"Anong pinagsasasabi nya?" Tanong ni Erin.
"Nababaliw na sya." Saad ni Ximon.
"Matagal na." Sagot ko.
"Gusto mong malaman ang sinasabi ko binibini? Sige kung 'yan ang gusto mo." At tumawa na naman ito. Nababaliw na talaga sya!
"Labas na!" Sigaw nito.
May mga naglalakad naman sa kanilang likod at pumunta sa harapan.
"Hindi! Anong ginawa mo sa kanila?!" Sigaw ng hari ng mga Wolf.
Nakita namin ang lahat ng mga estudyante pati na rin ang matataas na opisyales ng iba't ibang paaralan.
Tila nakatulala sila na walang ekspresyon ang mukha.
"Napaka-demonyo mo talaga!" Sigaw ng pinuno ng mga Witch.
"HAHAHA!" tawa lang ang kanyang isinagot.
Tila gustong gusto ko ng upakan ang pasimuno ng lahat ng ito!
"LET THE SHOW BEGIN!" Sigaw ni Santana.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampiroAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...