Pyra's POV
Pangalawang gabi ko na dito sa Vampyra Academy. At ang weird ng mga tao dito. Panay sila tingin ng tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha?
Naglalakad ako papunta sa building ng room namin nila Alice. Wala akong kasabay kasi may iniutos si Ma'am na hindi ko kilala kay Alice. Malay ko ba kung anung name nung Ma'am, bago pa lang ako dito at ang mga kilala ko lang na teacher ay yung mga teacher ko sa mga subject namin.
"Hey girl diba sya yung nakabangga kay fafa Ethan at kumalaban kila Emylie?" Rinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga. Ang lakas ng loob nya para kalabanin si Emylie." Sagot nung kausap nya.
"Hindi man lang nya alam kung sino yung mga kinabangga nya. Tsk tsk tsk." Sambit nung naunang babae kanina.
"Poor girl." Muling sagot ng kausap nya.
Sinu yun? Ako ba yung pinag-uusapan nila? Sinong Emylie? Baka naman hindi ako, assuming ko talaga.
"Wow diba sya yung kaisa-isahang bumangga kila Emylie? Pati dun sa mayabang na si Ethan! Haha tawa ako ng tawa dun sa mukha ni Emylie nun!" Rinig ko na namang sambit ng isang pang babae.
"Oo at ang astig nya." Sagot ng babaeng kaharap nya.
Naglakad ako ng mabilis kasi kung anu-ano na lang ang naririnig ko. Emylie at si Ethan? Oh tapos? Anung meron? Kinamot ko ang ulo ko sa sobrang kaguluhan.
Mabuti pa pumunta na lang akong room at baka nandun na si Alice at Paollo.
Nang makapasok ako. Lahat sila tumingin, yung iba naman umirap. Inaano ko sila? Umupo ako sa may dulo dun sa upuan ko. Wala pa silang dalawa, palagi na lang ba akong mag-isa? Lagi na lang ba?! Emotera.
Wala pa din yung lalaking katabi ni Paollo. Napatingin ako sa kabilang row kung saan nakaupo sila Ethan. Wala pa din sila maliban na lang dun sa babaeng nakatingin sa akin.
Si Erin...
Tumayo sya at lumapit sa upuan ni Alice tsaka umupo.
"Hi Pyra." nakakahawa naman yung mga ngiti nya.
"Hindi mo pa ako sinasagot nung huling pagkikita natin. So pwede ba kitang maging kaibigan?" Nakangiti nitong sambit habang nakalahad ang kanang kamay.
Pero sabi nila Alice wag ko daw syang kaibiganin. Masama daw syang impluwensya sa akin. Masama nga ba talaga? Hindi naman siguro, kasi ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman siguro nya katulad yung mayabang na Ethan na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/75410236-288-k833892.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
WampiryAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...