Third Person's POV"LET THE SHOW BEGIN!" At bigla na lamang syang nawala na parang bula.
"Yeah... Let the show begin." Mahina pero rinig ng lahat na saad ni Pyra.
At nagulat na lamang ang lahat sa kanilang ginawa.
Habang si Santana ay kampanteng-kampanteng mapapatay at mananalo sila ng kanyang anak-anakan.
Ngunit labis na galit ang kanyang nararamdaman. Kaagad syang tumungo sa kulungan ng nabaliw na kapatid ni lola Ymelda na si lola Glenda.
Marahas nyang binuksan ang kulungan nito at nakita niyang nakaupo ito sa sahig habang may paulit-ulut na sinasabi.
"Nangyayari na ang ikalawang digmaan..."
"Nangyayari na ang ikalawang digmaan..."
Paulit-ulit nya itong sinasabi.
Pumunta si Santana sa kanya at sinabunutan sya.
"Tumayo ka d'yan tanda!"
Tumingin ang matanda sa kanya at tumayo habang hawak pa din ni Santana ang kanyang buhok.
"Malapit na.."
"Malapit na.." Paulit-ulit na naman nitong sabi.
"Anong malapit na?! Nangyayari na nga ang digmaan! At sinisigurado kong kami na ang mananalo ngayon!"
At marahas na hinatak ni Santana ang matanda gamit ang buhok nito.
Nag-iba naman ang sinasabi ng matanda.
"Mamamatay ka.."
"Mamamatay ka.." Tila napahinto at nagtindig ang balahibo nya sa sinabi ng matanda.
"Tahimik!! Hindi mangyayari 'yon tanda!"
At muli na naman nya itong hinila. Ganun pa rin ang sinasabi ng matanda. Hindi nya maintindihan dahil bigla na lamang syang kinabahan.
Dahil alam nya na ang bawat lumalabas na sinasabi ng matandang ito ay totoo at nangyayari.
Binuksan nya ang isa pang kulungan kung saan nakakulong ang pinakamagaling pag dating sa salamangka. Si lola Ymelda.
"Ikaw tanda!" Nagulat ang matanda dahil hawak-hawak nito ang kanyang kapatid.
"Kapatid ko." Nagsusumamong sabi nito.
"Mamamatay ka.."
"Mamamatay ka.." Sabi na naman nito na nakatingin kay Santana.
"Sinabi ng tahimik!" At hinigpitan nya ang pagkakahawak nito sa buhok ng matanda. Napadaing naman si Lola Glenda.
"Huwag! Huwag mong sasaktan ang kapatid ko."
Lumapit sa kanya si lola Ymelda ngunit hindi nya ito nahawakan o mas nalapitan man lang dahil nakagapos ang kanyang mga paa at may takip na bakal ang kanyang mga kamay.
Tinatanggal lamang ang takip na bakal sa kanyang kamay sa tuwing inuutusan sya ni Santana na gumawa ng mga spell.
"Sabihin mo! Sabihin mong nasaan si Charles ngayon?!"
"Si Charles.. Ang 'yong pinakamamahal..." Kalmadong sinabi ng matanda.
"Nasaan?! Nasaan sya at sinong may pakana sa pagpatay ng mga tauhan ko sa laboratoryo?! Sabihin mo kung ayaw mong makitang mamatay ang kapatid mo!"
"Masyado ka naman ata sa pinapagawa mo. Ang dami ko nang sinunod na utos mo. Pero sige sasabihin ko ang nalalaman ko." Seryoso nitong saad.
"Siguro'y kasama nya ang kanyang PINAKAMAMAHAL ngayon? Ang babaeng ginawan mo din ng katawang impostor. Ang babaeng pinapahanap mo. Ang babaeng karibal mo."
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...