~// Chapter 46 //~

4.8K 134 35
                                    


Third Person's POV

"Uy ganda ba ng plano namin?" Taas babang kilay na sabi ni Cyrus ng makalapit sya kay Emylie.

"As if kasama ka sa nagplano." At umirap ito.

"Grabe naman. Sungit nito! May naitulong kaya ako!"

"At ano naman 'yon?" Maarteng tugon ni Emylie habang sinasampal at kinakalmot ang mga lulapit na kalaban sa kanya.

"Ang kagwapuhan ko! Kung wala ang kagwapuhan ko, paano ma-iinspire at makakapag-isip si Kiara este si Pyra pala!"

"Like ew! Sa'n banda yang kagwapuhan mo?"

"Sa buong katawan ko!"

"Pwe!"

"Padami na ng padami ang mga kalaban!" Sigaw ni sir George. Ang nagbabantay ng mga susi at bumabati sa mga bagong estudyante sa Vampyra.

"Ang source of energy..." Bulong ni Pyra.

"Source of energy?" Tanong sa kanya ni Ethan habang nakikipaglaban pa.

"Oo. Isang malakas na enerhiya at nakapaloob do'n ang mga kaluluwa ng mga bampirang ito. At kapag nasira yo'n, tuluyan na din silang mawawala."

"Kung gano'n, nasaan 'yon?"

Bigla naman silang nagulat sa napakalakas na pagsabog malapit lang sa kanila.

Nagulat din sila ng naging abo lahat ng kanilang kinakalaban.

"Paano?" Takang tanong ng lahat. Tila naguluhan sila sa nangyari. Habang si Pyra ay nakangiti lang.

"Ama... Ina..." Napatingin lahat sila kay Pyra na tila gulat na gulat, ngunit si Pyra ay nakatingin lamang sa iisang direksyon.

Tumingin ang lahat doon at nakita nila ang makapal na usok at dalawang anino na papunta sa kanila.

Ang iba'y napanganga na lamang sa kanilang nakikita.

Patakbong lumapit si Pyra sa dalawang taong ngayo'y nakaharap na sa kanilang lahat.

Hinagkan sya nito pabalik.

"Anak ko." Naluluhang sabi ng kanyang ina.

"Meow."

"White!" Tumingin sya sa kanyang ina.

"Ang totoo nyan ay inutusan ko syang bantayan ka simula ng mapunta ka sa mga kalaban." Malambing na saad ng kanyang ina.

"Kayo po ba ang nagpasabog?"

Tumango ang kanyang mga magulang.

"Sam..? Charles..?" Di makapaniwalang saad ni Jane. Halos maluha-luha sya ng makita nya ang dalawa nyang matalik na kaibigan.

Ganun din si Michael na labis ang pagkagalak sa mga nakikita nya.

"Mahal na Hari at Reyna." Sabi ng lahat saka sila yumuko upang magbigay galang, gano'n din ang ginawa ng ibang kaharian.

Sumaludo na lamang sa kanila ang mga hari na sumama sa labanang ito.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon