~// Chapter 2 //~

14.7K 417 24
                                    


Pyra's POV

"WAAAAAHHH!!!" sigawan ng mga tao at kasama na ako dun.

"Waaaahh!! Mommy ayoko naaaa! Baba na ako huhuhu." parang bata kong pagmamakaawa sa kanila.

"Haha honey ang saya nga eh." sayang-saya na sabi ni mommy kahit buhaghag na ang kanyang buhok. Si daddy naman tawa ng tawa. Nandito kasi kami sa amusement park. At nakasakay kami ngayon sa rollercoaster.

Matapos ng isa pang ikot ay bumaba na kami. Para akong zombie na naglalakad. Grabe naiwan yung kaluluwa ko don!

Mahilig naman ako sa mga extreme na rides kaso kung makikita nyo lang yung rollercoaster na sinakyan namin eh mapapa-back-out kayo. Ang totoo nyan eh ako ang nagpumilit na sumakay dito kasi nga gusto ko ng mga extreme rides.

Pero hindi ko naman akalaing super ultra mega extreme ng rollercoaster na yun! Nakailang baliktad kami at tagilid. At ang haba pa plus tatlong ikot! San ka pa?! Halos lumuwa luwa na yung kaluluwa ko doon.

"Haha ang saya naman pala doon honey!"

"Hehe kaya pasalamat ka sakin mommmy at nagpumilit ako doon." Gusto kasi sumakay ni mommy dun sa duyan na umiikot nakalimutan ko na ang tawag dun sensya na. Flying Fiesta ata yun? Ah basta maraming duyan na umiikot! Wala man lang ka-extreme-extreme.

"Thank you honey." at kiniss ako ni mom sa pisngi.

"Oh tara na kain na tayo! Kanina pa ako nagugutom eh." Yaya ni daddy.

Umorder na kami at after 10 minutes dumating na ung order namin. Masaya kaming nagkwekwentuha habang kumakain.

"5:30 pm na." Sabi ni daddy ng tumingin sya sa wrist watch nya. Napasimangot naman yung mukha ko sa sinabi ni daddy.

"Don't worry baby magkikita pa naman tayo." Dad said na parang pinapagaan ang loob ko.

"Tama ang daddy mo, at kapag nakabalik na kami dito bibisitahin ka namin kaagad." Pagsang-ayon ni mom.

Napabuntong hininga na lang ako at napatango sa kanila. Matapos naming kumain ay ihahatid na nila ako.

Habang nasa byahe ay nakayakap ang dalawang braso ko kila mommy and daddy. Ang kanang braso ko ay nakayakap sa braso ni dad at ang kaliwa naman ay sa braso ni mom. Nasa may back sit kami at ako ang nasa gitna.

"Don't worry baby mga ilang months lang kami dun at mabibisita ka na namin o kung gusto mo ikaw ang bumisita sa amin kapag linggo." Napatingin ako kay daddy.

"Bibisitahin ko po kayo sa America?"

"Haha hindi honey. Syempre kapag nakauwi na kami dito." Sambit ni mom.

"Ma'am, sir nandito na po tayo." Singit ni manong driver.

"Oh nandito na daw tayo. Mag-iingat ka anak huh?" Paalala ni dad.

"Opo daddy."

"Alagaan mo ang sarili mo." Mommy said then hug me.

"Yes I will." At nakipag beso ako sa kanila bago bumaba. Nasa loob na ng dorm ko ang maleta ko. Ang gagawin ko na lang ay hanapin ang dorm na yun. At makapagpalit ng uniform. Dito bumibili ng uniform ang mga papasok dito. Wala kang makikitang uniform nila na nasa mall o palengke man.

Hindi na bumaba sila mommy at daddy kasi kailangan na daw nilang umalis at baka malate pa sila sa flight nila.

Nang makaalis na sila ay tumungo na ako sa school. At napanganga ako ng makita ko ang napakalaking gate sa harapan ko. Totoo ngang medyo nakakatakot dito, napapaligiran ng malalaki at maraming puno ang labas nitong school.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon