~// Chapter 28 //~

5.7K 196 14
                                    

Dedicated to SwaegSugar93

~•~•~•~•~•~•~~•~•~
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Third Person's POV

Habang ang buwan ay natatakpan ng mga ulap at ang madilim na gabi ay napakalamig, may isang babaeng parang nasiraan ng bait dahil sa nakakatakot nitong mga halakhak.

Tumawa ito habang nakatingin sa kanyang suot na kwintas habang ito ay umiilaw.

~Flashback~

Nakikipag-usap ang reyna ng mga Vark na si Santana sa isang babaeng matanda.

Ito'y isang vampire witch. Dati ang matandang ito'y ubod ng ganda kahit limang daang taon na syang nabubuhay. Ngunit ng makontrol sya ni Santana ay hindi sya nito pinagamit ng spell para bumata, dahil ang tanging nasa isip ni Santana ay sya lang ang pinakamagandang babae at pinagkakaguluhan ng lahat.

Nakontrol lang naman ito ni Santana ng ginawang baliw niya ang kapatid ng matanda.

At tanging si Santana lamang ang makapagpapabalik sa tunay nitong katinuan.

Kayang kontrolin ni Santana ang isip ng ibang tao at bampira, kaya rin nyang magkontrol ng tao at kababaang uri ng mga bampira.

"Gagawin mo ba ang spell na iyon o tuluyan ng mawawalan sa katinuan ang kapatid mo?!" Sigaw nito sa matanda.

Ang matandang ito ang pinakamagaling pagdating sa mga spell at magic. Mahilig din syang maglakbay sa iba't ibang bahagi ng mundo kasama ang kanyang kapatid.

Walang nagawa ang matanda kundi ang sundin ang iniuutos ni Santana.

"Gaya ng sabi ko. Gusto kong permanente nyang makalimutan ang buo nyang pagkatao at maalala lamang na kabilang sya sa aming mga Vark."

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon