~// Chapter 21 //~

5.4K 222 10
                                    

~•~•~•~ Dedicated to hattycute ~•~•~•~


Pyra's POV

Pangalawang araw na ng maganap yung pagsabog ng mga fireworks sa mini plaza.

At pangalawang araw na rin akong nanlulumo sa di ko malamang dahilan. Palagi na lang kasi akong nakakarinig ng---

"Kyaaah andito na sila!"

"Bagay talaga si Princess Pyra at Prince Ethan"

"O my gosh! Kompleto na ulit ang ating princes and princesses!"

"Hindi ako magtataka kung magiging sila balang araw!"

Ayan! Yan ang mga naririnig ko kapag dumadating sila. Nandito nga pala ako sa canteen kasama sila Alice at Pao.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Isa pa yung kapangalan ko pala yung Princess 'kuno' nila na dating nawala ng matagal.

"Uy! Umuusok na ilong mo Xam!" Ani ni Pao. Nabalik ako sa katinuan at tiningnan sya ng masama.

"Anong umuusok?"

"Ay mali pala. Napupunit pala yang noo mo." Natatawang sabi nya, inirapan ko na lang sya. Dumadagdag pa sya sa ka-badtrip-an ko e.

"Apektado ka ba dun sa Amber?" Tanong ni Alice.

"Hindi no!" Pagtanggi ko. Hindi naman talaga e.

"Ay defensive." Sinamaan ko ulit ng tingin si Pao. Namumuro na 'to ah.

"Naalala mo nung unang beses kang magpakilala dito." Tumango ako kay Alice. Yung mga mukha nila na paang nakakita ng multo nang marinig ang pangalan ko.

"Ganun na lang sila napatigil sa mga pinaggagagawa nila dahil narinig nila ang pangalan mo."

"Pero nickname lang naman yun ng prinsesa kuno nila."

"Kahit na. Talagang apektado sila sa pagkawala nya." Sabay tingin sa direksyon ni Amber.

"Kaya pala ayaw ni Ej yabang na tawagin akong Pyra." Bulong ko ngunit sapat na para marinig nilang dalawa.

"Masyado kasi syang nangungulila sa pagkawala nya." Sabi nya habang nakatingin pa rin sa direksyon ni Amber.

"Pero nagtataka talaga ako. Parang totoo yung kinuwento ni ma'am History dati na kapag nagbalik sya magiging maliwanag dito. Parang magic." Manghang sabi ko.

Hindi na ako sinagot ni Alice at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Bigla namang nangati ang leeg ko. Nagtaka naman ako. Nangangati lang naman kasi ang leeg ko kapag hinubad ko ng matagal yung kwintas na tanging alaala ng mga magulang ko.

Tanda nyo pa yun? Yung kwintas na gold na ang pendant ay key?

Kinapa-kapa ko ito sa aking leeg. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko. Kinapa ko ulit na halos mapunit na yung kwelyo ng damit ko mahawakan ko lamang yun. Tinignan ko pa sa loob ng damit ko. Bra ko lamang na kulay violet at walang kumikinang na kwintas.

Sh!t

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?!

"Anong nangyayari sa'yo Xam?" Takang tanong ni Pao.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon