~// Chapter 20 //~

5.6K 223 29
                                    


Third Person's POV

Tila gulat pa rin ang ekspresyon ng lahat ng estudyante dito sa loob ng classroom nila Alice. Kahit ang kanilang guro ay gulat rin ang makikita mo rito.

"A-ahmm..." Tila nahihiyang sabi ni Amber na ang totoong pangalan ay Pyrallene.

Biglang tumayo si Erin at nagsalita.

"Bakit Amber Stone ang ginagamit mong pangalan? Gayong alam mo namang Pyrallene Faust ka?" Tanong nito. Ayaw tanggapin ni Erin ang lahat ng kanyang mga narinig.

"Kahapon ko lang nalaman ang totoo kong katauhan. Gusto ng mga umampon sa akin ng anak kaya inampon nila ako at tinuring na sarili nilang anak. Iniba din nila ang pangalan ko at apilyido na nakasulat sa lampin ko noong baby pa lamang ako." Nahihiya nitong sambit.

"H-hindi mo ba ako namiss... best?" Dugtong nito sa kaibigan.

Pilit na ngumiti na lang si Erin. Hindi nya kasi alam kung anong magiging reaksyon nya gayong hindi nya alam ang nararamdaman nya.

"Kailangan na itong malaman ng principal." Tumingin si Mrs. Leah kay Amber.

"Halika at dadalhin na kita doon." Tumango naman si Amber. Bago pa sila makaalis ay may pahabol pang sinabi si Mrs. Leah.

"Answer page 24, I'll be back." At  tuluyan na silang umalis.

Sa kabilang banda naman. Nakatingin lang si Pyra sa bintana ng kanyang kuwarto. Tinitingnan ang kalangitan.

"Nakakapagtaka naman... Bakit ang liwanag pa rin?" Bulong nito sa sarili.

Tila may nararamdaman syang kakaiba. Pakiramdam nya'y kompleto sya. Kompleto ang katauhan nya ngunit parang may kulang na mahalaga.

Kakaibang lakas ang nadarama nya. Parang tumalas ang kanyang paningin at pang-amoy.Alam nyang may kakaiba sa loob nya.

Ngunit pakiramdam din nyang may kulang.

May nawawala.


~•~
Kinabukasan

Pyra's POV

Naglalakad ako sa hallway papuntang room. Ngayon na ako papasok, baka kasi marami na akong ma-miss na lesson at baka hindi ko na mahabol.

Maaga pa naman dahil 5:30 pm pa lang. May 30 minutes pa ako pero talagang nakakabagot sa dorm kaya napagpasyahan ko ng pumasok. Kanina kasing umaga at tanghali ay hindi ako lumabas ng dorm.

Tsaka baka nandito na rin sila Alice dahil wala sya sa dorm nya.

Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa paligid. Bukod sa maliwanag ay walang katao-tao. Dati naman may tao na rin dito, mga nakatambay at naglalandian.

Nandito na ako sa floor ng room namin. Napanga-nga na lang ako sa mga nakikita ko.

Anong meron at ang daming tao dito? Kaya ba walang katao-tao sa baba ay dahil lahat nandidito?

Ni hindi nga ako makadaan dahil nagsisiksikan sila. At tingin ko pa ay malapit sa room namin o baka doon mismo galing ang mga pinagkukumpulan ng mga 'to.

Lumakad ako papalapit sa mga nagkukumpulan. May nanulak pa sa likod ko at hindi ko namalayan ay nandito na pala ako sa harap ng pinagkukumpulan nila. Wow dumikit lang ako sa kanila at ngayon kitang kita ko na kung sino pinagkakaguluhan nila.

Isang napakagandang babae ang nasa harapan ko. Hindi ko pa sya nakikita kaya baka isa syang transferee.

"Natutuwa kami at nagbalik ka na Princess." Rinig kong salita ng sa sa mga kaklase ko.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon