Someone's POV"Sigurado ka ba talagang mag-tatagumpay ka d'yan?" Maarteng tugon ko sa aking kausap.
"Oo naman! Siguradong sigurado akong mapapasakamay ko ang iba't ibang kaharian! Silang lahat!" At sumilay sa kanya ang nakakatakot na ngiti.
"Huwag kang pakampante Santana. Hindi bale kapag mamamatay ka na, sabihin mo lang kung nasaan ako huh? At ako na ang magpapatuloy ng sinimulan mo, tutal gusto ko rin namang mapatay sa sarili kong kamay ang pamilya ni Jane, HAHAHA!"
"Shut your f*cking mouth kid! Magtatagumpay ako sa ayaw at sa gusto mo!"
At tuluyan syang naglaho sa tubig na aking tinitignan. Mayroon itong salamangka para makausap ko ang buang na si Santana.
Talaga lang huh? Sa ngayon tinatawag mo lang akong kid, di bale tatawanan kita ng wagas kapag namatay ka na. At ikaw naman Jane, ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako. Sayang lang dahil binuhay mo pa 'ko.
Tignan na lang natin ang kakayahan nyo. HA-HA-HA!
Third Person's POV
"Anong ginagawa mo?" Tanong ng estudyante galing sa Wolfus Academy.
"Nagbabaka-sakaling matanggal ang tali ko sa kamay? Ano ba sa tingin mo?" Inirapan naman sya ng estudyante.
"Hindi mo yan makakalas dahil sa napaka-tibay n'yan. Ni hindi mo o natin magamit ang ating kapangyarihan sa loob ng panget na seldang ito!"
Nang makaramdam ng pagod ay tumigil na sya sa pagkiskis ng tali nya sa kamay sa rehas na bakal ng selda.
"Tsk, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Babalikan tayo ni Pyra."
"Magtigil ka nga sa sinasabi mo! Masamang bampira 'yon! Masamang bampira 'yong prinsesa nyo!"
Inis na tinignan ni Emylie ang estudyante ng Wolfus.
"Hindi sya gano'n! May ginawa lang si Santana sa kanya kaya sya nagkagano'n!"
Muli syang inirapan nito.
Sa isip-isip ni Emylie 'kapag nakawala ang mga kamay ko, dudukutin ko talaga 'yang panget mong mata b*tch!'
"Tumigil na kayo. Nararamdaman kong maililigtas tayo ng ating mga kalahi." Ani ng pinuno ng Wolfus Academy na nasa kabilang selda.
"Ah basta! Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong ginawa nya sa atin! Sa ating paaralan!"
"Sinabi ng tumigil ka na! Wala kang alam kung bakit nya ginawa iyon." Sabi naman ng teacher sa Wolfus.
"Bakit teacher? Kayo ba may alam?!" Sarcastic na tanong nito. Ngunit sumeryoso ang mukha nya pati ang iba ng makita nilang nagsi-ngisian ang mga teacher, principal at matataas na ranggo sa iba't ibang paaralan.
Habang sa kabilang banda.
Kanina pa palakad-lakad si Santana sa kanyang lungga. Tila hindi sya mapakali, hanggang sa may kumatok at pumasok sa kanyang silid.
"Mahal na Reyna! Ngayon po'y inaatake na tayo ng iba't ibang kaharian. Nangunguna na po dito ang prinsipe't prinsesa ng Vampyra."
"Ano?!" Tila hindi makapaniwalang napasok sila ng mga kalaban.
"Ihanda ang mga kwintas! Pati na rin ang mga bilanggo! Isuot nyo kaagad sa kanila ang mga ito! Kilos na!"
"Opo." At yumuko ito bago umalis.
'Hindi pwede. Pero marami pa akong alas. Maghintay lang kayo!' Isip ni Santana.
Mabilis na bumaba ang kawal at pumunta sa isang silid kung saan nakalagay ang mga kwintas.
Ngunit may humarang sa kanya para makapasok.
"Tumabi ka sa dinadaanan ko. Utos ito ng Reyna."
"Utos ito ng Prinsesa na inutos sa kanya ng mahal na Reyna ginoo. Ako na ang kukuha ng mga kwintas sa matanda at mag-kakabit nito sa mga bilanggo."
Hindi sya pinakinggan ng kawal at pumasok ito sa isang silid.
"Hoy tanda! Tapos na ba ang lahat ng ito?!"
"Hindi mo makakayanan ang kahihinatnan nito kapag sinuway mo ang utos ng prinsesa." Saad ni Cyrus na pumasok din sa silid o kulungan ng matanda na pinakamagaling sa salamangka.
"Tama sya." Napatingin ang kawal sa matandang nakapikit.
"Nakikita ko ang hinaharap. Isang ipinagbabawal na itim na mahika ang ipupukol sayo ng Reyna--"
"Oo na! Ikaw na ang bahala dito pero kakayanin mo bang mag-isa?" Tanong ng kawal kay Cyrus.
"Oo, may tiwala ang prinsesa sa kakayahan ko."
"Siguraduhin mo lang." Maangas na saad nito bago umalis.
Napa-ngisi na lang si Cyrus. 'Napakadaling utuin.' Isip nito.
Kinuha ng binata ang lahat ng kwintas. Akmang aalis na sya ng hawakan sya ng matanda.
"Mag-iingat ka bata. Hindi madali ang iyong gagawin."
Ngumiti si Cyrus at sinabing "Opo lola, ako pa ba? Gwapo ko kaya." Nginitian naman din sya pabalik ng matanda.
"Sige po aalis na ako." Tango lang ang kanyang natanggap saka umalis.
Mabilis syang naglalakad na parang hangin. Ni ayaw nyang magpahalata lalo na't nasa palasyo pa sya ng reyna.
Nang makalabas sya ay nag-umpisa na syang tumakbo. Takbong hindi pang-ordinaryo.
Palihim syang pumasok sa lihim na pinto.
"Teka anong ginagawa mo dito bata? May pahintulot ka ba ng mahal na Reyna?"
Singit ng isang kawal. May Sampong kawal na nagbabantay dito. Lima sa labas at lima sa loob.
"Iniutos ng mahal na Reyna na isuot ito sa mga bilanggo." At ipinakita nya ang mga kwintas. Nagtinginan naman ang mga nagbabantay saka sya pinapasok.
Binuksan ng isang kawal ang selda ng mga estudyante. Pumasok doon si Cyrus saka isinara ulit ng kawal ang selda ngunit hindi ito nakakandado.
"Anong gagawin mo?!" Ani ni Emylie nang lumapit sa kanya si Cyrus.
"Shh huwag ka namang ma-ingay." Habang kinakabit nya ang matigas na kwintas sa leeg ng dalaga ay nagsasalita ito.
"Dahan-dahan kayong lumapit sa akin." Ani nya sa mga estudyante. Ginawa naman 'yon ng mga estudyante kahit nag-aalinlangan. Wala silang ideya sa mga nangyayari.
"Ipinadala ako dito ni Pyra." Nanlaki naman ang mga mata nila.
"Sabi ko na eh." Saad ni Emylie.
"Para saan naman ang kwintas na ito?" Tanong ng isa sa kanila.
"Hindi ko pa mapapaliwanag dahil kulang tayo sa oras. Huwag kayong mag-alala dahil walang epekto ang kwintas na ito."
Palihim namang tumango ang nagtanong sa kanya.
"Ganito ang plano..." Pagpapatuloy ni Cyrus habang kinakabit ang mga kwintas.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Vampyra Academy: The Comeback of the Lost
VampireAng hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumpleto ba ang buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng kalinga ng isang tunay na magulang? Hindi mo ba aalamin...