~// Chapter 23 //~

5.5K 222 13
                                    

Dedicated to VeaAlil

~•~•~•~

Ethans POV

Pumasok ako sa malaking bahay ko dito sa school na akala mo'y mansyon na.

"Sigurado ka bang walang nakakita sa'yo?" Walang kung ano-ano'y sabi nya.

"Sa pagkakaalam ko, wala naman akong pinapapasok sa bahay KO?" Sabi ko at in-emphasize pa ang salitang KO.

"Tss, wag kang mag-alala hindi naman ako pumasok sa kwarto mo. At pwede ba Ethan, huwag mong ibahin ang usapan." Nakatalikod ako sa kanya kaharap ang pinto papalabas. Kakasarado ko palang kasi, tapos biglang susulpot 'tong kumag.

"Tss. Wala naman, ako pa ba?"

"Siguraduhin mo lang, at baka may ---" pinutol ko na ang kanyang sasabihin at humarap.

"Ximon Cloack! Gusto ko ng magpahinga so if you don't mind can you go to your fucking house?" Inis na tanong ko sa kumag. Damn! Problema na nga yung kung sino man ang may nakakita ng ginawa ko tapos dadagdag pa siya?!

"Paano kung ayoko?" Nakangisi nyang tanong.

Namula ang brown kong mga mata. And I know sa mga oras na 'to ay alam kong alam nya na ang sagot. (I don't fucking care!)

"Ok, ok. Easy brad. Tss bakit kaya hindi mo na lang bisitahin si Princess Pyra MO, ng hindi ganyan ang---"

Lalong nagdilim ang paningin ko at sa isang iglap ay nawala na din si Ximon. Tss, alam nya talaga kung paano ako mainis.

Umakyat at pumasok na ako sa aking kwarto.

The fvck! Sino ba ang bampirang nakagawa ng ingay na 'yon?! Nakita kaya nya ang ginawa ko? Tss, humanda sa akin kung sino man 'yon.

Tumingin ako sa glass door ng terrace ng kwarto ko. Lumapit ako sa sliding door at nakitang may nakaipit na papel.

Binuksan ko ang pinto saka kinuha ang maliit na papel. Binuksan ko ito at nabasa ang isang sulat.

Magkita tayo sa storage room. Bandang likod ng school.

~Paollo Havier

Mukhang alam ko na ang patutunguhan nito.

Third Person's POV

Nakatulalang nakatingin sa bituin sa labas ng kanyang bintana si Pyra. Si Pyra Xam, not Pyrallene.

Iniisip pa rin nya ang nangyari 6 hours ago. Alas-tres na ng umaga at hindi pa rin sya nakakatulog. Hindi na tama ang kanyang pag-iisip. Kailangan na nitong magpahinga dahil na din sa dami ng nailuha nya.

Biglang napatuwid ng upo si Pyra ng humangin ng malakas mula sa nakabukas na bintana.

"Kailangan kong magsumbong." Tila ngayon lang sya nabalik sa reyalidad at nakapag-isip ng tama.

"Pero saan? Kanino?" Naguguluhan nyang sambit habang nakatingin pa rin sa bituin. Isang bituin na makinang lamang ang makikita mo sa kalangitan.

"Hindi pwede sa principal. Siguradong ipagtatanggol nya ang kanyang anak. Pero mabait naman si Ma'am Jane." Wala syang pakialam kung magmukha syang baliw sa kakausap sa kanyang sarili.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon