Prologue
Killer's POV
Natutuwa ako nang makita ko siyang nahihirapan. Napakaganda ng larong ginawa ko na ako lamang ang may balak. Mga plastic kasi. Nakakabuwisit."TULONG!!!" sigaw lang siya ng sigaw na para bang nababaliw na siya.
Tumawa naman ako dahil sa tuwa. Matagal ko na kasi itong pinagplanuhan simula no'ng nalaman kong niloloko lang nila ako at pinaglaruan, ako tuloy ang nakipaglaro sa kanila at sila na ang umatras sa laro nila. Nakakaloka.
Nakaupo lang siya sa dulo ng kuwarto at nakatakip ang kanyang dalawang mata na gamit ang panyo. Nakatali ang dalawang kamay at paa nito at patuloy pa rin sa kakasigaw at kakaiyak.
"Sorry na kung niloloko ka namin. Hindi ko naman ito sinasadya, e!" sigaw niya.
Kumakain lang ako sa lamesa at tiningnan ang tinidor na hawak ko. Napangiti ako sa naisip ko. Siguradong maganda ang gagawin ko.
"Ang sarap pala kainin ng isa nating classmate, ano?" nakangiti kong sabi. "Parang gusto ko pang magluto ng isa. Ano kaya kung..."
"HUWAG!!!" sigaw niya. Siguro naman at na gets niya ang sinabi ko. Dahil siya naman talaga ang isusunod ko.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Hindi niya siguro nararamdaman na papalapit na ako sa kanya dahil nakatakip ang kanyang dalawang mata.
"Nakakatuwa naman pala pakinggan ang mga sigaw mo." ngumiti ulit ako. Bahala na kung mapupunta ako sa impyerno basta magawa ko lang 'to.
Bigla siyang nanginig sa takot. Nararamdaman niya na nasa harap niya na ako. Nakakatuwa siya. Gusto ko siyang paglaruan.
Hinawakan ko ang kanyang dalawang panga. "NGANGA!" utos ko kaya sinunod niya naman.
"Anong g-gagawin mo s-sa akin?" nanginginig niyang tanong.
"Basta ngumanga ka na lang!" sabi ko.
"Patayin mo na lang ako keysa pahirapan!"
Sinampal ko siya. Nasa pisngi niya na ngayon ang bakas ng sampal kong pula. Nababagay lang 'to sa kanya dahil sa kaplastikan niya.
"Ayoko! Dahil pag namatay ka na! Parang nakawala ka na sa kulungan na hindi nahihirapan di ba? Free na free ka! Ano ka sosyal?" sigaw ko.
Nakita kong tumulo ang luha niya sa tapat ng panyo. Bakas ito ng sariwa niyang luha. Umiiyak siya sa takot. Kaya napangiti ulit ako. Nakakatuwa na kasi. Masyadong kapanapanabik ang nangyayari.
"NGANGA!" sinunod niya ulit ang utos ko. "Tinitingnan ko lang kasi kung nabubulok na ba ang ngipin mo! Baka puwedeng... tanggalin." napangiti ulit ako.
Sumigaw na naman siya dahil sa plano ko. Masyado siyang maingay pero okay na rin at least nakaka-thrill ang mga plano ko sa kanya.
"May nakita akong bulok na ngipin, o. Matanggal nga 'tong isa." tinusok ko naman ang tinidor sa ngalangala niya kung saan sa ibabaw nito ang hindi pa nabubulok na ngipin. Nagsisinungaling lang ako.
"AHHHH!!!" huminga siya ng malalim na may halong sigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"Ay, hindi pantay ang pagtanggal ko. Isa pa nga." napangiti ulit ako kaya umungol siya ng malakas dahil sa sakit ulit na ginawa ko sa kanya.
Dumudugo na ang tinidor na ginamit ko sa pagtanggal sa dalawa niyang ngipin. Hindi pa ako nakuntento ay tinanggal ko ng sabay ang ngipin niya sa harap sa ilalim. Ang daming dugong nabawasan. Ang sarap tilapan. Nagugutom ulit ako.
"AHHHHHHHH!!!!" sumigaw na naman siya.
Itutuloy ko pa kaya siyang patayin? O hindi na lang kaya?
WHEN SUMMER ENDS. All Rights Reserved. © KyahKebin
BINABASA MO ANG
When Summer Ends
Mystery / ThrillerSa paglalapit na pagtatapos ng bakasyon, hindi pa rin nawawala ang plastikan ng magbabarkada. Sino nga ba ang tunay na plastik sa barkada? Kanino ka ba kakampi? Handa ka na ba sa patayang ginawa nilang laro? Every chapter has a thrill. This not an o...