WSE 52

70 4 2
                                        

WSE 52

Keanna's POV
Nanghihina na ang mga binti't paa ko sa kakatakbo ko. Pero pinipilit ko pa 'ring laksan ang loob ko for the sake of my life, jusko. Hindi ko na nga alam kung saan ako pupunta nito, e. Pero feel ko pa 'rin na hinahabol pa rin kami ni Chei Ann. Ba't kasi ayaw niya kaming tantanan? Buwisit!

"TAAAKBOO, KEANNAAA!!! HAHAHAHAHAHA!!!"

Pahina ng pahina ang pagtakbo ko dahil sa pananakit na ng binti ko. Nawawalan na akong lakas para ipagpatuloy ang pagtakbo ko kaya unti-unti akong tumitigil sa pagtakbo.

"Quila, na sa'n na tayo?" mahina kong tanong pero hindi sumasagot si Quila.

"KEANNAAA!!!" dinig kong sigaw ni Chei Ann at may tinapon na bato kaya napyuko ako't napaupo. "HAHAHAHAHA!!! MAGTAGO KA, PLASTIIIK!!! DALIII!!! HAHAHAHA!!!"

Pakshet ka, Chei Ann. Kinakabahan na ako sa pagtatago at hindi ko na alam ang gagawin. Pansin ko namang dahan-dahang nagsipasukan ang mga hamog sa paligid ng gubat kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtatago sa likod ng malaking bato.

"KEANNA, LUMABAS KAAA!!! HAHAHAHAHA!!!"

Shit, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso ko dahil sa pagtawag niya ng pangalan ko. Mas lalo tuloy akong kinakabahan kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan at saan ang pagtatago ko basta ang nais ko lang ay makatakas sa loob ng gubat at humingi ng tulong.

Pero hindi ko napigilan ang sarili kong hanapin si Quila dahil sa likot ng dila ko, "Quila?" bulong ko. "Quila, na sa'n ka na ba?"

Hindi pa 'rin sumasagot si Quila. Akala ko ba na sa tabi ko lang siya? Ba't siya nawala? Kaya nagsimula ng nagsitulo ang mga luha ko dahil ramdam ko na, na nag-iisa lang pala ako ngayong tumatakbo. Siguro na sa pangalawang gubat na ako nakatakbo kaya nag hiwalay kami ni Quila at hindi ko na siya mahanap.

"Quila?" pagtatawag ko ulit na baka may chance pa. "Haay, pakshet..."

Lumingon ako sa gilid at sisilip kung nang do'n pa ba si Chei Ann. But I was wrong...

"BOO!"

Bigla akong nagulat kay Chei Ann at agad niya akong sinakal ng baging sa leeg! Hinila-hila niya ako habang patuloy na sinasakal ng baging kaya kinaladkad niya ako't ginuguyod sa damuhan.

"B-BITAWAN MO AKO!" sigaw ko habang sinusubukan kong hawakan ang baging na ginagamit niyang pangsakal sa akin! "B-BITAWAN MO AKO! B-BUWISIT KAAA!!!"

"Dapat ka lang mamatay, Keanna! Hindi mo dapat akong puwedeng isumbong sa pulis na ako ang pumapatay sa miyembro ng barkada natin! Pero pag nangyari 'yun, maaari ko kayong baliktarin!" sabi niya habang patuloy na ginuguyod pa 'rin ako.

"P-PAKAWALAN MO NA LANG AKO!" sigaw ko sa kanya "HINDI AKO PUWEDENG M-MAMATAY!"

"I'm kind of this Bloody Spongebob, Keanna. Spongebob has also this mental illness called schizophrenia sa isang episode kung saan ang lahat ng staff ng Spongebob ay naghahanap pa rin sa tape na 'to. 'Yung theory na 'yun ay base rin sa sakit ko. And I'm copying him now. Kung kay Spongebob, wala siyang reason kung pumatay, e sa akin naman ang dami..." kalmado niyang sabi.

"P-PERO ANG BABAW NG RASON MO!"

Tumigil siya sa paglalakad kaya at binitawan ang baging. Kaya nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin sa kanya habang hinahabol ang aking hininga.

"Hindi mababaw ang rason ko, Keanna. Para sa akin ay napakalaking problema 'yun! Isa akong rape victim, napatay ko 'yung Papa ko, 'yung doktor, nakipag break sa akin si Bryan-"

"DAHIL INAHAS MO SIYAAA!!!" sigaw ko.

"HINDI KO SIYA INAHAAAS!!!" nanlaki bigla 'yung mata niya. "Hindi niyo kasi alam 'yung buong istorya sa relasyon namin! Na kahit kailan hindi mali ang magmahal-!"

"PERO INAGAW MO SIYAAA!!" napatayo ako at sinigawan siya.

"Oo! Inagaw ko nga siya! Kasi mahal ko siya, 'di ba? Hindi ko alam na m-may gusto pala siya sa akin kasi habang no'ng sila pa ni Princess ay may gusto ako sa kanya. No'ng nalaman niya, ayun... hindi ko siya inutusang hiwalayan si Princess pero... pero anong ginawa niya! Hiniwalayan niya! Inutusan ako ni Bryan na saktan ko 'rin si Princess kaya sumunod na lang ako!" dagdag pa niya "But I was wrong, naniwala ako sa isang manlolokong katulad niya, nakipag-hiwalay siya sa akin for no reason! Grabe 'yung mga perang nasayang ko sa kanya, 'yung mga libre, 'yung first kiss ko sa kanya and even my virginity ay binigay ko! Kaya 'yung tingin ko sa sarili ko no'ng araw na 'yun... ay ang dumi ko ng tao! May problema 'rin ako sa sarili ko, Keanna!"

"Binully niyo ako, inaaway at kung anu-ano pang katuwaan ang pinanggagawa niyo sa akin ay tinanggap ko 'yun, mas deserve ko 'yun. Pero kahit kailan hindi naging mali ang mag-mahal. At no'ng sumali ako sa grupo niyo, winelcome niyo ako pero ang pa-plastik niyo pa 'rin! Sinisiraan niyo ako ng patalikod kaya pinipilit ko ang sarili ko na maging lider niyo ako! Kaya ang dami ko ng inagaw kay Princess! Dahil inaagaw ko kung ano ang minamahal niya, si Bryan pati kayo, inagaw ko! Inggit na inggit ako kaya inagaw ko kung anong meron siya! Gusto ko 'rin makaranas ng pagmamahal, Keanna. Pero itong sarili ko lang ang hindi ko makontrol kung bakit sa bawat bigkas ng salita niyong paninira sa akin ay mas lalong nangingibabaw ang sakit ko!" pagki-kuwento niya "At timing na miyembro rin pala ang dalawang pinsan ko sa grupo niyo kaya kinonfess ko sa kanila na may sakit ako, nakita kong narinig ni Heavenly kaya binantaaan ko siya. And the story goes on... Inggit lang ang lahat, Keanna! Na iinis ako sa sarili ko dahil na iinggit lang ako! At nang dito na pala 'yung worst position ko pagdating sa pagiging inggetera! Nakakapatay ako! Nawawala ako sa sarili ko dahil nangibabaw rin 'yung sakit ko! And I'm sorry..."

"Sorry for what?" diin kong sabi "Huli na ang lahat, Chei Ann! Kahit ang mismong diyos ay hindi ka na mapapatawad sa pinanggagawa mong kabalastugan at patayan! It's too late to say sorry, Chei."

Napayuko siya, "I know. But..." tumingin siya sa akin na nakangiti na paeang demonyo "I'll better sure that no one will know this kind of my secret. And ipapangako kong hindi niyo deserve ang hustisya!"

Sinakal niya ulit ako ng baging at mas diniin niya lalo ang pagsakal niya sa akin! Tinakpan niya ang bunganga ko kaya napahiga ako sa damuhan habang patuloy na pinipilit na hinahampas siya't tinutulak!

"You need to die just for the sake of my sickness! Mas natutuwa akong makakita ng pinapatay! HAHAHAHAHAHA!!!"

"Chei-!"

Hindi na ako masyadong nakakasalita dahil sa matinding pagdiin niya ng pagsakal gamit baging sa leeg ko. Hindi ko na siya masyadong matulak dahil unti-unti na akong nawawalan ng hininga.

Itinali niya naman ang baging sa leeg ko at hinagis ang dulo nito sa malaking sanga ng puno habang patuloy ko hinahabol nag hininga ko! Sinubukan kong makawala sa makapal na baging pero huli na ang lahat dahil hinila niya ang dulo ng baging dahilan kung bakit nahila ako pataas sa puno!

Gumalaw-galaw ako na parang gusto kong maghiganit kay Chei Ann pero nakangiti lang siya sa akin. Ayaw niya akong tulungan, ayaw niya akong pakawalan sa ginawa niyang pagbitay sa akin.

Hanggang sa unti-unting nanlalabo ang paningin ko at mukhang binabalot na nga ako ng kadiliman!

Paalam...

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon